Preggy
Pinag titinginan kami ng mga estudyante dahil sa magkahawak namin kamay ni Joseph. Nang nakarating na kami sa harap ng pinto ng classroom ko eh tumigil muna kami. "Ako ang susundo sa'yo itext mo ako kung asan ka" At nang papalapit na ang muka nya sa akin para halikan ang pisnge ko ay biglang bumukas ang pinto. At inilabas nito ang Baklang Asungot na may atraso pa sakin. "Opsss Sarrehh" At talagang dumaan pa sa gitna namin.
Nag paalam na din ako kay Joseph at pumasok na ng classroom. Nagulat naman ako dahil parang may kinakatay na baboy sa lakas ng iyak. Si Aubrey kaya nilapitan ko sya. "Oh anung nangyari sa iyo at iyak ka ng iyak dyan. Para kang kinakatay ng baboy" Nakapamewang kong tanung.
"K-kasi break na kami ni Jason." At humagulgol nanaman sya. Napairap na lang ako. At nakarinig ako ng tawa sa likod. At nakita ko ang apat na magkakaibigang panget. Rosa, Dyesa, Rena, at Dianne.
"Oh kayong apat na panget anung tinatawa nyo dyan" Galit kung utas. "Kasi yang si Aubrey kaya break na sila ni Jason ay pinagpalit lang naman sya sa mas maganda sa kanya" At tumatawang tawa pa si Dianne sa pag kakasabi nito. At tiningnan ko naman si Aubrey at tumango tango.
"Sinu ang ipinalit sayo ?" Galit kung utas sa umiiyak na si Aubrey. "S-si Dyesa" At bigla naman syang tumayo at pumunta sa likudan para sigudin si Dyesa. "IKAW WALANGYA KANG NAGPAPANGGAP NA SIRENA NA PANGET WALANGYA KA!" Habang hinihili ni Aubrey ang buhok ni Dyesa na maluha luha na sa sakit. At yung tatlo tawa lang ng tawa nag cheer pa.
"Go Dyesa kaya mo yan" Rena
"Go beh," Dianne
"Beh anu ba yan matatalo ka na nyan" Rosa
Dahil sa natatalo na si Dyesa ay sumugo na si Rosa. Kaya sumogod na rin ako. Syempre bago pa sya maka sabunot sa buhok ni Aubrey ay hinila ko na ang buhok nya. "AHHHHHH!"
"Walangya kayong magkakaibigan ang lalandi nyo" Habang sinasabunutan ko sya. Tutulong na sana yung dalawa ng tinulak ko sa kanila si Rosa at hinila naman si Rena. "Ikaw pang walangya ka ang kapal kapal ng make up mo." At biglang sumugod si Dianne sa akin at hinila ang buhok ko. "Ahh" Napa sigaw naman ako dahil sa Dianne na to. Kaya ng hinila nya ang buhok ko ay hinila ko rin yung kanya syempre at di ko binitawan yung buhok ni Rena.
Nang nasa matindi kaming cat fight ay may biglang sumigaw. "HOY GIRLS ANU BAYAN" Galit na sabi ni Sir. Edwardo. Hindi namin sya pinansin at tuloy parin sa pag sasabunutan. Hindi titigil 'tong apat na ito habang hindi nakakatikim eh.
"Hoy kayo nga tulungan nyo ako." Galit na sigaw ni Sir sa mga kaklase kung walang pake sa amin. "Anu ba yan Sir." Galit na utas ng mga kaklase ko.
Andito kami ngayon sa Disciplinary Office. Kaming anim. Masamang masamang nakatingin sa akin si Dianne dahil sa kanya talaga ako nangigil. Lahat kami ay parang ni rape dahil sa gulo ng buhok at gusot ng uniform namin. Si Aubrey naman ay umiiyak pati si Dyesa. Walangyang Dyesa 'to kung makaiyak kala mo.
Pumasok na yung DO sa may room at umupo na sa swicel chair nya. "Wow nagkita nanaman tayo Rosa, Rena, Dianne at Dyesa Welcome back. Haha!" Nakangiting panguumpisa ni Mr. Flores. At tumingin naman sya sa amin ni Aubrey. "Oh long time no see Ms. Sophia at Aubrey" Nakangising sabi nya. At inirapan ko sya. Ka highblood eh.
"Alam ko na kung sinu ang nauna sa inyong anim" Nakangising sabi ni Mr. Flores habang pinipisil pisil nya ang hawak nyang stressball. "O sige sir hulaan nyo" Iyak na sabi ni Aubrey.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Ficção AdolescenteSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥