Chapter 23

24 1 0
                                    

Chapter 23 

Sick


Inayos ko ang sarili ko at agad na pinaandar ang kotse. Nang maka alis na ako ay agad na dinial ko ang numero ni Joseph pero nananatili itong out of coverage. Halos galit at inis ang nararamdaman ko! What the fuck is worng with him? Tila maayos naman kame kagabi at iyong nangyari ba kagabi ay ano? Sa tingin nya ba laro na lang ito para sa akin?! Fuck him then! 

Now that I gave myself to him wala ng ibang babaeng makikinabang sa kanya kundi ako. 

Nag ring ang aking telepono at nang tinignan ko iyon ay si Harry ang tumatawag kaya agad kong binaba 'yun. Tangina ang kulit! 

Nang makarating ako sa condo ni Joseph ay agad kong pinark ang aking sasakyan at agad na dumiretso sa elevator. Nang dumating na sa floor kung saan ang kanyang room ay dumiretso na ako duon para mag doorbell.  Naka ilang doorbell na ako at kala ko wala talagang tao ng sa pang huli ay gumalaw ang door knob at unting unti na bumukas ang pinto. 

Nanlaki ang mata ko dahil may babaeng humarap sa akin. Ngunit hindi ko sya sinugod at kung anu dahil naka suot sya ng pang uniporme na pang nurse... At makikita mo na nasa age 30's na sya .Anung ginagawa nito dito?

"Magandang umaga po ma'am." Mahinang sambit sa akin nung babae. 

"Good morning... Pwede ko bang maka usap si Joseph." Kinakabahang sambit ko. Tumango lang sya sa akin at agad na binuksan pa ang pintuan para tuluyan akong makapasok. 

Agad na dumiretso ako sa kanyang kwarto at pag bukas ko ng kanyang pinto ay nakita ko sya ay agad akong nanlumo. May nakakabit na dextrose sa kanya at tila nakahiga sya sa kanyang kama na parang hinang hina. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid para mahawakan ko sya. Tila pinagpapawisan ako sa lamig dahil sa aking nakikita. 

Hinarap ko ang nurse at agad syang lumapit sa amin. 

"Anung nangyari sa kanya?" Nag aalala kong tanong. 

"Tumakas sya sa ospital ma'am. Hindi pa kase masyadong maayos ang pakiramdam nya kaya siguro sinumpong sya ng kanyang sakit." Mahinang sambit nung nurse. 

Bago pa ako mag salita ay agad kong naramdaman ang pag pisil ni Joseph sa aking kamay. Agad na hinarap ko sya at kita ko ang kanyang pagod sa kanyang mata. Nginitian nya ako at tila hindi ko sya maalisan ng tingin. 

"Kamusta na ang nararamdaman mo." Nanghihinang sambit ko. Ayokong nakikita syang ganto. 

"Maayos na ako... baby" Mahinang sambit at nginitian ulit ako. Agad ko syang binigyan ng yakap. Naramdaman ko ang pag higpit sa kanyang yakap at agad naman din akong bumitaw. 

"Anung nangyari sa'yo?" Nakakunot noong tanong sa akin. Ikwinento nya lahat lahat... Tungkol sa nagkasakit sya hindi pagrereply nya dahil kailangan nya talaga ng matinding pahinga... pero ilang beses ko ring tinanong kung anung sakit nya ay tila simple lang ang kanyang sagot... lagnat lang dahil sa sobrang pagtatrabaho. Kahit ayokong maniwala ay inintindi ko sya dahil alam ko naman na hindi sya magsisinungaling sa akin. 

Mag hapon kong binantayan si Joseph at tinext ko na rin si Aubrey na hindi ako makakapasok para sa araw na iyon. Lumabas din ako ng kwarto para makapag luto ng pagkain for dinner. Iniwan ko rin yung nurse sa loob dahil kukunin nya daw ang vital stats ni Joseph at kukuhanan nya din daw muna ng blood pressure. 

Pumunta ako sa kusina para mag tingin ng mailuluto pero tila puro mga noodles at kung anu anong preservatives lang ang nakita kong food na naka istock duon. Pumunta ako sa kwarto kung asan yung dalawa at pag bukas ko ng pinto ay nag uusap sila ng masinsinan at nang nakita ako ni Joseph ay tumigil sya sa pag sasalita at tumingin naman si Nurse Ivy at binigyan ako ng mahinang ngiti. 

My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon