Chapter 21
Cheng
Nang maka uwi kami sa bahay ay agad na dinala ako ni Harry sa aking kwarto at agad naman akong humiga para makapag pahinga na. Walang salita salita ay napabungong hininga si Harry at tinalikuran na ako para maka alis ng kwarto. Hinayaan ko na lang dahil ayoko rin na munang mag away kami. Kung bakit sya napunta sa school ay dahil hindi ko alam. Baka tinawagan sya ni DO ng nalaman na nadala ako sa clinic. At dahil mag kaibigan sila ni Sir Flores ay malamang sya talaga ang unang tatawagan.
Chineck ko rin ang phone ko ngunit wala parin akong natatanggap na mensahe mula kay Joseph. Kaya tinext ko na sya para kamustahin. Pinadalhan din ako ni yaya ng dinner para di na ako bumaba.
Nang kinaumagahan ay nagising na lang ako sa isang tapik sa aking braso. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong si Harry iyon na may dalang breakfast na nakalagay sa tray. Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama. Inilapag nya sa gilid ko iyon at nagpasalamat naman ako. Naka office attire na sya at mukang may lakad ata. Nakatingin lang sya sa akin hanggang umupo sya sa may gilid ko kaya medyop napa urong na lang din ako ng unti.
Dahil sa katahimikan ay nagulat ako ng mag salita sya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" At agad na nilagay ang takas na buhok sa aking tenga.
"Maayos na ang pakiramdam ko, Harry." Tumango ako sa kanya at binalingan sya ng tingin. Nakangiti sya pero hindi alam mo sa mga ngiti na yun na pinipilit nya lang.
"Mabut naman..." At agad na katahimikan nanaman ang sumalubong sa amin. Kunuha ko ang mga kubyertos na nakalagay sa tray para makakain na dahil nagugutom na rin naman ako. Tinulungan nya pa ako na balatan yung banana para lang makain ko kahit di naman kailangan.
Habang katahimikan ang bumabalot sa amin sa apat na espasyo ng kwarto ay agad na may kumatok pero binuksan rin ang pinto. Bumungad sa amin si Angel na naka messy bun naka suot ng isang floral dress at color white na stilettos. Napa ayos muli ako ng upo at nahiya dahil sa itsura ko ngayon na mukang na rape!
Pasalamat sya naka ayos sya kung hindi para lang syang kuko ko sa paa. At hindi ko na mapigilan ang pag tawa ko sa isip ko kaya't kahit gusto ko ng ngumawa sa tawa dahil sa aking naiisip ay pinigilan ko. Napatingin naman ako kay Harry na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. Kaya inirapan ko! Kapal ng muka ne'to. At bakit ba punta ng punta tong Angela na 'to dito samin?! Muka naman na mayaman ang isang 'to! Naghihirap na ba'to?
Oh my goshhhh! Oh so poor! Grabe naman a so poor ng pinalit sakin ni Harry a! Eto ba? Eto bayun? Charot!
"Hello Sophia." At lumapit sya samin hanggang sa tumabi sya sa gilid ni Harry na nakatayo parin at nakita ko pa ang pag hawak nya sa balikat ni Harry.
"I told you that you should just wait me in the living room. I just check her if she's fine." Mahinang sambit ni Harry kay Angel pero sa akin parin nakabaling ang tingin.
"I can see that she's already fine. We are going to be late to our meeting with the board, Harry." Napatingin ako kay Angel and nakita ko ang ngiwi sa kanyang muka. May attitude pala 'tong gagang 'to! At dahil mayaman ako ayokong mag pakita ng panget na ugali sa kanya. At baka nga malate na sila dahil tila halos matatapos na rin ako sa pagkain ko sa breakfast pero di parin ako iniwan ni Harry.
"Okay lang Harry. Mauna na kayo. Baka malate din kasi kayo ng dahil sakin. Tsaka mabuti naman na talaga ang pakiramdam ko. Salamat sa breakfast na'to and sa pagalala mo sa akin." Habang ngumit ng sincere kay Harry.
Napabuntong hininga naman sya at agad na tumango tumayo sya ng maayos at agad na kinuha ang tray dahil halos ayoko na rin naman ibusin 'to.
"Okay. Call me if you need anything. Sinabihan ko na rin ang driver na ihatid ka sa school at sya rin ang magsusundo. Aalis na kame. See you later." Tumango na lang ako at tumango rin naman sya. Humawak sa kanyang braso si Angel at agad na napaawang ang bibig ko! Aba't ang kapal ng muka nyang mag tapat ng pag ibig sa akin pero may iba pala sya! Kapal ng muka ah! Mas malapad pa sa kalyo ni Angel sa paa!
Dahil sa inis ko ay tumayo ako at agad na kinuha ang phone. Napakunot ang noo ko lalo ng wala akong matanggap na message kay Joseph! Anu bang nangyayari sa tao na yun?! Ni hindi na makapagreply? may iba ng bang chix 'to?! Dahil sa inis ko ay agad kong dinial ang number nya para matawagan.
Halos naka sampung tawag na ako ngunit wala paring sumasagot sa akin. Mukang hindi maganda ang mga nangyayari a! Dati isang tawag ko lang sinasagot nya na! Tapos halos mag katext rin kami buong magdamag pero bakit ngayon anong nangyari. Sa sobrang inis ko at medyo matagal pa naman ang klase ko ay tinawagan ko ang bestfriend kong si Aubrey. Para kung badtrip din ako dapat sya rin para masaya! Napa evil grin na lang ako dahil sa mga iniisip ko.
Inopen ko ang facetime at ng mag limang ring na ay inaccept na rin ang tawag ko. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil si Zach ang sumagot nito! Anu yan?! Ba't andyan yan kela Aubrey?!!!!
"Hoy panget! Anung ginagawa mo dyan!" Galit kung sambit!
"Kapal talaga ng muka mo! Dahil sa tawag mo nagising ako! Inis ka! Kulang pa ang beauty rest ko e! Alam mo bang pagod na pagod ako kagabi! Grabe 'tong bff mo a! Grabe ang stamina girl! Pinagod ako kaga-" Hindi na natapos ang sinabi ni Zach dahil may umagaw na sa hawak na phone ni Zach malamang si Aubrey. Nakita ko pa ang gulat sa kanyang mga mata at ako naman ay tila pinakitaan ko sya ng deadly eyes.
Muka lang ang pinapakita nya pero alam ko na ang dapat na sasabihin ni Zach!
"Gumamit ba kayo ng condom?!" Mahinang sambit ko pero andun parin ang diin sa aking boses.
"Malamang gaga ka!" Sambit ni Aubrey at agad ko naman na nakita syang hinalikan ni Zach sa pisnge. Hays! Grabe nakakainggit a! Haha Charot.
"Naka ilang rounds kayo?" Natatawang sambit ko. Agad naman na napatingin silang dalawa at agad na sinamaan ako ng tingin.
"Haha nagbibiro lang po ako! Osya sige na ibababa ko na 'to. Panget nyo! Mabuntis ka sana tas kamuka ko!" Napahalakhak na ako dahil sa sagwa ng muka na ipinakita nilang dalawa.
"Pwe panira ka ng umaga! See you sa school!" At agad naman nawala na ang tawag.
Nag ayos na rin ako ng sarili ko makalipas ang isang oras dahil sa 11 pm na klase ko. Si manong na din ang nag hatid sa akin papasok ng eskwela. Nang makarating ako sa tapat ng room ay may lalaking nakatayo sa harap ng pinto at nang nakita nya ako ay agad syang lumapit! Sya yung lalaking nakatama sa akin ng bola sa ulo!
"Hello kamusta ka?" Mahinang sambit nya.
Umayos ako ng pagkakatayo at maayos rin syang hinarap.
"Maayos na ang pakiramdam ko." Tumango ako sa kanya at nag buntong hininga naman sya. Umayos sya ng tayo at nag lahad ng kamay sa akin.
"Ervin Cheng." Tinanggap ko naman ang kamay nyang nakalahad.
"Sophia Lim." Nakita ko ang ngiti nya at halos mawala na ang kanyang mga mata dahil sa pag ka singkit nya. Ang matangos nyang ilong ang thin lips nya at ang cute nyang dimple sa kanyang right na pisnge.
"Nice to meet you. Lunch later..." Napa kurap naman ako dahil sa kanyang sinabi. Binitawan ko ang kanyang kamay at umiling.
"No, sorry." At agad na akong pumasok sa room na kinakabahan.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥