Angel
Bigla naman syang gumalaw at bigla akong natauhan. Agad agad kung pinatay yung lamp shade at tumakbo na palabas ng kanyang kwarto. Shiz! Ba't ang bilis tumibok nang puso ko. Para akong nag jogging.
Bumalik ako sa kwarto ko at humiga na agad sa kama. Nagpagulong gulong na ako ngunit yung tibok ng puso kong mabilis ay hindi parin nawawala. Anu bang nangyayari sa akin. Mag pacheck up kaya ako? Baka may sakit na ako sa puso nito. Tsk tsk tsk.
Alas tres na nang madaling araw at dilat na dilat parin ang mga mata ko. Nag pa ikot ikot na ako ngunit wala parin talaga. Kaya tumayo na lang ako at nag computer. Nag dota na lang ako para pampaalis ng stress! Haha. Syempre joke lang ni hindi nga ako marunung mag laro ng ganun at walang naka install na larong ganun sa computer ko Nag sims na lang ako. At mas na tuwa pa ako dahil pinatay ko yung isa kung character. Haha. Sorry naman pang padami kasi eh. Ang kalat na kasi ng bahay ko!
Dahil sa naenganyo ako ay hindi na talaga ako nakatulog. Dahil pag tingin ko sa orasan ay alasais na ng umaga. At dun lang ako nakaramdam ng antok. Pano na 'to ngayon antok na antok na ako. Pero wala akong magawa dahil malapit na ang midterm at kailangan ko talagang pumasok.
Kaya wala akong choice kundi mag ayos na ng sarili. Nang natapos na akong mag ayos ay bumaba na ako para makakain na ng breakfast nang mahimasmasan naman ako. Umupo na ako sa may dining table at nanghingi agad kay yaya ng makakain.
"Thanks ya" Nag pasalamat ako ng binigay na ni yaya yung pagkain. Shit! Antok na antok na ako!
Habang kumakain ako ay bigla akong tinanung ni yaya Siling. "Anak bakit ganyan ang mata mo ? Parang namamaga?" Takang tanung nya.
"Ya! Di kasi ako nakatulog kagabi" Habang patuloy parin ako sa pagkain.
Bigla namang sumulpot si Harry sa harapan namin at umupo rin sa harap ko at kumain. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hidi sya nakapang bahay ngayon naka suot sya ng suit at sa suot nya ay parang sobrang professional nya na talaga. Kumbaga mahirap ng abutin. Naka ayos ang buhok nya ngayon na lalong nakakapag padagdag gwapo sa kanya.
Kaya napa ayos ako ng upo at kumain nang tahimik. Hindi nya ako tinitingnan at parang lang akong hangin sa harapan nya. Ito ba ang tinatawag nilang cold treatment? Kasi kung ito ngayon ay ramdam na ramdam ko sya ngayon. Shiz!
Hindi ko maiwasan na hindi sya pag masdan. Dahil napapraning na ako. Kaya ang ginawa ko ay nilaglag ko yung kutsarang ginagamit ko para mabasag ang katahimikan. Ngunit hindi nya ito pinansin at kumakain pa rin sya.
Kaya nung hindi nya ako pinansin ay inirapan ko na lang sya at tumayo na dahil nawalan na ako ng gana. Pumunta muna ako sa may sala dahil wala pa si Joseph na susundo sa akin.
Umupo muna ako at sinandal ko ang ulo ko sa upuan.
Wala pang limang minutong ganun ang posisyon ko ay napadilat ako sa mumunting boses na naglalakbay sa sala. Pag kadilat ko ay sumalubong ang Harry na naka dikwatro at may kausap sa telepono. "Yes, All done -Where are you? - Okay I'll wait" At binaba nya na yung tawag at hindi nya parin ako tiningnan. Gusto ko sanang humingi ng sorry kaya lang merong pumipigil sa aking gawin iyon.
Wala pang ten minutes na pag hihintay ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang isang mukang anghel na bumaba sa lupa. Naka suot sya ng puting dress at ang kutis nyang kumikinang sa kaputian ang kanyang buhok na may pag ka kulot sa dulo na color brown. Sinu to? at nandito sa bahay namin?
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Novela JuvenilSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥