Date
Dahil linggo ngayon at syempre walang pasok ay may date kami ngyon ni Joseph. Yes! dahil nga sa nagkabalikan na kami ay inaya nya agad akong makipag date sa kanya. At yung teddy bear na naka sakay sa scooter ay hindi nya pala tinapon. Kundi nilagay nya lang sa gilid ng pinto. Bwiset talaga yun.
Dahil twelve pa lang ng tanghali ay andito parin ako sa kwarto. Yakap yakap itong teddy bear na binigay nya. Kakilig! Haha. "Oh ikaw Teddy. Wag mong aawayin si mommy ah. Hihi" Habang pinipisil pisil ko yung ilong ni teddy. Yes anak namin 'to ni Joseph. Nung una pa nga ay ayaw ko. Pero mapilit sya. Haha!
Nang alas tres na ay nag ayos na ako ng sarili ko nag suot lang ako ng short at hindi kataasang heels at nag crop top ako. At ang buhok ko ay ginawa kung bun. Bumaba na ako para tignan kung andun na nga si Joseph. At di nga ako nag kamali nandun na nga sya. Naka faded jeans sya at top sider na color blue at naka blue stripe polo shirt. Kahit simple lang sya manamit ay nakakaakit parin sya tignan. Ang gwapo naman ng boyfriend ko.
"Hi babe" Masaya nyang bati. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan nya ako sa aking labi. "Here" Binigay nya sa akin ang bouquet of red roses. "Thanks"
Pinaayos ko sa isang yaya yung binigay nya at umalis na kami.
"San tayo pupunta?" Habang nag dadrive sya at ako naman ay walang ginawa kundi maglaro ng zombie tsunami. "San mo ba gusto ?" Takang tanung nya. "Letche ka yayain mo ko makipag date di ka pala handa. Hay naku" Umirap ako at naglaro na lang ulit ng Zombie Tsunami.
"Sorry na haha! Basta kasama naman kita ay ayos na kung saan ikaw lang ang maarte dyan." Nakangiti nyang sabi. "Edi umuwi na lang tayo at dun na lang sa bahay." Tinginan ko sya ng may galit sa mga mata ko. Nakaka inis eh.
"Eto naman nag jojoke lang pero totoo yung sinabi ko na basta kasama kita ay ayos lang kung saan eh. Masaya ko na lagi kita kasama babe. I love you, Sophia. Sige punta na lang tayo sa MOA at mag Ice skating." Nakangisi nyang sabi. Hay.
"Okay. Sa Moa tayo at mag Ice skating tayo. Kahit saan din naman basta kasama kita ay okay na ako" Sabay lumapit ako sa kanya at dinampian ko sya ng halik sa kanyang pisnge. "I love you too"
Dumating kami sa Moa at dumiretso na agad kami sa Ice skating sa moa para makabili na kami ng ticket. Dahil nga linggo ay madaming mga hipon at okoy na nagdedate ngayon. Haha Charot!. Madaming mag bf at gf ang mga nag dedate ngayon at may mga pamilya din syempre. "Hoy anu nginingisi ngisi mo dyan?" Takang tanung ni Joseph habang hinahalik halikan nya ang aking kanang kamay. "Wala" Haha.
Nang nakabili na kami nang ticket ay pumunta na agad kami sa bilihan ng Ice skating shoes. Dahil nga maarte ako ay ayoko gumamit ng mga gamit na na Ice skating shoes. Baka yung gumamit pa nun ay may alipunga mahawa pa ko. Kaya bumili kaming dalawa ni Joseph. At nung okay na ay tumungtong na agad si Joseph sa yelo. Ang bruho nag mamagaling. "Lika na dito baby" Masaya nyang sabi.
"Ahhhhh" Hindi lahat ng maganda marunung mag Ice skating. Dahil ako kahit maganda ay hindi marunong. Letche tong Joseph na ito. Grabe kung makahila sa akin. Mygosh nawawala ang poise ko dito. Baka bumagsak ako. Kahit na nakahawak ako sa braso ni Joseph ay natatakot parin ako. Sa sobrang dulas.
"Haha! Yan kasi nag mamagaling kala ko ba marunung ka" Tawang tawa nya at iniwan nya ko sa gitna nang hindi ako makagalaw. OMG! Joseph lagot ka sakin mamaya.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥