Chapter 8- Go Home

5.7K 139 2
                                    

Chapter 8-Go Home

Napamulagat ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Kinapa ko ito at saka sinagot at si Ate Alyssa ang tumatawag. Mabuti na lang wala akong pasok ngayon.
"Yes Ate?" sagot ko sa cellphone. Narinig ko ang buntong-hininga nito kaya hindi ko maiwasan ang mag-alala. Baka may problema na naman ito o baka nag-away sila ni Kuya Cedrick. Napaka-emotional kasi ni ate pagdating sa pamilya.
"M-may problema ba?" hindi ko natiis na magtanong.
"Kailan ka ba uuwi dito sa atin?..Ali, were missing you lalo na si tatay.." at kahit hindi ko nakikita si ate, alam ko naiiyak na ito. Ako naman ang napabuntong-hininga.
"Ako din..namimissed ko na kayong lahat..pero ayoko munang umuwi ate..the pain is still here..I will come home soon.." wika ko. Narinig ko ang mahina niyang paghikbi.
"Kailan yun?..I know you're happy right now dahil natagpuan mo na ang tunay na ikaw at ang tunay na nagpapaligaya sayo..isn't it enough para makalimutan mo ang nangyari?wala ng rason para hindi mo harapin ang mga taong nagkasala sayo..Matagal ng pinagsisihan ni Aleck ang nangyari--" pero bago pa nagpatuloy si ate ay pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Can you please stop talking those people in me ate?!dahil bawat banggit mo sa pangalan nila ay paulit-ulit na bumabalik sa akin ang nakaraan..nagagalit ako sa kanila." may halong inis na wika ko.
"You felt that because you didn't forgive them..Alison, bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin sila napapatawad?..May mahal ka ng iba..nakamit mo na ang matagal mo ng pinapangarap na kaligayahan..Ano pa ba ang kulang?.Nang dahil diyan sa galit mo na yan ay nakakalimutan mo na may pamilya kang naiwan!.kahit si tatay na lang ang isipin mo Ali..Dinala namin siya kagabi sa ospital dahil nahihirapan siyang huminga at alam mo ba?palagi ka niyang binabanggit..kung mahalaga pa sayo ang pamilya mo kaysa diyan sa pride o galit mong yan ay uuwi ka..Hindi ka naman namin pinipilit Alison dahil malaki ka na at edukada..may mga sarili ka ng desisyon na hindi na namin kailangang pakialaman.." wika ni ate. Hindi ko napigilan ang pag-iyak. Para bang sa bawat salita na naririnig ko kay ate ay unti-unti akong nanghihina.
"A-ate..how was tatay?" mahinang tanong ko.
"He's okay sabi niya pero para sa akin hindi..alam kong sinabi lang niya yun dahil ayaw niyang mag-alala ang mga anak niya..Wag kang mag-alala I will call you for an update..Sana lang magiging masaya ka Alison at sana matuto kang magpatawad." wika ni ate at saka bigla na lang naputol ang linya.
"Ate?H-Hello?Ate?" nagbabasakali ako na nasa kabilang linya pa siya pero wala na siya. Napaiyak ako. Tama naman si ate eh. Bakit ba ang hirap-hirap para sa akin ang magpatawad. Kung sa ibang tao nga ay nagpapatawad ako kay Aleck at Eunice pa kaya na malapit na mga tao sa akin?Nandito pa rin ang sakit at hindi ko alam kung bakit. Naibato ko ang unan na nahagilap ko.
"Why?why is this happening to me?!.why I can't forget Aleck and Eunice?!Bakit!?" umiiyak na wika ko. Galit ako sa sarili ko dahil ni hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin na patawarin sila. Habang umiiyak ay narinig ko na naman ang cellphone ko na tumunog kaya kinuha ko yun at sinagot.
"Yes?Hello?" sagot ko habang pinapahid ang aking luha.
"W-Wait..are you crying?" napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko ang boses ni  Kuya Alex. Agad akong napailing.
"N-no..No..I'm not crying..kakagising ko lang at may sipon kasi ako." pagsisinungaling ko.
"Are you sick?why don't you go to the hospital at baka kung ano na  yan?" nag-alalang wika nito.
"No..it's just a mild..kaya ko naman..kailangan ko lang ipahinga to..don't worry about me.." wika ko. He sighed.
"How are  you?" tanong nito.
"I'm fine..ikaw?kumusta ka na?" wika ko.
"Medyo malungkot dahil wala ka dito sa tabi namin..nalulungkot ako dahil kahit anong gawin namin ay hindi ka basta-basta bumalik dito sa atin." malungkot na wika nito. Parang pinipiga ng husto ang puso ko sa narinig.
"Kuya.."tanging sambit ko at pinipigilan ko na humagolhol ng iyak.

"Minsan kasi talaga ay matigas ang ulo mo..gusto mo na palagi kang iniintindi at ginagawa namin ang lahat para sumaya ka..pwede bang ako naman ang humingi ng pabor sayo?" wika nito.
"A-ano yun Kuya?" wika ko.
"Can you please come for Tatay?He's sick..kagagaling ko lang sa doctor at ang sabi nito ay naapektuhan rin pala ang isa nitong baga dati pa nung inoperahan ito upang tanggalin ang isang bahagi ng lungs niya. Kinakapos siya sa paghinga at ang sabi ng doctor, tatay will be gone in one of this days..bunso hinahanap ka niya..please come home." wika nito. Napatakip ako sa bibig gamit ang isang kamay ko at nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
"Hindi totoo yan..binibiro niyo lang ako dahil gusto ninyo na umuwi ako sa atin!" umiiyak na wika ko.
"Nasa sayo kung ayaw mong maniwala bunso..ang gusto lang sana naming mangyari na nandito ka habang humihinga pa si Tatay..This is not about you and your past..this is about our family..Ano ba talaga ang mas matimbang sayo?ang pamilya mo o ang nakaraan mo na pilit mong tinatakasan?" mariing wika nito.
"K-kuya.." umiiyak na wika ko.
"Bye..I need to go to Tatay now." wika pa nito at saka pinutol ang linya. Just like Ate, they're just leaved me hanging on the phone without any reactions came out in my mouth. Napaupo ako at saka umiyak ng umiyak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tinawagan ko si Kristyl.
"Yes Besty!" sagot nito sa kabilang linya.
"Are you in the company right now?" tanong ko.
"Oh yeah I'm here..why?" wika nito.
"Just tell our manager that I'm on an infinite leave..I'll go home tonight..It's an emergency..Okay?" wika ko.
"What?!" mukhang nagulat pa ito sa sinabi ko.
"Wag ng madaming tanong..Just do what I told you." wika ko.
"Okay..Okay..what happened?" nag-alalang tanong nito.
"I will tell when I'll go back here..For now, I just wanted to go home..I wanted to see Tatay." wika ko.
"Okay..what else do you want?I'll help you..I'll go with you to the airport tonight." wika nito.
"Thank you Besty." wika ko.
"Did you call Harry about this?" tanong nito. Oh shocks! nakalimutan ko nga pala si Harry.
"I'll call him after this." wika ko dito.
"Okay..see you later." wika nito.
"Okay..bye." wika ko at saka pinutol na ang linya at dinial na naman ang number ni Harry. After three rings ay sinagot din nito ang tawag ko.
"Yes babe?" malambing na sagot nito. Kahit papano ay nakangiti ako nang marinig ko ang boses niya.
"Babe..are you busy?" tanong ko. Narinig ko na napabuntong-hininga ito at alam ko busy ito sa trabaho.
"Yeah..but I can cancel my appointments just for you babe." wika nito. Somehow it touch me but I don't want to disturb him.
"No..don't cancel your appointments..I just want you to know that..I'm going home to Philippines for a while because my family needs me..I need to go home tonight." wika ko.
"Okay..I'll go with you to the airport tonight..how long will you stay in the Philippines?" wika nito.
"I don't know how long I will be in the Philippines babe..why?" wika ko.
"Because I'd already missed you..Is it okay if I'll  follow you after a month?I just want to meet your family." wika pa nito. Napatango ako. Mukhang seryoso talaga si Harry sa akin at mahal na mahal talaga ako nito.
"Yeah sure..just call me babe." wika ko.
"Okay..I love you." wika nito. Ngumiti ako.
"I love you too babe." sagot ko dito.
"And now I'm happy." wika nito na ikinakunot ng noo ko.
"Why?" wika ko.
"Because you'd finally said that you love me.." wika nito. Napanganga ako. Oo nga..finally I said it to him.
"Because I really did love you." wika ko.
"Thank you." wika nito.
"I love you babe..bye." wika ko at saka pinutol ko na ang linya. Handa na akong umuwi para sa pamilya ko. Handa na akong harapin kung ang nakaraan.

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon