Chapter 4-Betrayal

6.6K 158 4
                                    

Chapter 4-Betrayal

Naging malapit kami ni Eunice sa isa't-isa. Lagi kaming lumalabas at masaya ako kapag kasama ko siya. We dated so many times and now naging kami na. I felt so complete na para bang ang bilis-bilis natakpan ang emptiness sa puso ko na dala sa pagtataksil ni Scarlet sa akin.
"Eun, birthday ngayon ni Tatay at gusto kong ipakilala kita sa pamilya ko ngayong gabi." wika ko isang tanghali nang magkita kami. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang restaurant. Nabitin ang pagsubo niya at napatingin sa akin. Kumunot ang noo nito.
"A-are you sure with that?" parang kinakabahang wika nito. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Yes..I'm sure with this..mahal kita kaya gusto kong makilala ka ng pamilya ko." wika ko. Napanganga ito at maya-maya pa ay ngumiti na ito na parang  napipilitin lang.
"M-masyadong pang maaga na ipakilala mo ako sa pamilya mo Ali.." wika nito.
"Isang buwan ng naging tayo..para sa akin enough na yun..b-bakit?ayaw mo ba?" wika ko dito. Umiling ito.
"H-hindi naman sa ganun..ayaw ko lang naman na pagtawanan tayo ng pamilya mo.." wika nito. Napabuga ako ng hangin. So ibig sabihin ay kinakahiya niya ako?
"Kinakahiya mo ba ako?" malungkot na tanong ko dito. Umiling ito.
"Hindi naman sa ganun..sige na papayag na ako na ipapakilala mo ako sa pamilya mo." at kahit medyo may tampo ay napangiti ako sa pagpayag nito.

----------------------------

"Tay, Ate, Kuya Alex at Kuya Aleck...si Eunice..g-girlfriend ko.." wika ko sa mga ito nang gabing iyon na birthday ni tatay. Napalingon silang lahat sa akin except kay Kuya Aleck. Ngumiti ako sa mga ito.
"H-Hi po..m-magandang gabi po sa inyong lahat." wika ni Eunice. Hinawakan ko ang kamay niya dahil alam kong kinakabahan siya. Masama ang tingin ni ate kay Eunice na nakahawak sa panganay niyang anak na si Alricka at si kuya Cedrick naman ay parang wala lang na nagpapakain sa bunso nitong anak na si Drick.
"Umupo na kayo para kumain.." wika ni Kuya Aleck. Ngumisi si Kuya Alex at saka umiling. Si tatay naman ay bumuntong-hininga at saka umiling. Hinila ko si Eunice at umupo kami sa dalawang bakanteng upuan.
"Ehem..nakailang boyfriend ka na Eunice?" nakangising wika ni Kuya Alex. Pinasadahan ko ito ng masamang tingin. Kahit kailan talaga ay wala itong respeto sa akin simula pa noong mga bata pa kami.
"A-ahm..b-bakit niyo po natanong?" tanong ni Eunice.
"Wala lang..gusto ko lang malaman kung pang-ilan na si Alison sa buhay mo." wika pa nito na nakangisi at alam ko naiilang na si Eunice.
"Alex tama na.." wika ni Kuya Aleck.
"Nagtatanong lang naman." wika ni Kuya Alex.
"Nagtatanong o nanghuhusga?" inis na wika ni Kuya Aleck. Umiling si Kuya Aleck.
"Tumigil nga kayo!.nasa harapan tayo ng pagkain kaya wag kayong mag-asaran o mag-aaway diyan ng dahil lang kay Eunice.." seryosong wika ni ate Alyssa. Tumahimik sina Kuya.
"I'm sorry Eunice sa inaasar ng mga kapatid ko sayo." wika ni ate Alyssa. Napatingin ako dito. Hindi ako makapaniwala na sinabi iyon ni ate.
"Alam mong hindi tunay na lalaki ang anak ko Eunice..kaya naman wag mo siyang paasahin masyado." walang gatol na wika ni Tatay. Maingay na naibaba ko ang mga kubyertos at masamang tiningnan sina tatay.
"Excuse me po..hindi ako nagpunta dito para lang husgahan ang kasama ko ngayon." wika ko at saka tumayo at hinila si Eunice palayo sa pamilya ko. I hate them! Hindi ba pwedeng hayaan na lang nila ako at intindihin?Pagkarating namin sa kotse ay agad na kaming pumasok at saka pinasibad ko na ang sasakyan. Gusto kong ilayo si Eunice sa kanila.
"Ali..it's okay..naiintindihan ko naman kung bakit sila nagkakaganun..in the first place, natural lang na tanungin o pagsabihan nila ako tungkol sa mga bagay na yun dahil kahit ano pang sabihin natin...it's the reality.." seryosong wika nito. Nahampas ko ang manibela at saka biglang inihinto ang sasakyan na ikinabigla nito.
"Shit!..konting respeto lang naman Eunice pero hindi pa nila maibigay?..okay lang sa akin na ako ang ipahiya! pero pagdating sayo ayoko dahil nasasaktan ako.." wika ko at saka hinawakan ang kamay niya. Bumuntong-hininga si Eunice.
"Pero kahit anong gawin natin ay  yun ang opinyon ng pamilya mo sa ating relasyon." wika nito.
Hinampas kong muli ang manibela. Inalo niya ako.
"Everything will be alright Ali.." wika nito.

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon