Chapter 17- Kidnapped

5.5K 128 4
                                    

I missed you Ali..
I wanted you to be mine..
I love you so much..

-from: Unknown Number

Napakunot-noo ako nang mabasa ko ang laman ng text na iyon. Who's the one sending me those message?..Kinakabahan ako at muntikan pa akong mapaindak ng tumunog ulit ang phone ko at may isa pang message ako mula sa parehong number.

I'll see you later Ali
and we're going to live
happily-ever-after..
I love you and I don't care if you don't love me the way I am..

-from: Unknown Number

Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Sino ba ang misteryosong tao na nagtext sa akin ng ganito?Alam ko naman na hindi si Aleck ito dahil hindi talaga yun nagtetext dahil tumatawag talaga ito sa akin. As far as I know wala namang tao na magtetext sa akin ng ganito dito sa Pilipinas. Napailing ako at saka itinabi ang cellphone ko at saka napaupo sa kama. Ang kabang nararamdaman ko ngayon ay para bang may mangyayari na hindi ko alam at aaminin ko na natatakot ako. Possible kaya na si Harry ang nagtext sa akin ng ganun?but how did she know my new number?Nasa Pilipinas ba talaga ito?..Siya lang ang naiisip ko na gumawa sa akin ng ganito..
"Oh God!" nasambit ko. Napatayo ako para lumabas ng bahay. I need to get out of here. Pinulot ang cellphone ko para dalhin. Ilang sandali pa ay umalis na ako ng bahay gamit ang kotse ko nang tumawag si Aleck.
"Aleck.." wika ko.
"Baby..how are you?" wika nito. Napangiti ako sa pagiging maalalahanin nito.
"I'm fine..pupunta ako ngayon sa pinapatayo kong shoe shop..gusto kong libangin ang sarili ko.." wika ko nang may mapansin akong isang kulay pulang sasakyan na sumusunod sa akin. Hindi ko pinansin dahil baka hindi naman ako sinusundan ng sasakyang iyon.
"That's good baby..kalalabas ko lang din ng office at papunta na rin ako diyan..gusto kitang makita." wika nito. Napahagikhik ako nang biglang humarang sa daraanan ko ang pulang sasakyan kaya napasigaw at napapreno ako.
"Aaaahhhh!!" sigaw ko at nabitiwan ko ang phone ko. Nakita ko ang pagbaba ng isang lalaki na nakabonet sa pulang sasakyan at lumapit sa akin. Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. My body were shaking. Pinipilit ng lalaki na buksan ang sasakyan ko at pinaputukan ito ng baril hanggang sa mabuksan. Napasigaw ako.

----------------------------

"Aaaahhh!!.no please!!" narinig ko na naman ang pagsigaw ni Ali pagkatapos ng marinig ko ang putok ng baril. Kinakabahan na ako at natatakot para sa mahal ko.
"Ali?!..Ali what's going on?!" I kept on asking her. Siguro nabitawan nito ang phone nito pero hindi ko ibinaba ang phone ko. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko patungo sa kung saan man ito ngayon.
"Shut up Ali!!" narinig kong sigaw ng isang boses lalaki. Mas lalo akong natatakot.
"Ali?!" sigaw ko. Narinig ko na may kumalabog.
"Fuck!" napamura ako sa takot kung ano na ang nangyayari kay Ali.
"Who are you?!bitiwan mo ako!" narinig ko ulit ang pagsigaw ni Ali kaya napataranta ako.
"I told you, you're mine and no one can ever take you away from me!"  narinig kong galit na wika ng lalaki.
"H-Harry?" rinig kong bulalas ni Ali.
"Shit!!..what the hell he do to my fiance?!" galit na wika ko at saka pinabilis pa ang sasakyan. Hindi ako papayag na saktan niya si Ali at mas lalong hindi ako papayag na bawiin niyang muli ang babaeng pinakamamahal ko.  Wala na akong narinig sa phone kaya napaluha ako. Moments later ay nakita ko ang kotse ni Ali sa tabi ng daan kaya dali-dali akong bumaba ng kotse at patakbong nilapitan ang kotse nito. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko na bukas ang pinto nito at saka magulo ang lahat ng gamit sa loob.
"Ali?!..Ali?! oh God!" nasambit ko. Gusto ko ng maiyak dahil baka may masamang nangyari kay Ali. Pero wala siya..hindi ko siya makita. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Aaaallliii!!!" sigaw ko at napaiyak. Sana hindi siya sinaktan ng lalaking yun dahil kapag nangyari yun ay baka mapatay ko ang lalaking yun at hahanapin ko siya kahit saan pa siya magtatago. Nakita ko ang cellphone ni Ali kaya kinuha ko yun at saka dali-daling bumalik sa kotse ko at nagbabasakali na maabutan ko pa sila. Pero wala..hindi ko siya makita..nanginginig  ang mga kamay ko at saka nasuntok ang manibela ng sasakyan. Ayokong mag-isip na tuluyan ng mawawala si Ali sa akin dahil hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay ng hindi siya kasama..
Natagpuan ko ang aking sarili sa bahay nina Ate Alyssa. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Ali dahil kailangan ko ng tulong nila and besides kailangan din nilang malaman ang nangyari sa kapatid nila. Nakita ko naman kaagad si Ate Alyssa na may kausap sa phone. Nilapitan ko ito matapos maibaba ang phone.
"Anong kailangan mo Aleck?" tanong agad nito.
"Ate..si..si Ali, nakidnap at mapapatay ko ang Harry na yun kapag sinaktan niya si Ali!" wika ko. Nanlaki ang mga mata nito.
"W-What!?si Ali kinidnap ni Harry?paano nangyari yun?" napaluhang wika nito.
"I don't know Ate..kailangan ko siyang mahanap bago pa may gawing masama ang lalaking yun kay Ali..Tumawag ako kay Ali kanina nang marinig kong may pumutok na baril at narinig ko ang pagsigaw ni Ali at sa huli ay narinig ko ang pangalan ng Harry na yun..Ate natatakot ako na baka may ginawa ng masama ang lalaking yun kay Ali.." nag-aalang wika ko.
"Tatawag ako ng pulis..kailangan nating mahanap si Ali bago pa mahuli ang lahat Aleck.." hysterical na wika nito. Niyakap ko siya. Alam kong hindi iyon madali para kay Ate at mas lalo na sa akin.
"Hahanapin ko siya Ate." naikuyom ko ang mga palad ko.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.
"Promise me Aleck..bring her back to us at hindi na ako mangingialam sa inyong dalawa..please promise me Aleck at ayokong malaman ito ni Tatay dahil baka ano pa ang mangyayari sa kanya.." humagolhol ito ng iyak.
"I'll promise Ate..ibabalik ko siya..kahit hindi mo sabihin sa akin ay gagawin ko ang lahat maibabalik ko lang siya..mahal na mahal ko si Ali Ate kaya hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya." lakas-loob na wika ko.
"Tatawagan ko si Alex..kailangan din niyang malaman ang nangyari kay Ali.." iyak na wika nito. Tumango ako.
"I need to call Mom and Dad too para matulungan nila tayo." wika ko. Tumango ito. Hindi ako mapakali. Ang daming pumapasok sa isip ko na posibling gawin ng hayop na lalaking yun sa mahal ko. Wag lang niyang subukang saktan si Ali dahil ako mismo ang papatay sa kanya. Bakit nangyayari ito sa amin ni Ali?Matagal kong itinago ang pagmamahal ko sa kanya higit pa sa isang kapatid at nagkalayo kami ng isang taon at nang masabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal ay laking tuwa ko nang malaman ko na mahal rin pala niya ako. Ang tagal ng panahon ng paghihintay ko sa kanya at ngayon ay bigla na lang itong kukunin sa akin and worst baka mawawala na ito ng tuluyan sa akin. Hindi ko kayang mawala na naman ito sa akin.

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon