Chapter 5-Unwanted Feelings
"Alison.." napalingon ako nang tinawag ako ni ate Alyssa. Kasalukuyan akong nasa terrace ng bahay nito. Tinapik nito ang balikat ko at tumabi ito sa akin. Ngumiti lang ako dito.
"Where's Alricka and Drick?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga pamangkin ko na anak nito.
"They were asleep..you?bakit hindi ka pa natutulog?" balik tanong nito sa akin. Tumingin ako sa malayo at saka bumuntong-hininga.
"May iniisip lang.." sagot ko.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo kasi ang layo ng tingin mo..may problema ba?" wika nito. I sighed.
"Wala ba akong karapatang sumaya ate?" mahinahong wika ko dito. Hinawakan niya ako sa braso. Alam kong nagtataka siya sa tanong ko.
" No one in this world can dictate to you where you can be happy. . If you know where and what it is then go for it ! Just remember that happiness is not a destiny.. it's a choice Alison..I'm sorry kung tutol kami kay Eunice para sayo..were just afraid that you might be hurt..pero nakikita naman namin na mahal mo siya at sumaya ka sa kanya.." wika nito. Napabuntong-hininga ako at pilit na kinokontrol ang aking nararamdamang sakit.
"Pero nasaktan pa rin ako ate..bakit ba ang hirap hirap kong makuha ang kaligayahan na gusto kong maranasan?" halos mapiyok ako na sabihin ang nararamdaman ko. Kumunot-noo si ate.
"S-sinaktan ka ba niya?" nag-alalang tanong nito.
"She betrayed me..a-ate..ang sakit..for the nth times nasasaktan naman ako..ano bang mali sa akin ate?porket tomboy ako,mahirap na ba akong tanggapin at mahalin?" hirap sa kaloobang wika ko. She sighed and hugged me. Umiling ito."Learn to wait, maybe things are not yet meant to take place today, but meant to happen in a special day at hindi pa ngayon ang panahon na yun..you're still young and there is always meant for you..she betrayed you and it only means she doesn't love you..ikaw lang naman ang makakasagot kung bakit hindi ikaw ang pinili..try to look back in your past and try to analyze whats the difference of all those girls who left you Alison.." wika nito and then suddenly I realized that they left me by betraying me. They chose their guys over me. But, when it comes to Eunice ay iba yung sakit. Dahil ba involve ang pinakamahalagang tao sa buhay ko sa pagtataksil nito?
"They're all betrayed me.." kahit masakit ang katotohanan ay sinabi ko yun. Napaiyak ako. Hinagod niya ang likod ko.
"H-hindi ba pwedeng mahalin nila ako kung ano o kung sino ako ate?bakit ba ang unfair!" I can't help but to ask. Umiling si ate.
" It hurts to know that you have fallen for someone who would just leave you hanging in the air. Why? because you closed your eyes from the reality that you can be loved by a man and not a woman like you..Alison, you're a girl, a woman, a lady..gumising ka na sa katotohanan na hindi ka pwedeng mahalin ni Eunice o kahit na sinong babae..kaya ko to sinasabi sayo dahil paulit-ulit na lang Alison eh..hindi ka pa ba napapagod?Sinasaktan mo lang ang sarili mo at nasasaktan rin kami na nakikita kang ganyan." naluhang wika ni ate. Tumingin ako dito. Somehow, ate is right pero hindi ganun kadali ang gusto nitong mangyari sa pagkatao ko.
"I knew what you all want me to be pero sana maintindihan niyo kung gaano kahirap sa akin yun ate..I tried my best naman eh.." napahikbi na ako ng tuluyan.
"I know na nahihirapan ka Alison..why don't you try?subukan mo at kapag hindi mo kaya then wag mo ng ituloy..wala namang mawawala kung subukan mo diba?" wika nito. Pinahid ko ang aking mga luha at saka huminga ng malalim. Umiling ako na tumingin dito.
"I-I have to go..gusto kong mapag-isa..uuwi muna ako sa unit ko dahil wala namang mapupuntahan tong usapan nato ate.." wika ko at saka hindi ko na hinintay na magsalita pa ito dahil nagmamadali na akong umalis. Ganito na lang ba ako palagi?lagi kong tinatakasan si ate kapag pinagsasabihan niya ako. Agad na akong sumakay ng kotse at pinaharurot iyon at natagpuan ko na ulit ang aking sarili sa secret place namin ni kuya Aleck at saka umiyak na naman. Dito ako nagpupunta kapag may hinanakit ako sa mundo o sa kahit na sino. Hindi ko maintindihan kung bakit mas masakit pa yung nararamdaman ko ngayon compared nung pinagtaksilan din ako ni Scarlet at ng mga babaeng nang-iiwan sa akin.
"B-baby.." nanigas ang likod ko nang marinig ko ang boses niya. Am I imagining things?but then I realized that it's true dahil bigla niya akong niyakap. Nabigla ako kaya naitulak ko siya at saka sinampal siya na ikinabigla rin nito.
"What?anong ginawa ko sayo?.." patay-malisyang tanong nito.
"Nandidiri ako sayo!" singhal ko sa kanya.
"Ang kapal din ng mukha mong nagpakita sa akin at yakapin ako gago ka!..isa kang traydor!" pinagbabayo ko siya at hinayaan lang niya ako kaya napahagolhol na ako ng tuluyan.
"Ano bang ginawa ko sayo at bakit mo ako ginaganito ha!?..hayop ka!.your such a stupid brother!ay mali..dahil hindi naman talaga kita kapatid!" wika ko dito at iwinaksi ang kamay niya na pilit humahawak sa akin. I hated him so much!Namumutla ito na parang maiiyak na.
"It's not what you think..let me explain baby.." nanginginig ang boses nito na pilit akong hinahawakan.
"And what do you think?na mali ang pagkakakita ko sa inyong dalawa ng magaling kong nobya?at ano ang i-explain mo sa akin?you wanted to explain me na nasasarapan ka at hindi mo napigilan ang sarili mo na sunggaban siya?that's bullshit Aleck!!ginawa mo akong tanga!ginawa ninyo akong tanga!!are you happy now ha?! I hate you!" wika ko at saka pilit na itinulak siya pero hindi ko kaya ang lakas niya. Hinapit niya ako sa baywang and I gasped of what he did. Bakit nanginginig yung buong katawan ko?lalo na nang mahigpit niya akong hinawakan and pulled me closer to him hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin. Bakit ako naiilang?in my twenty four years of existence at palagi siyang nasa tabi ko ay hindi ako kailaman naiilang sa kanya except ngayon. I felt my body were trembling and weaken.
"Pumunta siya sa unit ko at hinahanap ka and then sinabi ko na wala ka but then she tried to tempt me baby..hindi ko napigilan ang sarili ko." halos bulong na wika nito. Napatawa ako ng pakla at saka pilit na umiwas sa mga titig niyang nakakalusaw.
"Ganun naman talaga kayong mga lalaki diba?na kesyo mahina at madaling natutukso ay nagpapadala naman..are you out of your mine?at sa tingin mo mabubura ng explaination mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon?" galit na wika ko dito at saka pilit na lumayo dito pero nabigla na lang ako when he cupped my face and kissed me hard. Nanlaki ang mga mata ko at para akong napapaso sa bawat haplos ng mga labi nito sa labi ko. Para akong binuhusan ng yelo when the realization hit me. This is so wrong dahil kapatid ko siya. Hindi ko man siya totoong kapatid pero sa mata ng mga tao ay kapatid ko siya. Bigla ko siyang naitulak nang bumaba ang mga halik nito sa leeg ko. Para akong naliliyo sa nararamdaman ko. Bigla ko na lang siyang sinampal. Magiging hobby ko na yata ang pagsampal sa kanya. Ngunit galit ako sa kanya.
"Bastos ka!..hindi ka na nakuntento kay Eunice at pinatulan mo na ako na sarili mong kapatid?!" sigaw ko sa mukha niya. Nakita ko sa mukha niya ang galit.
"Hindi kita kapatid at lalong hindi mo rin ako kapatid Alison!" inis na wika nito. At ano ang ibig nitong sabihin?na okay lang na halikan niya ako dahil hindi kami tunay na magkapatid?Nasisiraan na ba ito ng bait?Napaayos ako ng tayo.
"At porke't hindi kita tunay na kapatid ay pwede mo na akong babuyin?!!I thought I'd already knew you but I was so wrong at napatunayan ko yun ngayon!" galit na wika ko dito at saka tumalikod nang bigla niya akong hinila and before I could react his lips were brushing against mine at hindi ko alam kung bakit pero napapikit ako. I don't know why it felt so good. His kiss were so hard yet I found it so warm and good na para bang nakakababae. Naramdaman ko na lang na wala na ang mga labi niya kaya dumilat ako and we both catching our breath. Hindi ako makatingin sa kanya dahil hiyang-hiya ako. I responded his kiss kaya malamang iba ang iniisip nito. Walang lingon-likod na umalis ako sa lugar na iyon at umuwi sa unit ko. Dapat hindi ito nangyayari sa akin. Pagdating ko sa unit ay agad na akong nagpunta sa shower at saka napapikit ngunit parang video na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Sa tuwing maiisip ko yun ay nag-iinit ang buong katawan ko and I don't know why. Suddenly, I touched my lips na para bang naramdaman ko pa rin ang mga labi nito sa labi ko. Nahampas ko ang wall.
"Shit!!what's happening to me?" wika ko.----------------------------
"Oh Alison! mabuti naman at dumating ka na..alam na alam mong family day natin ngayon eh nale-late ka.." wika ni tatay nang isang Sunday na pumunta ako sa bahay nina Ate Alyssa. Sunday is a family day for us. Wala ngayon si Kuya Alex dahil nasa Japan for business trip. Nagtitipon kami para magsimba tapos kakain sa labas including Aleck. Naririndi ako na tawagin siyang kuya pagkatapos ng nangyari nung nagdaang dalawang linggo. Iniiwasan ko siya hanggat maaari.
"Ah sorry tay..m-may dinaanan lang po kasi ako." wika ko dito at hindi sinasadyang napatingin ako sa kinaroroonan ni Aleck. He looked so fresh sa suot niyang black long-sleeved at maong pants. Napalunok ako when he smiled at me.
"Tara lets!" wika ni ate kasabay ng asawa at dalawang anak. Tumakbo si Drick at Alricka sa akin.
"Hello tits.." wika ni Alricka at humalik sa akin at ganun din si Drick.
"Oh paano?tara na.." wika ni kuya Cedrick na asawa ni ate Alyssa. Tumango naman kami at saka lumabas na ng bahay.
"Dun na lang kayo ni Aleck sa isang kotse Alison at dito na lang ako sa ate mo sasakay dahil gusto kung makatabi ang mga apo ko." wika ni tatay at agad na pumasok sa kotse nina ate.
"T-tay..." gusto ko sanang sabihin na ayaw kong makasama si Aleck sa sasakyan nito. Napalingon si tatay.
"Bakit?may problema ba?" wika nito. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako sasakay kay Aleck pero natatakot ako na baka magtataka si tatay.
"W-wala t-tay.." wika ko na lang at inakbayan ako ni Aleck.
"Sige tay ako na ang bahala kay Alison.." nakangiting wika nito at saka iginiya ako patungo sa kotse niya.
"Mauna na kami..magkita na lang tayo sa Church ha." wika ni ate. Tumango lang kami at saka nang umalis na sila ay siniko ko bigla si Aleck kaya napahawak siya sa tiyan niya.
"What?!" wika nito na namilipit sa sakit. Hindi na ako nagsalita at pumasok na ako ng kotse at saka prenting nakaupo sa upuan katabi ng driver's seat. Nakita kong nagmamadali rin siyang pumasok ng kotse at saka pinukol ako ng masamang tingin. Tiningnan ko rin siya ng masamang tingin.
"Why did you do that?" inis na tanong nito. Kumunot-noo ako at saka nagkunwaring hindi ko siya narinig pero hindi pa rin nito pinaandar ang sasakyan. Napaigtad na lang ako nang bigla niyang hinampas ang manibela.
"Please talk to me!" parang frustrated na wika nito. Alam ko naman na gusto niyang pag-usapan ang nangyari sa pagitan naming dalawa pero ayoko dahil ayaw kong marinig ang katotohanan mula dito. Tinangka niyang kunin ang mga kamay ko.
"B-baby.." iwinaksi ko yun.
"Ano ba?!..now tell me!ano ba talaga ang gusto mo?" inis na tanong ko dito dahil parang ang sikip sikip na ng dibdib ko lalo na nang naiilang na kami sa isa't-isa.
"Gusto kong wag ka ng magalit sa akin..Alison, I want us to be liked before.." wika nito.
"Alam mo?okay ka rin ano?..after what you did to me gusto mo na babalik tayo sa dati?are you fucking crazy?..talagang mali ang pagkakakilala ko sayo.." galit na wika ko dito. Napatuwid ito ng upo na para bang naghahanap ng tamang maisasagot.
"I-I'm so sorry..." wika nito at saka pinaandar na ang sasakyan. Hindi na kami nag-iimikan hanggang sa dumating na kami sa Church. Agad na akong bumaba at saka tumabi kina ate. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Naiinis ako sa kanya. Nagdasal na lang ako na sana mapatawad ko rin siya at pati na rin si Eunice. Hindi ko pa rin siya nakakausap hanggang ngayon. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. Isang oras natapos ang misa at lumabas na kami ng church. Nang nasa labas na kami ay nagulat ako nang lumapit si Eunice sa amin na nakangiti.
"Hi sa inyong lahat!" bati nito sa amin. Napatda ako nang makita ko siya and the way she looks at Aleck ay parang may kakaiba.
"Oh Eunice!..nagsisimba ka rin?" wika ng ate ko. Ngumiti ito ng matamis at saka titingin na naman kay Aleck. Gusto ko siyang sumbatan pero ayaw ko naman na magkagulo dito dahil galing pa kami sa pagsisimba at saka isa pa ay hindi alam nina ate at tatay ang nangyari..
"Oo ate Alyssa at nakita ko kayo kaya lumapit na rin ako." wika nito. Ang galing ng bruhang to. Hindi man lang nakonsensya sa ginawa.
"Ah ganun ba...kakain kami sa labas, gusto mong sumama?" wika pa ni ate. Napapikit ako na sana wag na siyang sumama.
"Oh sure..sige sasama na ako." payag nito. Napadilat ako. Tumingin si Aleck sa akin pero pinukol ko siya ng masamang tingin. Kung walang gagawin ang kumag na Aleck na to pwes ako meron.
"Ah..ahm..a-ate may pupuntahan pa kasi kami ni kuya Aleck eh..importante lang kasi at kailangang puntahan na agad ngayon..okay lang ba kung hindi kami makakasama na kumain sa labas?" wika ko. Napangangang napatingin si Aleck sa akin at si Eunice naman ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha na tila ba uurong na lang na sumama kina ate. Lihim akong napangiti.
"Oh siya sige..mag-ingat kayo ng kuya Aleck mo.." pagpayag nito. Mas lumapad pa ang ngiti ko at hinablot ko na lang bigla ang kamay ni Aleck na ikinagulat nito.
BINABASA MO ANG
Take Me Now
RomancePaano ka ba huhusga ng isang tao lalo na kung isang bakla or tomboy? Si Alison ay isang tomboy at palaging nasasaktan sa pag-ibig pero palaging nandiyan ay Kuya Aleck niya na nakikinig at nakakaintindi sa kanya.. Pero paano kung paglaruan siya ng ta...