Chapter 17
Addicting
Gamit ulit ang scooter ko ay sya na ang nag drive para sa akin at dumiretso na kami sa bahay. Natuwa talaga ako sa surprise nya kaganina! Feel ko ako lang ang talagang mamahalin ni Joseph. At alam ko rin sa sarili ko na sya lang ang mamahalin ko. Cheesy... lasang keso! Haha
Nang makarating kami ay ipinarada na ni Joseph ang aking scooter. Pumasok kami sa bahay at tila walang presensya ni Harry ang sumalubong sa akin kaya natuwa naman ako. Pinaupo ko muna si Joseph sa may couch at sinabihan na mag hintay lang sandali dahil mag bibihis muna ako. Pag katapos ay dadaan din muna kami sa condo nya para makapag palit sya ng damit.
Nag suot lang ako ng ripped jeans, sleeveless top at wedge. Tinali ko rin ang mahabang buhok ko ng messy bun. Nag lagay din ako ng light make up. Nang matapos na ako ay agad na akong bumaba. Naka prenteng naka upo si Joseph sa aming upuan kaya nilapitan ko.
Nang tinignan ko naman ang kanyang muka ay nakapikit sya at nakasandal ang ulo sa headrest ng upuan. Umupo muna ako sa kanyang gilid at hindi ko alam kung bakit hindi sya dumidilat at tila nakapikit parin.
Napangiti ako ng pag masdan ko ang kanyang mahahabang pilik mata. Ang kanyang pag katangos na ilong. Ang kanyang mapupulang labi... Napaka gwapo talaga nito! Nakakainis! Hihi
"I love you Joseph. Alam kung minsan ay nag aaway tayo, nag kakalabuan, parehas na may pag iinarte sa bawat sarili. Alam ko minsan sa sobrang ka childish-an ko eh alam kong minsan ay napapagod ka narin. Sorry, and thank you dahil hindi mo parin ako iniwan. You're still here by my side. Loving all my flaws. You accept all my mistakes. And I'm so thankful because you're here with me always and you never leave me. I love you Joseph. Happy one year anniversary and three months." Hindi ko napigilan kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
Pero habang niyayakap ko sya ay may kakaiba akong naririnig! Hindi kaya... Hindi kaya...
Nang inalis ko ang pag kakayakap kay Joseph at hindi parin naaalis ang tunog na lagi kong naririnig kay Joseph... Kapag tulog sya! Bwiset! Minsan na nga lang akong maging keso gaganituhin nya pa ako! Ang walangya tinulugan ako! Hindi ako makakapayag. Huminga muna ako ng malalim at tila pinipigilan parin ang inis na bumabalot sa akin dahil sa naririnig ko parin nyang malakas na hilik!
Kaya nang di ko na talaga napigilan ay sinampal ko na sya. Ayan hayop ka gumising ka!
Nang nasampal ko sya ay agad syang napadilat at tila mukang tanga na nanglalaki ang mata at tumayo pa.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Novela JuvenilSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥