Chapter 1-Only Girl
"Alison?!what the!..ano na naman ba ang ginawa mo?! akala mo ba hindi ko malalaman?!..ikaw ha!,pumayag na nga ako na magiging ganyan ka tapos bibigyan mo lang kami na mga kapatid mo ng sakit ng ulo?.Tingnan mo nga ang hitsura mo Alison!..gawain ba yan ng babae?!" galit na wika ni kuya Aleck sa akin. Napahalukipkip ako. Kalalabas lang ng nobya kong si Scarlet nang biglang dumating si kuya Aleck. Napamura ako dahil alam ko tungkol to sa dalawang babaeng nag-aaway sa akin dahil pareho ko silang niligawan. Nalaman kasi ni kuya ang tungkol dun kaya napasugod ito sa akin. Hindi ko naman alam na magkaibigan pala yung dalawang yun.
"I told you kuya, I am a boy!..at isa pa hindi ko naman alam na magkaibigan yung mga yun!" kalmadong wika ko. Sinuntok ni kuya ang wall kaya napaigtad ako.
"Fuck!..we didn't raise you like that!..alam mong babae ka kaya itigil mo na yang kahibangan mo Alison!..at yang Scarlet mo na yan?akala mong kung sinong matino pero hinuthutan ka lang nun dahil nakita ko siyang may kasamang lalaki!" galit na wika nito at hindi ko napigilan ang aking kaya nasuntok ko siya at maya-maya ay kinwelyuhan ko ito.
"Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi ka Diyos!!.at pwede ba wag mong sirain si Scarlet sa akin dahil mahal na mahal ko siya!" galit na wika ko. Sinampal niya ako kaya bumiling ang mukha ko. Hindi ko akalain na magagawa sa akin ni kuya Aleck ang mga bagay na to!..Gusto ko ng maiyak pero hindi ko gagawin yun dahil lalaki ako at ang tunay na lalaki ay hindi basta-basta umiiyak. Kahit babae ang katawan ko pero ang nararamdaman ko ay ang pagiging isang lalaki. Nung una ay nagagalit sina Ate Alyssa, Kuya Alex at Kuya Aleck pero sa kalaunan ay tinanggap nila ako dahil wala na raw silang magagawa kung yun ang ikakaligaya ko. Pero hindi ko akalain na bumabaliktad na sila sa akin ngayon.
"Tama ka Alison..hindi kami ang Diyos! pero kami ang mga kapatid mo at ayaw namin na nasasakatan ka at masasaktan ka..mahal ka namin kaya namin ginawa to! kaya sana makinig ka dahil kami lang ang nagpapahalaga sayo at hindi ang mga babaeng yun!" wika nito. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na umiyak.
"Alam mong mahal na mahal ko si Scarlet kuya at hindi niya ako sasaktan..sana intindihin mo naman ang nararamdaman ko!" napahikbing wika ko. Inalo ako ni kuya at saka hinagod ang likod.
"Alam mong hindi tama ang ginawa mo sa sarili mo Alison dahil kahit kailan ay walang matinong babae na papatol sa isang tomboy!"wika nito. Masakit dahil narinig ko yun mismo sa kapatid ko.
"A-akala ko ba ay susuportahan niyo ako kuya?pero bakit pakiramdam ko hindi niyo ako naiintindihan?" wika ko.
"Hindi totoo yan..humanap ka na lang ng ibang babaeng mamahalin mo wag lang yung scarlet na yun dahil hindi siya bagay para sayo." wika nito.
"Sinasabi mo lang yan dahil naiinggit ka dahil wala ka pa ring nobya hanggang ngayon!" inis na wika ko at saka pinahid ang mga luha. Naiinis ako dahil ito lang pala ang ipinunta niya dito sa condo ko. I hate him!
"No baby..kahit kailan naman talaga ay hindi ako naiinggit sayo dahil noon pa man ay wala talaga akong napupusuang babae..you are the only girl in my life..at si ate Alyssa pero hindi na siya ang girl in my life ko dahil may asawa na siya kaya ikaw na lang.." wika nito. Napaingos ako. Kung hindi ko lang talaga to kapatid ay iisipin ko na talaga na may gusto siya sa akin. Kuya Aleck is not my true brother..Inampon lang siya nina nanay at tatay sabi ni ate Alyssa. Anak siya ng kaibigan ni nanay noon at ibinigay si kuya dito dahil nabuntis lang ang ina noon ni kuya Aleck at hindi ito tanggap ng pamilya ng kanyang ina. Pero kahit ganun ay itinuring namin siyang parang totoong kapatid. Six years lang yung gap naming dalawa at siya iyong tipo ng taong seryoso pero may tupak din kung minsan. Noon pa man kasi ay wala itong pinupormahang babae kaya naiisip ko tuloy na bakla ito.
"Basta, if you love me as your sibling then hayaan mo akong sumaya..at uulitin ko sayo na hindi ako babae!" I heard him sighed at maya-maya pa ay inakbayan niya ako.
"ayaw ko lang naman kasi na nasasakatan at niloloko ka but..if that's what makes you happy then go..pero hindi porke't hinayaan na kita ay hindi na ako mangingialam sayo.." wika nito. Napangiwi ako. Alam ko wala akong magagawa dahil matigas din ang ulo ni kuya.
"Okay fine..kung hindi lang kita kapatid, iisipin ko na talaga na nagkagusto ka sa akin." mahinang wika ko.
"What?!..what did you say?" tanong nito.
"Wala..ang sabi ko, okay na!, umuwi ka na nga dun sa lungga mo!" pagtataboy ko sa kanya. Napanguso ito. Gwapo si kuya at habulin ng mga babae kaya nga idol ko siya yun nga lang parang wa epek ang mga girls dito.
"I will stay here baby with YOU.." mariing wika nito. Ngumiwi ako.
"Kukulitin mo na naman ako bro eh!,pero sige na nga dahil namissed rin naman kita dahil ilang araw din kitang hindi nakikita..turuan mo ako ng diskarte kung paano mabibihag ang mga babae tol!" wika ko at saka ngumiti. Napangiwi ito at alam ko naman kung bakit. Inakbayan ko siya at saka kinindatan.
"Oh ano?payag ka ba o hindi?" nang-aasar na tanong ko.
"Of course..ang lakas mo sa akin eh..basta kung masasaktan ka wag kang mag-atubiling lumapit sa akin..mahal kita kaya ayaw kong may nanakit sayo." wika nito. Nakakatouch naman si kuya.
"Mahal din kita tol!" sagot ko dito at yumakap sa kanya. Si kuya Aleck lang yung bestfriend ko. Si kuya Alex kasi ay palaging busy kaya hindi ko kaagad malapitan pero kahit ganun ay alam kong mahal ako nun kagaya ni Ate Alyssa. Si kuya Aleck lang yung madali kong malalapitan sa tuwing may problema ako.
BINABASA MO ANG
Take Me Now
RomancePaano ka ba huhusga ng isang tao lalo na kung isang bakla or tomboy? Si Alison ay isang tomboy at palaging nasasaktan sa pag-ibig pero palaging nandiyan ay Kuya Aleck niya na nakikinig at nakakaintindi sa kanya.. Pero paano kung paglaruan siya ng ta...