Chapter 19- Is This The END?

6.3K 141 3
                                    

"Sundan mo lang si Alex Dexter..dadagdagan ko ang bayad ko kapag natuntun mo ang lugar na pinagdalhan nila kay Ali.." wika ko sa detective agent na kaibigan ko. Kailangan kong kumilos dahil halos mag-isang linggo ng nawawala si Ali. Hindi ako nakakatulog tuwing gabi kapag naiisip ko na nasa peligro ang buhay niya. Ibinigay ko ang picture ni Ali dito.
"Makakaasa ka Aleck..gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya na makita si Alison..hindi mo na kailangang dagdagan pa ang ibabayad mo sa akin dahil kaibigan kita." wika nito. Nakipagkamay ako dito saka tumango.
"Salamat..umaasa ako Dexter at sana mahanap mo siya sa lalong madaling panahon." wika ko dito. Tinapik niya ang balikat ko.
"Mahal na mahal mo talaga si Ali ano?naiintindihan ko ang nararamdaman mo Aleck dahil tulad mo ay naranasan ko rin ang magmahal." wika nito.
"Siya ang buhay ko Dexter at hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay kung wala siya sa tabi ko..hinintay ko siya at minahal sa loob ng mahabang panahon kaya hindi pa sapat ang maikling panahon na nagkasama kami kumpara sa panahon na nagkalayo kami." wika ko. Tumango ito at saka nagpaalam. Pumunta na rin ako sa bahay ng parents ko. I need person to comfort me. Ilang sandali pa ay nasa bahay na ako. Tumakbo si Mom na sumalubong sa akin ng yakap.
"Where's Dad?" tanong ko dito.
"Nasa office may meeting at kakausapin niya raw ang mga pulis kung may update na tungkol kay Ali..bakit?may kailangan ka sa Dad mo?.., are you okay son?" wika nito. Umiling ako.
"I'm not okay Mom hangga't wala si Ali sa tabi ko..I know matagpuan rin natin si Ali..hindi ako nawalan ng pag-asa na makita ulit siya Mom..umaasa ako na matutuloy ang kasal namin." malungkot na wika ko. Halos maiyak na ang ina ko na nakatingin sa akin.
"Anak..I'm so proud of you dahil napatunayan ko kung gaano ka magmahal ng isang tao..Ali is so lucky to have you at umaasa ako na makikita rin natin siya at matutuloy ang kasal niyo.." wika nito.
"Pero galit si Ate Alyssa sa akin Mom..galit siya dahil sinaktan ko si Alex." wika ko. Kumunot ang noo nito.
"And why did you hurt Alex?" tanong nito. Bumuntong hininga ako.
"Dahil siya ang nagpatago kay Alison kay Harry para mailayo sa akin..I never thought he did that to her own sister." wika ko. Nanlaki ang mga mata nito.
"What?!..bakit ba galit na galit yang Alex na yan sayo?" inis na wika nito.
"May mga bagay siguro kaming hindi pinagkasunduan Mom..hayaan na natin..the truth will always reveals naman diba?" wika ko.
"Hindi!..kailangan kong puntahan ang Alex na yan para mapagsabihan at kakausapin ko rin si Alyssa na minsan makinig siya sayo!" wika nito ngunit pinigilan ko siya.
"No Mom please..litong-lito ngayon si Ate Alyssa at ayokong dagdagan ang mga problema niya..kung ano man ang alitan naming dalawa ni Alex ay sa amin na lang yun..pagkatapos ng kaguluhang ito ay susubukan kong makipag-ayos sa kanya..hayaan na muna natin sila..ang importante ay mahanap natin si Alison." wika ko. Napailing na lang ito at saka tumalikod. Napaupo ako sa sofa at napahawak sa sentido ko. I missed her. I missed Ali so much. Napahalukipkip ako nang mag-ring ang phone ko at si Dexter ang tumawag.
"Yes Dexter?" sagot ko.
"Aleck..sinundan ko si Alex at nandito ako sa isang maliblib na lugar at kitang-kita ko mula rito sa kinatatayuan ko na may kausap siyang isang foreigner na lalaki..may abandoned building rito at baka nandito ang hinahanap mo." balita nito sa akin. Napatayo ako.
"Okay..pupunta ako diyan..itext mo sa akin ang address at pupunta ako diyan..wag  mong ihiwalay ang paningin mo sa kanila..tatawag ako ng mga pulis para bumack-up sa atin." wika ko.
"Okay..sige maghintay ako rito..bye."wika nito at saka pinutol ang linya. Tumakbo na ako sa kotse ko at umalis ng hindi nagpaalam sa ina ko. Maya-maya pa ay naitext na ni Dexter ang address kaya tumawag ako sa pulis station at kailangan ko ng back-up. Hindi ko na tinext si Ate Alyssa dahil baka malaman pa ni Alex na pupunta na ako sa lugar na iyon. I silently praying na sana wala silang ginawa kay Ali dahil mapapatay ko si Harry kahit si Alex din. Mga thirty minutes din akong nakarating sa lugar at agad ko ring nakita si Dexter. Nagmamadali akong lumapit dito.
"Where are they?" tanong ko agad.
"Nasa loob sila..hindi pa lumalabas ang Alex na yun." wika nito.
"Okay..paparating na yung mga pulis..sabihin mo sa kanila na palibutan ang building na yan..I'm going inside of the building..kailangan kong makita si Ali." wika ko. Tinapik niya ako sa balikat.
"Wag kang magpadalus-dalos Aleck dahil hindi natin alam kung ilang tao ang nasa loob na posibling magpahamak sayo." wika nito.
"Kailangan ako ni Ali..kailangan ko siyang iligtas.." mariing wika ko at saka tumakbo papalapit sa building na yun. Pero bawat hakbang ko ay pinag-iisipan ko. Ginamit ko ang baril ko for self defense at gagamitin ko ang napag-aralan ko martial arts na natutunan ko sa college pa ako. Nagtago muna ako at saka nagmasid sa paligid. Nasa likod ako ng building kung saan wala masyadong tao. May nakita akong isang bantay pero nakatalikod ito sa akin kaya dali-dali ko itong nilapitan at saka sinakal ng patalikod at ilang sandali pa ay nakahandusay na ito sa lupa.
"I'm sorry boy..pero kailangan kong kunin kung ano ang sa akin." wika ko pa at saka dali-daling pumasok sa may pinto. Tinatanya ko ang bawat hakbang na ginagawa ko hanggang sa nakarating ako sa ikalawang palapag ng building and there I saw my foster brother Alex talking to that foreigner guy at I'm sure si Harry yun. Nag-iinuman ang mga ito kasama ang iba pang kasamahan. Sa gilid ng mga iyon ay isang silid na may padlock. Dun kaya nila itinago si Ali?..kinakabahan man ay nagkubli ako at saka kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Dexter.
"Dexter..where's the pulis?" bulong na wika ko.
"Nandito na sila at saka tinawagan ko nga pala si Alyssa na nakita natin kung saan itinago si Ali..ibinigay sa akin ng head of pulis ang number nito kaya tinawagan ko na lang..kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari sa mga kapatid niya." wika nito. Nanlaki ang mga mata ko.
"What?!.bakit mo ginawa yun?..baka lalo lang tayong magkaproblema niyan." bulong ko dito.
"Aleck may karapatan si Alyssa dahil mga kapatid niya ang involve dito at siya ang mas pakikinggan ni Alex.." wika nito. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Make sure that she will not be hurt Dexter." wika ko na lang.
"Okay pangako yan..handa na nga pala ang mga pulis..nakapwesto na sila." wika nito.
"Okay..that's good..I'll do my part this time Dex..nandito na ako sa loob..kung makarinig kayo ng putok ay pwede ng pumasok ang mga pulis." wika ko.
"Okay.." wika nito. Pinatay ko na ang phone ko at saka ibinalik ang attention ko kina Alex pero wala na ang mga ito. Napakunot-noo ako na lumabas sa pinagkublian. Nang mapagtanto kong wala na sila ay patakbo akong lumapit sa may silid na posibling pinagtaguan nikta kay Aleck pero bago pa ako nakahawak sa seradura ay dumating si Harry.
"look who's here!..catching a big fish huh?" ngumisi ito. Lumabas ang mga tauhan nito pero hindi ko makita si Alex.
"Fuck!!.you bastard! where's Ali?" galit na wika ko.
"And so you're Aleck..she's not here!" wika nito. Naikuyom ko ang mga palad ko.
"I knew she's here you idiot!..I can kill you anytime Harry, so if I were you, give Ali back to me!" galit na galit na wika ko dito.
"Oh I'm threaten Aleck.." wika nito at saka tumawa. Lalong nag-init ang ulo ko sa kanya. Itinaas ko ang aking baril at saka nagpaputok ng isang beses hudyat na pwede ng pumasok ang mga pulis. Bigla na lang akong tinutukan ng baril ng mga tauhan nito.
"Fuck!..I will assure you that you're gonna pay this Harry!." galit na wika ko dito.
"Punch him until he'll crawl in pain!" utos ni Harry at maya-maya pa ay pinagtulung-tulungan nila ako sa pagsuntok. Wala akong magawa at hindi ako makapanlaban hanggang sa nanghihina na ako. Pumasok si Alex at para bang nagulat rin ito na makita ako.
"Stop that!" galit na sigaw ni Alex. Napahinto ang mga tauhan ni Harry at maging si Harry din.
"A-Alex..bakit mo to nagawa sa pamilya natin?" hindi ko natiis na tanong dito. Umiling ito.
"Harry stop this..I didn't told you to hurt Aleck!." galit na wika nito kay Harry. Ngumisi lang si Harry.
"Poor Alex..do you believe that I'm gonna follow your command after all?" humalakhak ito ng tawa. Napakunot-noo si Alex at maging ako din. Bigla na lang itong sinugod ni Alex pero bago pa ito makalapit kay Harry ay hinawakan ito ng dalawang tauhan ng huli.
"Don't you dare to hurt me Alex because you've never know what I'm capable of..I'm just taking what is mine and that is Ali.." mariing wika ni Harry dito.
"You're such a bullshit fuckin son of a bitch!.you've never own anything Harry!" sigaw ko dito at saka sinuntok ako ng isa sa mga tauhan nito. Napaimpit ako sa sakit.
"I will kill you if you can't keep your mouth shut!" galit ring wika nito at saka binuksan ang silid na sa tingin ko ay pinagtataguan nila kay Ali. Pumasok ito sa loob at pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang tauhan sa akin.
"Ali!!" sigaw ko.
"Ali!!!" sigaw rin ni Alex. Galit ako kay Alex pero hindi ko uunahin ang galit ko sa kanya sa mga panahong ito. Mayamaya pa ay lumabas si Harry dala si Ali na nakatali ang mga kamay at may takip ang bibig at may galos ang katawan.
"Fuck!.what did you do to her?!"  nanginginig ang katawan ko at naikuyom ko ang mga palad ko.
"Oh my God Ali!" sigaw ni Alex. Napaiyak ako at saka nagpupumiglas. Ngumisi lang si Harry.
"Her she is..my beautiful Ali." wika nito at saka tumawa. Walang-hiya talaga si Harry at walang awang sinaktan ang mahal ko. Narinig ko ang pilit na pagsigaw ni Ali at nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya na nakatingin sa akin.
"Put your hands up!!.ibaba niyo ang mga baril niyo dahil napalibutan na namin kayo!" sigaw ng chief. Dumating ang mga pulis kasama si Dexter. Lahat sila nakatutok ang mga baril sa mga kalaban.
"Oh my God!.Aliii!!" hysterical na sigaw ni Ate Alyssa na pinipigilan ni Dexter.
"And you thought that I'm going to gave up that easy?..kill me and I will Ali!" galit na wika ni Harry. Kinakabahan na ako ng sobra. Nagkagulo ang lahat. Si Ate Alyssa ay humahagolhol ng iyak. Nanlaban si Alex at saka tinapakan ang dalawang taong humawak sa kanya kaya nabitiwan siya kaya yun na ang pagkakataon na nabaril ng mga pulis ang mga humahawak sa kanya. Nagpupumiglas rin ako sa mga humahawak sa akin.
"Bitiwan niyo ako kung gusto niyo pang mabuhay.." mariing wika ko sa dalawa. Nakita ko ang takot sa mga mata ng dalawa at maya-maya pa ay binitiwan nila ako maging ang mga armas at saka itinaas ang mga kamay. Pinusasan sila ng mga pulis.Tumakbo si Harry at ginawang pangharang si Ali.
"No!!you can't escape Harry!!.if you do that I will make sure that you can't escape my bullet!" sigaw ni Alex at bigla-bigla na lang pumailanlang ang mga putok--kung ilan ay hindi ko alam. Ang nasa isip ko sa mga panahong yun ay mailigtas si Ali. Tumakbo ako at kasabay ng paghinto ng putok ay ang pagkahandusay ni Ali na naliligo sa sarili nitong dugo. Nanlaki ang mga mata ko.
"Aaaalllliii!!!" ubod ng lakas na sigaw ko at kinandong siya kasabay din ng pagsigaw ni Ate Alyssa.
"Aaalllleeexx!!" iyak na sigaw nito at kinandong ang naliligo sa sarili nitong dugo na si Alex. Nanginginig ang buong katawan ko. Is this the end?..bakit ang lungkot-lungkot ng kinahihinatnan namin?

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon