Past
Nang natapos mag linis si Joseph at Zach ay umalis na kami sa Gym. "Nakakainis talaga kayong dalawa sina sayang nyo ang oras" Inis na sabi ni Zach.
"Baby munch galit ka ba sa akin?" Maarteng si Aubrey.
"Hindi ako galit baby munch. Sorry po" At inakbayan na sya ni Zach. Napa iling na lang kaming dalawa ni Joseph.
"Ikaw mag rereklamo ka ba?" Tiningnan ko sya ng masama.
"Hay naku. Ang ganda mo talaga Sophia. Lalo akong naiinlove sa singkit mong mga mata" At kinurot nya ang aking pisnge.
Nag paalam na sila Zach at Aubrey sa amin dahil may dadaanan pa daw sila. At hinatid naman na ako ni Joseph.
"San ka galing five ang uwi mo ah, seven thirty na?" Nagulat naman ako dahil kakapasok ko pa lang ay may biglang nagsalita. Nakaupo sya isa sa mga couch na nakaharap sa tv.
Hindi ko sya pinansin at nag dire diretso na sa kusina. Dahil gutom na ako. Nag pahanda naman ako sa isa sa mga kasambahay ng makakain.
"Simula ata ng nakilala mo yang Joseph na yan ay naging bastos kana." Mariing saad ni Harry.
"Hindi kita tatay para mag alala sa akin. At hindi na rin naman ako bata"
Nag simula na akong sumandok nang kanin at ulam. Gutom na talaga ako dahil sa pagod sa pag lalaro ng basketball kay Aubrey.
Kaya lang hindi naman ako makakain ng maayos dahil si Harry ay pinapanuod akong kumakain. Nakatayo lang sya sa harap ko at pinapanuod ako.
"Pwede bang wag mo akong panuorin, dahil hindi ako makakain ng maayos"
"Kung sinsagot mo ako ng tama ay sana hindi kita pinapanuod ngayon!" Kunot noo nyang sabi.
"Pwede ba. Gutom ako at gusto ko nang kumain" Binaba ko ang mga hawak kung kubyretos.
Tiningnan nya ako ng masama at sumuko na rin dahil iniwan nya na ako.
Habang kumakain ako ng matiwasay ay biglang nag ring ang phone ko. Sinu nanaman kaya ito ? Kinuha ko ito sa bulsa at nagulat ako dahil si daddy yung tumatawag kaya agad agad ko itong sinagot.
"Hello dad?"
"Tumawag sa akin si Harry. Anu yung narinig ko na, na DO ka daw at dahil sa ginawa mo ay pinag lilinis ka ng gym?!" Galit na sabi ni Dad.
"E, dad ganto kasi y-" Hindi nya na ako pinatapos dahil nag salita na ulit sya.
"Pag nakarinig pa ako ng isang hindi magandang ginawa mo ay ipapadala kita dito sa China!" NO!
"W-what dad?" Di makapaniwalang tanung ko.
"Yeah, you heard me right. Ipapadala kita dito once na mag sumbong pa sa akin si Harry." Nag init ang dugo ko. Harry Harry Harry! Argh. At binaba na ni Dad yung tawag.
Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat agad sa taas para puntahan sa kanyang kwarto si Harry.
Pag bukas ko ng pinto ay mag kinakausap sya sa kanyang telepono kaya napa tahimik muna ako. At piinigilan ko muna ang sarili kong mag salita.
"Yes, Ipadala mo na kay dad. -I can't, hindi ako pwede pumunta dyan ngayon. Alam mo namang na busy ako ngayon, -No! I can't leave her. Wala ang parents nya. Now ipadala mo na kay dad yan at sya na muna ang umasikaso" Hindi nya ako napansin dahil naka harap sya sa may veranda. Anung problema ? Bakit kailangan nya pang mag stay dito ? At hindi na lang sya umuwi sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Ex,My Boyfriend,My Fiancee And I
Teen FictionSinu kayang lalaki ang makakatuluyan ng isang Sophia Claudette Lim ? Basahin ng malaman. ♥