Sleep over
Nakaalis na si Joseph at andito parin ako sa upuan nakatulala. Iniisip ko parin ang mga sinabi nya kaganina sa akin. Sobrang guilty ko sa mga nangyayari ngayon. At hindi ko alam ang gagawin ko kay Harry. Nakakainis kasi si Mommy eh. Ang dami alam kala mo naman talaga matinde!
Hindi ko alam na umalis na pala si Harry sa sala dahil wala na sya dito. Siguro na hiya ang kala mo matikas kaya umalis. Hays. Kinuha ko ang phone ko at tinitigan ang picture duon ni Joseph.
Sa litratong ito ay makikita sa mga mata ni Joseph kung gaano nya ako kamahal, ang ilong nyang matangos ang mapupula nyang labi ang bagsak na buhok. Hindi ko maipag kakaila na ang swerte ko dahil meron ako ngayon Joseph sa buhay ko na mahal na mahal ako. Tama kaya dapat mag focus lang ako kay Joseph. Oo tama kay Joseph lang talaga dapat. Wala ng eextra pa!
Nagpunta pa ako sa Gallery ng phone ko at tumingin pa ng ibang litrato namin duon. Meron duon na muka syang tanga dahil naka dila at parang nasasapian ng kung anung masamang espirito. Meron naman duon na pinicturan ko sya habang natutulog... At ang litrato naming nasa rooftop na naka talikod sa camera at nakaharap sa mala orange na kalangitan.
Tinext ko din si Joseph kung naka uwi na sya. At tinext ko rin ang kaibigan kung loka loka. Dahil nga nag walk out sya kaganina at hindi ko alam kung san nag punta iyon.
Aubrey:
Wow, my concern ka teh?
Me:
Wala, Walangya ka dahil sa'yo mag lilinis lang naman tayo sa gym ng isang linggo!
Aubrey:
I know, Sorry naman di ko lang napigilan. By the way kasama ko si Zach sa kanila.
Ang mokong na yun anu nanaman kayang ginagawa kila Aubrey.
Me:
Punta kayo sa house right now.
Hindi ko na pinansin ang reply nya. At tumayo na para pumunta sa kusina dahil nag wawala na ang mga butterfly sa aking tyan, Ayoko ng bulate eh. Pake?
Naabutan ko si Harry na naka apron at walang pang itaas na damat. My eyes! My poor eyes! kasalanan!
"Hoy ikaw mag bihis ka nga" Kahit kasi natatakpan ng apron ang kanyang mga pandesal. Pag natalikod sya at makikita mo parin ang firm na muscle nya sa likod at ang mga bisceps nya. Ngayon pa naman na kailangan kong iwasan ito. Ngayon pa ako sinusundan ng tukso. Ganda ko talaga. Connect ? Wala maganda lang talaga ako! Hihi.
"Anung pinag usapan nyo ni Joseph ? Nakipag hiwalay na ba sya sa'yo?" Ang mokong na 'to. Ang kapal talaga ng muka "Aba aba! Anung karapatan mo para magtanung ng ganyan?" Inis kung sabi.
Umupo na ako sa may dining area at pinag mamasdan ko lang sya. "Ako si Harry. Ex mo! Future husband bakit?" Inosente nyang sabi "At si Joseph ay isang malaking extra" Giit nya.
"Kung extra si Joseph mas extra ka. Hah! Asawa. Asawa your face dalian mo nga dyan mag luto at gutom na ako" Inis kong sabi. Kakainit talaga ng dugo ''tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥