Chapter 24
It's been months... medyo umayos na ang pakiramdam ni Joseph. Hindi katulad nung mga nakaraang buwan na tila hinang hina sya. At kahit na medyo umayos na sya at tila tinatanong ko kung anu talagang sakit nya ay tila nagagalit lang sya sa akin at hindi ako kinakausap kaya inisip ko rin na tigilan na ang pag tatanong sa kanyang sakit.
And nakapanganak na rin si Mommy and salamat sa Diyos dahil ayos sya and si baby. Tho, they still in New York para mas ma monitor silang dalawa habang si Daddy naman ay nanatili sa China and if he has the time he visits me here.
Kinuha ko yung phone ko at agad na sinagot ang tawag ni Aubrey.
"Asan ka na? Kanina pa kame nag aantay ni Zach dito sa starbucks. And andito na rin pala si... Joseph." Tumango tango naman ako kahit alam kong hindi nya naman nakita yun.
"Sige malapit na ako." At binaba ko na ang tawag at agad na nag focus sa pagdadrive.
Nang makarating ako sa Starbucks ay agad kong pinarada ang kotse at agad na umayos. Kinuha ko na rin ang bag ko at tsaka bumaba. Nang makapasok naman ako ay agad ko silang nakita duon sa labas at agad akong pumunta sa direksyon nila.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad kong kinuha ang sigarilyo na nasa bibig ni Aubrey at agad na itinaktak ko iyon sa ashtray. Nakita ko ang paglaki ng mata nya dahil sa aking ginawa.
"What the fuck is wrong with you?" Inis nyang sambit sa akin. Hindi ko sya pinansin at lumapit pa ako sa kanya para ibeso sya. Ganun rin si Zach... At si Joseph na tahimik na hinalikan ko naman. Umupo ako sa tabi nya at agad na nag salita.
"Stop smoking! Lalo kang pumapanget!" Inirapan nya lang ako at hindi na pinansin.
Tinignan ko naman Si Joseph at nakita ko ang inis sa kanyang muka. Hinawakan ko sya sa kanyang kamay ngunit hinayaan nya naman ito.
"What's with the face?" Pilit kong tawa. Siguro masama na naman ang pakiramdam kaya nag gaganto nanaman. Wala naman akong magawa kung hindi hayaan na lang dahil mag aaway na naman kame kapag tinanong ko na naman sya sa kalagayan nya.
"Nothing. Want something to eat?" Tumango tango naman ako. Dahil alam nya na ang gusto ko ay sya na ang tumayo at umorder sa loob.
"Anu bang nangyayari dyan kay Joseph? Napapansin ko na medyo moody sya at parang nanghihina? At parang pumapayat sya. Anu bang ginawa mo Aubrey? Pinapagod mo ba sya?" Natatawang sambit ni Zach.
"Yep! And nagulat ako dahil talagang kalbo na sya ngayon a! Pinagupitan nya na ang napakaganda nyang buhok!" Tumango tango naman silang dalawa.
Kahit gusto ko man malaman ang nangyayari sa sakit ni Joseph tila wala talaga akong makuhang sagot mula sa kanya or di kaya kay nurse Ivy. Kahit sa family ni Joseph ay hindi ko rin naman sila matanong dahil nahihiya ako and alam kong busy sila sa kanilang mga trabaho.
Simula rin nung may mangyari sa amin ni Joseph... Alam ko naman na mas tumindi ang pagmamahal ko sa kanya. At alam kong walang makakapantay duon. Ilang beses na rin namin yun ginawa at syempre nag iingat kame. Ayaw namin mag padalos dalos sa mga ginagawa naming bagay bagay.
"He's just not feeling well." Mahinang sambit ko.
"Then bakit sya parang kala mo hinang hina lage? Kanina nga nung wala ka ay halos naka yuko lang sya dito sa lamesa at kala mo tulog." Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.
Kahit alam ko talaga sa sarili ko na may hindi tama ay ayoko na lang talaga munang mag salita.
"I don't know. Try asking him dahil kahit ako ang nagtatanong ay wala naman syang nasasabi sa akin." I slowly shrugged at my own thoughts.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥