Chapter 9

215 3 0
                                    

Coloring Books

Hays! Grabe talaga si mommy ang lakas mang badtrip. Badtrip na nga ako sa school binadtrip pa ako sa kalokohan nyang kung anung ipapangalan sa baby. Thor ? Loki ? ... E panu kung babae Cinderella, Kathryn Bernardo ? Sleeping Beauty , Dyesabel , Rhodora X? Hays. Nababaliw ako sa kakaisip. Haha!

Pero masaya ako dahil magkaka kapatid na ako. May bago na kaming baby. Sana nga lang lalaki. Nakita ko naman na papunta na si Harry sa akin at nilapag nya na ang dala nyang tray. "O bakit nakangiti ka dyan? Napopogian ka na sa akin?o di naman kaya naiinlove ka na sa akin? " Nakangising ngiti nya. 

"Hindi nag dadalawang isip kasi ako kung ikaw ba si Mr. Suave eh. Kaya napapangiti ako Haha!" Tumawa ako ng pangmayaman syempre. 

Umiling na lang sya at binigay yung pagkain ko. Nung natapos kaming kumain ay pumunta kami sa national bookstore dahil kahit ganto ako ay mahilig parin ako magbasa. Pumunta ako sa may mga pocket books at naghanap ng magandang pwedeng mabili. Habang tumitingin ako ay nagsalita ang kutong lupa sa tabi ko. 

"Bakit ka pa bibili ng mga pocket books huh?" Iritadong sabi nya. 

"Eh bakit ka ba nangengeelam, buhay mo buhay mo?" Inis na sabi ko. At inirapan sya. 

"Hindi ka pwedeng magbasa nyan, Ayoko ibalik mo yan sa shelf" Galit na utas nya. At kinuha ang tatlong hawak kung pocket books. "Anu ba bitawan mo nga" Galit kung sabi.

"Bakit ka pa kasi kailangan magbasa ng ganyan. Ayokong magbasa ka nyan dahil mababaling lang ang oras mo para sakin dahil sa mga yan. At baka mag ka gusto ka pa sa mga character dyan. So that's a no!" Nagulat na lang ako sa sinabi kaya lumuwag ang pag kakahawak ko sa mga ito at hinatak nya sa kamay ko. 

Anu ulit sabi nya na baka mabaling yung oras ko para sa kanya dahil sa mga walang kwentang pocket books at hindi lang iyon na baka mag ka gusto ako sa mga character duon. What the hell?!

"A-anung sabi mo?!" Inis kung tanung. Omg, ba't ako nauutal. 

"Halika na wag ka nang bumili nyan. Coloring book na lang bilhin natin para may magawa tayo sa bahay" At hinawak nya na ako sa wrist at kinaladkad papunta sa mga coloring book duon. N-no. 

Pinag titinginan na kami ng mga tao dahil sa ingay namin. "Anu ba, bakit dora ang galain ba ako?" Galit kung utas. "Eh anung gusto ng asawa ko?" Seryoso nyang sabi habang hawak nya ang dorang coloring book. 

Nakaka highblood talaga. Sinimangutan ko naman sya at parang nakuha ang gusto kung sabihin na 'SIGE ISA PA MALILINTIKAN KA' kaya binalik nya na lang ang coloring book na dora at naghanap pa ng iba. 

"O sige kung ayaw mo ng dora para sa anak nating si Kate" Nagulat ako sa sinabi nya. Anak ?

"O etong cinderella pati narin itong spongebob squarepants para kay Kaiser ? What do you think?" Shit! Anu bang pinag gagawa ng lalaking ito. At dahil sa lakas ng boses nya ay madaming taong nakarinig sa amin at pinag titinginan kami. 

"Mygosh ang babata pa may dalawa ng anak?" 

"Grabe naman college pa lang may pinapakain na"

My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon