Chapter 14- I'm Sorry

6K 129 2
                                    

Chapter 14- I'm Sorry

Lumipas ang mga araw at nalaman rin nina Tita Cindy at Tito Armand ang relasyon namin ni Aleck. At first, Tito Armand was shocked at si Tita Cindy ay masayang-masaya sa nalaman. Sa kalaunan ay naging masaya naman si Tito para sa amin ni Aleck. Pati si Tatay ay sinabihan ko rin tungkol sa relasyon namin at natutuwa ako dahil naging masaya ito para sa amin at napaiyak ito dahil atleast sa huling mga araw ng buhay niya ay nakikita niya akong naging masaya at nasa mabuting mga kamay. Nandito pa rin ako sa bahay nina Ate kahit na hindi nila ako kinikibo ni Kuya Alex. Okay naman si Kuya Cedrick sa akin dahil sabi niya ay naiintindihan naman daw niya ako dahil pinagdaanan niya iyon noon sa kanila ni Ate. Ewan ko lang ba kung bakit ayaw ni Ate at Kuya Alex kay Aleck para sa akin na kung tutuusin ay hindi naman ibang tao si Aleck para sa amin. Dinadalaw rin naman ako ni Aleck araw-araw sa bahay at paminsan-minsan ay lumalabas kami. Masaya ako kahit na hindi ako pinapansin ng mga kapatid ko dahil nandito naman si Aleck. True love na talaga to dahil natuto akong maging kontento sa buhay at sa bawat pagkikita namin ay naroon ang pananabik ko para sa kanya at gusto ko akin lang siya.
"Hi babe.." wika ni Harry. Malungkot ito sa kabilang linya at alam ko kung bakit. Napagdesisyunan ko ng tigilan na namin ni Harry ang relasyon namin dahil wala na itong patutunguhan pa. Ngumiti ako dito ng malungkot. Kahit papano naman kasi ay naging bahagi na siya ng buhay ko.
"I'm sorry babe.." simula nito. Nalulungkot ako dahil naging mabait ito sa akin simula pa nung nagkakilala kami. Kahit naman nagkasala ito sa akin ay pinatawad ko na ito. Wala naman akong karapatang magalit dito dahil tulad nito ay  nagkasala rin ako kahit na ito pa ang naunang magtaksil sa akin.
"Don't say sorry Harry..Thank you for caring me and loving me for who I am..I am thankful because when I'm down you are always there for me..I am thankful because I met you..I do love you Harry but the love I have for you is not enough to make us one in front of the church.." maluhang wika ko. He almost cried and I know how much he hurt right now.
"I'm sorry babe..I'm sorry for what I've done to you..I've never meant to hurt you..please tell me what should I do to make you fall in love with me again?" wika nito. He looked so helpless at naaawa ako dito pero mas mabuti na tong ginagawa ko kaysa patagalin ko pa. Mas lalo pa itong masasaktan kung hindi ko to gagawin. Umiling ako at saka tuluyan na akong naiyak.
"I'm sorry Harry...but I'm in love with someone else..please don't get me wrong..I really love you but only as a friend Harry...I'm sorry..I'm so sorry.." wika ko dito.Pilit siyang ngumiti sa akin.
"It's okay..I love you still that's why I want you to be happy..you are free now Ali...don't say sorry to me..I understand..I guess, this is the end of my fairytale with you Ali..I hope that you're going to be happy.." wika nito. Tumango ako.
"Thank you..I don't find the right words to say..You're going to have a new fairytale eventhough our fairytale ends..Kristyl loves you very much.." nakangiting naluluha na wika ko. Napakunot-noo ito.
"Kristyl?..really?she didn't say anything to me.." hindi makapaniwalang wika nito. Tumango ako. We talked much hanggang sa naging okay na kami ni Harry. Magaan na ang loob ko ng mapalaya ko na si Harry. I will fix things right para sa amin ni Aleck. The next thing I would do is to talked with Eunice. Gusto ko ng mag-let go sa nararamdaman kong galit sa kanya noon at makapag-sorry kung may nagawa ba akong kasalanan para may closure kaming dalawa. Saka ko na lang kakausapin sina Ate Alyssa at Kuya Alex. Sana lang ay maintindihan nila ako.
Nang matapos na kaming mag-usap ni Harry ay tinawagan ko ang isa sa mga kaibigan ko na kaibigan din ni Eunice. Sinabi kong makipagkita ako sa dati kong nobya sa isang restaurant. Pumayag naman ito at nangakong siya raw ang bahalang magsabi kay Eunice. Matapos makipag-usap ay nagbihis na ako at saka umalis ng bahay. Ilang sandali pa lang ay nasa restaurant na ako kung saan kami magkikita ni Eunice. Naghintay ako ng isang oras hanggang sa nakita ko na ito na papalapit sa akin. She smiled and me too pero halata naman sa mukha nito na hindi pa rin niya ako nakilala.
"Hi..ikaw ba ang gustong makipagkita sa akin sabi ni Kimberly?" tanong nito at ang tinutukoy na Kimberly ay kaibigan ko. Tumango ako.
"Yes I am..have a sit, Eunice." wika ko. Umupo ito.
"How did you know my name?have we met before?" takang tanong nito. Tumango ako na ikinakunot-noo nito.
"Where?how?..I don't even remember you..oh my God!ikaw yung kasama ng anak ko sa isang mall nung nawala bigla ang anak ko." wika nito. I stared at her.
"Try to look at me Eunice..the one who is very in love with you one year ago.." wika ko. She gasped. Parang hindi ito makapaniwala.
"A-Alison?" sambit nito. Ngumiti ako.
"Now you recognize me..how are you?" wika ko. Alanganing ngumiti ito na tila ba nahihiya.
"I-I have to go..marami pa akong gagawin.." wika nito at tumayong muli pero pinigilan ko ito sa kamay.
"S-Sandali..pwede bang mag-usap tayo Eunice?" wika ko dito. Humarap ito sa akin at nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Umupo itong muli.
"Ali I'm sorry for what I've done..pinagsisihan ko ang nangyari..I'm sorry..hindi ako naging mabuting tao sayo." lumuluhang wika nito. I sighed.
"Alam mo?marami akong natutunan sayo..dahil nasaktan mo ako nun ay nagtagpuan ko ang tunay na ako..marami akong nakilalang tao sa ibang bansa..kung hindi mo ako sinaktan noon ay hindi ako magiging ganito ngayon at hindi ko matagpuan ang tunay na magpapasaya sa akin..aaminin kong nagagalit ako sayo dahil sa ginawa mo sa akin pero noon yun at hindi na ako galit sayo ngayon..I'm sorry kung ano man ang nasabi ko noon sayo.." wika ko. Hinawakan rin niya ako sa kamay. Nakakatuwa dahil minsan ko itong naging girlfriend at minsan na niya akong sinaktan.
"Salamat Ali..I don't know what to say..napakabait mong tao..sinayang ko ang pagtitiwala mo sa akin." wika nito at pinahid ang mga luha.
"It's not too late to start again Eunice..." wika ko. Tila nagtataka ito.
"Ali, may asawa na ako..makakahanap ka rin ng para sayo." wika nito and by that bumunghalit ako ng tawa na ikinapagtaka nito.
"Ali, seryoso ako." wika nito.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin..I mean, magsimula tayo ulit bilang magkaibigan..tama ka, I found someone and I fell in love with him..gusto kong siya ang makasama ko habang buhay." wika ko. Napatawa na rin ito. Nagkwentuhan kami at nagkumustahan. Masaya ako dahil naging magkaibigan na kami ulit ni Eunice.
"Oh by the way, sino ba ang maswerteng tao na nagpapabihag ng puso mo?" tanong nito. Pumurmal ako ng upo.
"Si Aleck.." wika ko. Nanlaki ang mga mata nito.
"Really?!." halos mapatili ito pero agad na pumurmal ng upo.
"Yes..basta..It's a long story Eunice..basta narealized ko na lang na sobra ko siyang mahal..hindi ko nga akalain na ang hinahanap kong kasiyahan ay ang lapit-lapit lang sa akin..I'm happy right now.." wika ko.
"I'm happy for both of you Ali..sorry talaga sa mga kasalanan ko..masaya rin naman ako ngayon sa piling ng pinakamamahal kong asawa." wika nito. Napangiti ako. Nagpatuloy pa kaming nag-usap hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa. Naglalakad ako palabas ng restaurant ng may ngiti sa mga labi nang hindi sinasadyang nasagip ng mga mata ko si Aleck kasama ang isang magandang babae. Siya yung babae na kahalikan ni Aleck nung nakita ko sila malapit sa secret place namin. Magkausap sila at hinahampas pa si Aleck ng babae at nagkatawanan pa sila. Hindi ko alam pero parang gusto ko silang sugurin at hablutin ang buhok ng malanding babaeng yun pero nagkubli ako para hindi nila makita at saka kinuha ko ang cellphone at saka idinial ang number ni Aleck. Tanaw na tanaw ko sila sa kinaroroonan ko kaya kitang-kita ko ang pagsenyas niya sa babae bago sinagot ang tawag ko.
"Babe..missing me?" tanong nito. Gusto ko tuloy itong sigawan pero nagpipigil lang talaga ako.
"Where are you?" malamig pa sa yelong tanong ko. Nagpalinga-linga pa ito.
"I'm in a meeting..why?" wika nito. Napataas ang kilay ko.
"Bakit?ano bang klaseng meeting yan?" may halong inis na wika ko.
"New business baby..may kliyente ako ngayon..bakit?may gusto kang ipadala sa akin?" wika nito.
"Wala..sino ba kameeting mo at saan?" wika ko.
"Ano bang klaseng tanong yan baby?..nagdududa ka ba?" seryosong wika nito.
"May kailangan ba akong ipagduda?" balik-tanong ko dito.
"W-Wala..nasa office lang kami at lalaki yung client ko.." wika nito. Lalong nadagdagan ang pagdududa ko dahil nagsisinungaling ito.
"babe, mamaya na tayo mag-usap..let's have a date later..mag-uusap na kami ng client ko..I love you..ingat ka.." wika nito. I rolled my eyes at hindi na ito sinagot dahil pinatay ko na ang phone ko. Hindi ko maipaliwanag ang tindi ng pagseselos ko. Sinungaling ka Aleck! Sinungaling ka!.Baka talagang nagbago na siya. Isang taon akong nawala kaya malamang marami akong namissed sa pagkatao niya.
Nakita ko sila ng babae na sumakay ng kotse ni Aleck. Moments later ay sinusundan ko na sila hanggang sa huminto ito sa isang condo. Pagkapasok nila ng condo ay agad na akong bumaba ng kotse at pumasok na rin. Nawala sila sa paningin ko. I wanted to cry.
"Bakit ba ang dali nilang nawala?" naiusal ko. Lumapit ako sa information desk ng condo.
"Yes Ma'am?" wika agad ng babae sa desk.
"May lalaki at saka babaeng pumasok kasunod ko..a-ano po ba ang room nila?" wika ko. Kumunot ang noo ng babae at saka nagpalinga-linga.
"Ma'am sorry  po pero wala pong dumaan dito..sa dami pong nagpupunta dito ay malamang mahirapan ka sa hinahanap mo.." wika nito. Nanlumo ako.
"Oh sige Thank you." at saka laylay ang balikat na bumalik ako sa kotse ko imagining things between Aleck and that girl. Akala ko ba mahal niya ako?pero bakit sinasaktan niya ako ng ganito?Mali ba na minahal ko siya o tama sila Ate na hindi talaga kami ang para sa isa't-isa at hindi talaga pagmamahal ang nararamdaman ni Aleck sa akin?..Napaiyak ako. Akala ko ba magsisimula na ang fairytale ng buhay ko pero hindi pa pala..ang sakit-sakit..I left the place at natagpuan ko na naman ang sarili ko sa secret place namin ni Aleck while crying. Akala ko nung sinaktan ako ni Eunice ay yun na ang pinakamasakit na pinagdaanan ko but I was wrong dahil ngayon sobra akong nasaktan.

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon