Kiss
Nang natapos na ako kumain ng masarap na pizza ay mabilis na akong nagtungo sa parking lot. Dahil baka makasalubong ko pa si Joseph. Mahirap na. Kaya lang hindi pa ko nakakarating sa parking lot ay nakita ko na syang nakatayo sa gilid ng pink kung scooter.
"Di ka ba nag aaral, Hindi mo ba alam ang salitang ayaw na kita makita pa?" Seryoso kung sabi.
"Please Sophia. Hindi porke't nakita mo na ko na may ka holding hands at ganun ka sweet ay may namamagitan na sa amin" Ginulo nya ang buhok nya at nakikita ko ang pag kairita nya. Ako rin naiirita sa persensya nya!
"Hindi ko na kailangan pakinggan pa dahil nakita na ng dalawang mata ko. Joseph please tigilan mo na ako" Galit kung sabi. Hinawakan nya ang siko ko at nasasaktan na ako dahil sa higpit ng pagkahawak nya dito.
"Anu ba bitawan mo nga ako" Lalo nya pang diniinan ang pag hawak nya sa siko ko kaya mas masakit.
"ANU BA" Galit kung sigaw. "Hindi kita titigilan Sophia. Halos isang taon na tayong mag karelasyon at itatapon mo lang iyon. Hindi ako papayag." Seryoso nyang sabi at binitawan na ang aking siko. Tiningnan ko ito at nakita kung bakat ang mga daliri nya sa makinis at maputi kung siko.
"Tandaan mo ang sinabi ko Sophia" At umalis na sya sa harap ko. Buti naman baka ihampas ko pa sa muka nya 'tong helmet na hello kitty ko. AYY! sakit namumula mula pa yung bakat ng daliri nya. Nakaalis agad ang gago kaya di ko nasampal. Kainis!
Nakauwi na ako sa bahay at pag kapasok ko pa lang sa pintuan ay sinalubong na ako ng dalawang malaking maleta. "Hi baby" Sabi sa akin ni mommy and ni daddy habang bumababa ng aming engrandeng hagdanan.
"Ngayon na ang alis namin ng daddy Dave mo. At hindi na ako makapaghintay baby. Hihi gagalingan ko ang performance ko para may mabuo agad baby. Para may kapatid kana" Nakangiting sabi ni mommy. I just rolled my eyes on her.
"Baby sabi ko sa mommy mo kahit di na nya galingan ang performance kasi may mabubuo talaga kami." At sabay kiss kay mommy. Ew.
"Dad anu ba. Di ba kayo nahihiya sa anak nyo. Naglalandian kayo sa harap ko." I murmur.
"Hay naku. Wag mo nga ako bwinibwiset dyan Sophia. Ang ganda ganda ng mood ko ngayon ah tigilan mo ko" At inirapan ako ni mommy. Ang arte talaga.
Andito na ako sa kami sa airport para ihatid na silang dalawa. Syempre nagbilin na naman ng kung anu anu.
"Oh ikaw sophia dahil wala kami si Yaya Siling muna ang mag babantay sa'yo Wag ka muna mag inarte. Baka masabunutan kita pag balik ko. Hmm" Sabay irap ni mommy. Syempre inirapan ko nanaman sya.
"Dad ingat po kayo sa China. Balik kayo agad pag may nabuo na kayo para masaya" Nakangiti kung sabi. "Hoy Ikaw Sophia bakit daddy mo lang ang sinabihan mo ng ingat!" Galit na utas ni Mommy. "Edi ingat din po mommy"
Nang natapos na kaming mag ba bye sa isa't isa ay nagpaalam na rn sila at baka maiwanan pa sila ng eroplano.
Nang okay na ay nag pahatid na ako kay manong Seno ang family driver namin. Tinawagan ko naman ang aking mga kaibigang si Zach at Aubrey na magkita kami sa isang bar mamayang alas otso ng gabi.
Nagulat na lang ako ng may tumatapik tapik sa aking pwet. Sinu ba iyon at nangugulo. Nang minulat ko ang mata ko ay si yaya Siling lang pala. "Anak! naku eight thirty na. Gumising kana kaganina pa kita ginigising eh." Nagulat naman ako sa sinabi ni yaya. Hala aalis pa nga pala kami ng mga bff's ko.
"Salamat po yaya" Nakangiti kung sabi at inabot agad sa bed side table ko yung cellphone ko. Nakita ko na ang mga text ni Aubrey at Zach.
Aubrey;
Walangya kang babae ka! Asan ka ng gaga ka! kaganina pa kami ni Zach dito oh!.
Zach;
Ikaw nagyaya ikaw late. Ipagpatuloy mo yan. K B!tch.
Ang babait talaga ng mga besties ko no. Hihi! By the way sila Zach pala ang may ari ng bar na lagi naming pinag gigimikan kaya laging libre. Haha
Nakarating ako sa Bar ng 9:20 hindi nadin masama diba nalate lang ako ng one hour and twenty minutes. Pag pasok ko dumiretso agad ako sa isa sa mga table kung saan sila nanduon na nagsisimula nang mag inuman.
"Oh andyan na pala ang Magandang Panget" Masayang saad ni Aubrey habang nakikipag harutan sa boyfriend nyang si Jason.
"Tara inum" Nagulat naman ako dahil binigyan agad ako ng beer ni Zach. Anu bang problema nitong lalaking to at para laging may dalaw.
Inabot ko naman yung bote na ibinigay nya at nagsimula ng umupo. Dahil busy si Aubrey sa kanyang Jason ay nag one on one kami ni Zach. Hindi ko alam kung nakakailang bote na ako ng beer pero hindi parin ako nalalasing pati narin si Zach.
"Hoy Sophia anu ba nakaka limang beer ka na ah. Anu yan tubig" Nakangiting sabi ni Aubrey habang nakayakap si Jason sa likod nya. At ang malanding ito. Feel na feel.
"Wala kang pake di kita kilala. Wala akong kilalalang panget." Nag cheers naman kami ni Zach na naka pout pa.
"Baby wag mo nang pansinin yang si Sophia. Walang matinong salita ang lumalabas sa bibig nyan" SAbay halik ni Jason kay Aubrey kaya napa iwas na lang ako ng tingin. Sa harap ko pa talaga. Hmm
"Greg magdala ka nga dito ng anim na shot ng tequila at JD dalian mo" Galit na utas ni Zach anu ba ang problema ng baklang ito.
Eleven na ng gabi kaya madami ng nagsasayawan at halos lahat ay nasa dance floor na para makisaya. Pero kaming dalawa dito ni Zach ay inuubos ang Jd na pinakuha nya. At yung anim na tequila na inorder nya ay tag tatlo kami. Shit! Lasing na ata ako.
Tumayo naman si Zach at pumunta sa gilid ko at lasing narin ang isang ito.
"T-tara Sophia sayaw tayo" Nakangisi nyang sabi. Lasing na ako at lasing na sya kaya tumango na lang ako sa sinabi nya. Dahil hindi ko na ito marinig ng maayos at hindi na nag fufunction ng maayos ang brain ko.
Nang nasa dancefloor na kami ay naaaninag ko si Aubrey at masayang nagsasayaw kasama si Jason. Nagulat ako dahil biglang hinatak ni Zach ang braso ko at sinayawan ako. Omg. Bakla ba talaga itong si Zach. Baka nagpapanggap lang ito.
Dahil sa lasing na ako ay hindi ko na ininda ang mga nangyayari at nag sinabayan nalang si Zach sa magandang tutog. Hindi ko napapansin na lumapit na pala sya sa akin at ... Hinalikan.
Hindi mag process sa utak ko ang ginawa nya. At dahil sa lasing na ako ay nadala nya ako sa kanyang munting ginawa. Tinugun ko ang kanyang mainit na halik at sinabayan sya. At nararamdaman ko din ang kamay nya sa aking batok at lalo nya pang diniin ang muka ko sa kanya.
Nagulat na lang ako ng may biglang tumalak sa akin pero hindi naman malakas. Si Aubrey! Gosh.
"What the F! Guys." At parang nagising naman ako sa katotohanan. Hinalikan ako ni Zach.
"O-o my I didn't know what I'm doing" Tiningnan ko si Zach at nahuli ko na syang nakatingin sa akin. Nawala bigla ang pagkalasing ko.
"S-sorry hindi ko namalayan Sophia" At umalis na lang bigla sa harapan namin si Zach.
Nang nawala na sya sa paningin ko ay pumunta naman sa harap ko si Aubrey. "A-are you two dating?" Seryosong tanung ni Aubrey sa akin.
What?
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥