Chapter 16

217 3 0
                                    

 Monthsary

Ginising na lang ako ni yaya Siling para sa aking pasok. Wala talaga akong ganang pumasok. Feel ko ay lalagnatin ako. Pero keme lang iyon hindi naman talaga kaya ko pa naman kaya lang wala lang talaga akong tulog kakaisip sa walang kwentang Harry na iyon at sa kay Angela na kala mo mabait may tinatago rin palang kulo sa loob. 

Nag ayos na ako at bumaba na sa baba. Naabutan ko sa dulo ng hagdanan si Joseph na may hawak na boquet of flowers. Binilisan ko ang pag baba ko para salubingin sya ng yakap. "Good morning" Niyakap nya rin ako pabalik. 

"Good morning din, para saan ito?" Naka ngiti kung sabi habang binigay nya ang roses sa akin. "Um, Wala lang. Naisipin lang kitang bigyan ng flowers?" At hinalikan nya ako sa labi. 

Tumawag ako ng ibang yaya para ipaayos ito at ilagay sa vase para idisplay at para mailagay sa aking kwarto. "Kumain ka na ba?" Taka kung tanung. Umiling sya. 

Pumunta kami sa kusina at naabutan ko si Harry na naka suit nanaman at kasama si Angel. Ang kapal din naman ng dalawang ito sa bahay pa talaga nag di-date. "Good morning Sophia" Naka ngiting bati sa akin ni Angel.

Dahil naiinis ako sa kanilang dalawa ay nginisian ko lang sya ng pagka plastik. Tsk!

Pero ayoko namang maging bastos syempre. "Angel, eto nga pala si Joseph. Boyfriend ko" At tinuro ko naman si Joseph.

"Joseph eto naman si Angel" Sabay turo ko kay Angel. Nagtanguan lang silang dalawa.

Nag handa na ang mga ibang kasambahay para makakain na kami. Nilagyan ni Joseph ang plato ko ng hotdog isang pirasong bread at bacon. Nang lalagyan na ng milk yung baso ko eh pinigilan nya yung katulang. "Ako na po" Nakangiting sambit ni Joseph. Binigay naman ni yaya yung gatas kay Joseph at sya na mismo ang nag salin sa baso ko.

"Salamat" Nakangiting sabi ko "You're welcome, Para sa'yo" Umupo na ulit sya sa tabi ko at hindi parin maalis ang mga ngiti ko sa labi sa mga ginagawa ni Joseph.

Simula ng nag balikan kami ay nag aaway parin kami minsan. Pero mas lalo ata syang nag iiba ngayon. Feel ko hindi naman sa nag mamayabang pero sa tingin ko ay hulog na hulog na sya sa akin. Mahal na mahal nya talaga ata ako. Mahal ko rin naman sya e. Tumingin ako sa kanya at nakita ko sya at busy sya sa pagkain nya. Kaya napangiti na lang ako at bumaling na lang sa aking pagkain.

Biglang nalaglag yung kutsarang hawak ni Harry. Kaya nakagawa ito ng ingay. Tumingin ako sa kanya at nakatingin parin sya sa akin. At nakakunot syang nakatingin. Anu nanaman ang problema nang lalaking ito. Kung maka titig. Binalingan naman sya agad ni Angel at tumayo para manghingi ng bagong kutsara.

Hindi ko na lang sya pinansin at kinausap ko na lang si Joseph. "Dala mo ba ang kotse mo?" Tanung ko habang kumakain.

Umiinum sya ng gatas at tumango tango sya. Pag ka tangal nya sa inumin nya ay nag karoon sya ng instant white mustache na galing sa gaas. Kaya napatawa ako ng malakas.

"HAHAHA" Napa ismid na man sya. "Bakit ka tumatawa may mali ba, may dumi ba ako sa muka?" Takang tanung ni Joseph.

My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon