Chapter 13

168 2 0
                                    

Linis

Dumating na si Ma'am Quimpo at nag lesson na sya agad at nang natapos ito at nag pakuha agad sya ng papel para sa long quiz. Lagot! di pa naman ako nakinig dahil busy ako sa pakikipag text kay Jason. Buti na nga lang eh hindi nya ako nahuli eh.

Nag simula na ang test at una palang ay hindi ko na alam ang sagot. "Aubrey anu ba lakihan mo naman yung sulat mo!" Mahina at inis kung sabi.

"Bakit di ka kasi nakikinig dyan. Text ka ng text!" Inis nyang sabi.

"Anu ba lalakihan mo ba yung sulat mo o lalakihan mo para makakopya ako?" Iritado kong tanung. Buti di kami nahuhuli.

"Anu pa nga ba di lalakihan ng mag ka iscore ka naman. Aral aral din pag may time" Tsk.

YES! thirty five over forthy.

Dahil first subject namin si Ma'am Quimpo ay may sumunod pang isang klase. Dahil 3 hours itong klase ay boring na boring na ako kaya kinuha ko yung phone ko at nag laro ng candy crush. At nang di na ako maka alis sa level na yun ay tinigil ko na lang ang paglalaro at sinubukan makinig.

Nang natapos na ang klase ay dumiretso na kami sa may field. Dahil hindi naman masyadong mainit ay napag desisyonan namin na dito na lang. Syempre kasama ko ang dalawa. At ang sweet sweet pa talaga nila kala mo totoong mag jowa. Tinext naman ako ni Jason na papunta na sya dito.

Natawa ako dahil handang handa ang dalawa sa pag pipicknick dahil may nilabas si Zach na pwedeng ilatag duon para di kami madumihan sa pag upo sa lapag. At si Aubrey naman ay nilabas ang dala nyang lunch box sa kanyang bag. Parang bata lang.

"Anu yan bakit may lunch box?" Kahit alam ko na ang sagot.

"Alam mo kung iniintindi mo na lang yung sarili mong lovelife at di mo kami pinapakielaman ni Baby munch ay mas matutuwa pa ako sa'yo" Inis na sabi ni Aubrey. Haha.

"Hay! Sorry masyado kasi akong maganda para problemahin ang lovelife. Maganda ako para sa isang katulad ko di prinoproblema yun!"

"Whatever!" At inirapan ako. Nag simula na silang mag subuang dalawa. Shit asan na ba si Joseph?

Speaking, andyan na pala sya. "Sorry, I'm late nag karoon kasi kami ng quiz eh" At umupo na sya sa tabi ko. Tumango na lang ako. May kinuha sya sa may bag nya at lumaki ang mata ko kasi isa rin itong lunch box!

"Ako ang nag luto nyan" Nakangiting sabi ni Joseph. Nginitian ko na lang sya pabalik at kinuha ang tupperware na color pink.

"W-wait wait wait. Sila bang dalawa?" Gulat na tanung ni Joseph. "Oo kami na ni Baby munch" Nakangiting sabi ni Zach at sinubuan na si Aubrey. Nakakadiri talaga.

"E, di ba bak-" Tinapik ko na ang braso nya dahil baka mag ka world war 3 pa dito sa field.

Nag simula na rin kaming dalawang kumain at inilabas pa ni Zach ang phone nya at nag patugtog ng Adore you ni Miley Cyrus.

"When you say you love me know I love you more."

"When you say you need me know I need you more."

Di ko alam kung masusuka ba ako sa pinag gagagawa nung dalawang nasa harapan namin.

"Sophia. Di ka ba nandidiri" Mahinang sabi ni Joseph sa akin.

My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon