Talunan
Woahhhhhhhhhhhh! Ako ang nanalo. Pwede ko sya utusan ngayon at kahit anu ang gusto ko ay susundin nya. Humanda ka talaga sakin ngayon. Harry! MWAHAHAHA
"O sige mga anak maiwan ko na kayo" Umalis na si yaya. At ngayong nag iisip na ako ng pwedeng iutos sa kanya. Yes!
"O anung utus mo?" Nakasimangot nyang sabi habang nakatingin ng masama sa akin na parang pinapatay nya na ako sa isipan nya. Lagot ka talaga sa akin.
"Anung oras na ba?" Sabay tingin ko sa orasan namin. Hmm! Five na pala ng hapon. Humanda ka talaga sa akin.
Tumayo ako at pumunta ako sa kwarto nila yaya Siling. "Oh san ka pupunta ?" Busangot na tanung ni Harry sa'kin. "Dyan ka lang wag ka aalis dyan sandali lang"
Naabutan ko si Yaya siling na nakaupo sa kanyang kama habang nag babasa ng kung anu. "Yaya Siling h'wag na ho kayong mag luto para sa amin ni Harry para sa hapunan a" Masaya kung sabi. Mwahaha.
"Bakit anak sa labas kayo kakain?"
"Hindi ya. Basta sa inyo na lang po yung iluto nyo at sa ibang kasambahay" Hihi.
"Osya sige kung anung gusto mo"
Bumalik na ako sa sala at naabutan kung si Harry na nakaupo ng pa kwatro. Sige chill ka lang dyan. "Hoy! Ikaw umayos ka nga ng upo aba galing mo ah feel na feel at home ?" Nakataas kilay kung sabi habang nakapanewang pa.
"Osya sige anu ba ang gusto mong ipagawa sakin?" Inip nyang sabi.
"Pupunta tayo ngayon sa supermarket para bumili ng ingredients. Gusto kong kumain ng chicken curry at ikaw ang magluluto" Sabi ko ng nakapa mewang. "Anu e andyan naman ang mga katulong para mamili ah at mag luto bakit ako pa!" Inis nyang sabi. Aba't ang kapal talaga nito.
"E sinu bang talo sa atin?" Inis kung singhal kakainit ng blood hmm.
"ME!" Galit nyang sabi
"So anu bang deal natin?"
"Na pwedeng utusan chuchu" Walang ganang sabi nya. Habang naka pout. Ang cute ni Harry ang sarap ipakain sa piranha! Promise. Haha!
"So anung ipinapagawa ko sa'yo?" Inis kung sabi. Hayssss
"Eto na nga tatayo na"
Nandito na kami sa supermarket at syempre sya ang nag tutulak sa cart. Hahaha paano na 'to hindi ko alam kung anung ingredients ng chicken curry. "Harry, alam mo ba kung anung ingredients ng chicken curry ?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam, ikaw may gusto nito eh" Inis nyang sabi.
Tsss! Kakainis naman paano na'to, Nag crave lang naman ako sa chicken curry eh. Habang paiikot ikot kami sa super market ay nakarating kami sa station ng mga karne. Tama una muna ay chicken. "Oh dito" Sabi ko kay Harry.
"Hello sir, ma'am" Masayang sabi nung lalaking nag aayos ng mga chicken.
"Hi" Masigla kung sabi. Ang gwapo naman nitong crew na ito. Pero mas gwapo ang Joseph ko. "Hoy ikaw gusto mo ireklamo kita sa boss nyo. Ba't mo pinopormahan Fianceé ko?" NAgulat naman ako sa sinabi nitong katabi ko. Kung anu anung bad words ang lumalabas sa bibig nito eh.
Tiningnan ko sya ng masama at nakatingin parin sya ng masama sa lalaki.
"H-hindi ho sir." Takot na sabi ni guy. Kawawa naman "Kuya pasensya na ho ah, May saltik lang po itong kasama ko Wag nyo yang pansinin" Tumango na lang si kuya.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥