Chapter 3-To be Real
Nandito kami ngayon sa isang hotel kung saan ginaganap ang birthday party ni Jerwin at kasalukuyan na kaming nagkukuwentuhan at nag-iinuman na sila. Hindi naman marami ang bisita nito. Actually nasa sampu lang talaga kami hindi kasama ang mga dala-dala nilang babae. Nagpalinga-linga ako pero wala pa rin si Kuya Aleck. Ang sabi nito ay mauuna na raw ako dito dahil may inasikaso pa ito sa office pero anong oras na ba?Halos malasing na ang mga kasamahan ko. Napatayo ako.
"Oh Alison bakit tumayo ka na?We're not done yet..maupo ka muna.." wika ni Brett na kaibigan ko rin.
"Mag-si-CR lang mga brod..sandali lang." pagsisinungaling ko sa mga ito. Tumango ang mga ito kaya dali-dali akong lumabas at saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng pants ko at idinial ang number ni kuya. Pagkaraan ng ilang ring ay sumagot na ito.
"Buti naman sumagot ka..Nasaan ka na ba?were waiting for you!.kanina pa naghahanap si Jerwin sayo." wika ko dito.
"Okay, I know..I''m coming..may dinaanan lang ako..actually nandito na nga ako sa floor na sinasabi mo." wika nito. Kunot noo akong nagpalinga-linga at nakita ko na kakalabas niya lang sa elevator kaya kumaway ako para makita niya. Teka! bakit may kasama siyang babae? Ngumiti si Kuya hanggang sa makalapit na sila sa akin at bineso ako. Nagtataka pa rin ako kung bakit may kasama siya. Sa pagkakaalam ko kasi ay walang nililigawan o nobya si Kuya kaya malamang magtataka talaga ako.
"Hello Baby!.sorry I'm late.." wika nito. Pinasadahan ko siya ng masamang tingin. Akala ko ba bestfriends kami at walang tinatago sa bawat isa?bakit hindi ko man lang nalaman na may nobya na siya?..Napatawa ito.
"I know what you're thinking baby...well, actually I want you to meet Eunice..Eunice, this is my sister and brother, Alison.." pagpapakila nito sa aming dalawa and then he winked at me. Napailing na lang ako na nakipagkamay kay Eunice. Eunice is so beautiful and very simple.
"Nice meeting you Alison..you look so handsome tonight..ang sabi ni Aleck sa akin na may ipapakilala raw siya sa akin na gwapo and I am so excited to see kaya sumama na ako sa kany..I hope it would be fine with you.." wika ni Eunice. Napalunok ako at saka ngumiti. Nakita ko naman si Kuya na napapangiti. Ano na naman kayang trip ang naisip nito?
"Ah..hehehe..hindi naman masayadong gwapo..oh sige pasok na tayo sa loob dahil kanina pa naghihintay si Jerwin." wika ko. Tumango naman ang mga ito at saka sumunod sa akin. Masaya ako ngayon dahil nakilala ko si Arlene at kung bakit?Hindi ko alam. Basta kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya. Masaya kaming nagpaparty at palagi kaming nag-uusap ni Eunice.
"Mahal mo ba ang kuya mo?" tanong nito. Nakaupo kami sa isang table malapit sa kinaroroonan nina Kuya Aleck. Napangiti ako sa tanong nito.
"He is my protector..he is my bestfriend..siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko kaya mahal na mahal ko yun.." wika ko dito. Tumingin ito kay Kuya at saka kumaway.
"Mahal ka din niya kaya lahat ng ikaliligay at gusto mo ay binibigay niya kahit pa nahihirapan siya." makahulugang wika nito. Napatitig ako dito. How long they've known each other?
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Kuya?" I asked her. Ngumiti ito.
"Yeah,.medyo matagal na rin..siya iyong tipo ng tao na kung magmahal ay ibinigay lahat..siya iyong tao na mabait..kung tutuusin ay nasa kanya na lahat ng hinahanap ng mga babae..at mapagmahal siya sa pamilya..Were classmates in College at siya iyong naging takbuhan ko." wika nito. Bakit parang naramdaman ko na may tumusok sa dibdib ko?Nagseselos ba ako kay Kuya?
"You like my kuya?" biglang tanong ko at dahan-dahan siyang tumango.
"Pero hindi pwede m-may iba siyang mahal..magkaibigan lang kami." wika nito. Kumirot ang puso ko sa narinig. Bakit si kuya pa ang nagustuhan ni Eunice?
"Okay lang yan..makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka din..ng taong kayang suklian ang pagmamahal mo.." wika ko dito. Ngumiti ito sa akin at saka hinampas ako sa braso.
"Ano ka ba..matagal na yun at masaya na ako ngayon sa buhay ko." wika nito.
"Mabuti naman.." wika ko dito.----------------------------
"Kuya, wag ka ng lalapit kay Eunice..I want her to be my girl..gusto ko siya kuya." sabi ko kaagad kay kuya after three months na palagi kaming lumalabas ni Eunice and I found myself falling in love with her at natatakot ako na lalapit si kuya dito dahil baka bumalik na naman ang feelings ni Eunice kay Kuya dati. She is kind and caring kaya nagustuhan ko siya. Hindi ko papayagan na mangyari yun kaya sinabihan ko na agad siya. Wala itong reaksyon na nakatitig sa akin.
"Kuya, okay ka lang?" wika ko dito at saka kinaway kaway ko ang aking kamay sa mata niya. Napailing ito at saka ngumiti.
"M-mabuti naman, I-I mean I'm happy for you.." wika nito. Sumeryoso ako.
"Wag mo lang subukan na ligawan si Eunice Kuya dahil hindi ko papayagang mangyari yun..Nakalimutan ko na si Scarlet sa lahat ng ginawa niya sa akin because of Eunice..Pero gusto ko pa ring magpasalamat sayo dahil pinakilala mo si Eunice sa akin." wika ko dito. Tahimik lang itong nakinig sa akin at maya-maya pa ay tumawa ito.
"Anong nakakatawa?" takang-tanong ko. Hinawakan niya ako sa balikat.
"Alam mong hindi ko magagawa yan sayo..kung yan ang ikaliligaya mo ay masaya ako para sayo." wika nito. Hinampas ko siya sa balikat.
"Mabuti na yung klaro Kuya.." wika ko. He made a face kaya napatawa ako.
"Hi mga kapatid!!I missed you!" nagulat na lang kami nang biglang bumukas ang pinto ng bahay ko at pumasok ang maganda kong ate kasama ang apat na taong bunso nitong anak na si Drick Allen. Sabay kaming humalik ni Kuya kay ate.
"Mano po tita.." wika ni Drick. Ang cute talaga ng anak ni ate but I made a face because he calls me tita. Pinamano ko naman siya.
"Mano po tito Aleck.." wika naman nito. Ngumiti ng malapad si Kuya.
"Mano at saka hug and kisses para sa paborito kong pamangkin." wika nito kaya agad namang yumakap si Drick dito. Nakangiti kami ni Ate Alyssa na nakatingin sa mga ito.
"Kumusta kana?" maya-maya pa ay tanong ni ate. Napatingin ako dito at saka kumunot ang noo.
"O-okay lang naman..bakit mo natanong?" wika ko. Hinila niya ako at pumunta kami sa terrace.
"I heard about you and Scarlet.."wika nito.
"Matagal na yun ate..wag na nating pag-usapan." wika ko.
"Anong hindi pag-usapan?Alison, alam ko nasaktan ka sa nangyari at dahil diyan gusto kong humingi ng pabor sayo..para din naman to sayo Alison eh." seryosong wika nito.
"Bakit?Ano ba yun?" tanong ko.
Bumuntong hininga muna ito.
"I want you to be a real girl dahil yun ka Alison.." mahinahong wika nito. Napanganga ako at hindi makapaniwala.
"A-akala ko ba tanggap niyo na ako ate?pero b-bakit ganyan ka na sa akin ate?" naguguluhang tanong ko. She sighed at saka tinapik niya ako sa balikat.
"Dati tanggap ko pero nung malaman ko na nasaktan ka ay nagbago na ang isip ko. You are not a boy Alison..Please be a girl dahil alam mong kahit baliktarin mo man ng mundo ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki.." wika nito.
"Bakit ate?pareho lang din naman ah..kung maiinlove ako sa lalaki sigurado ka ba na hindi ako masasaktan?" tanong ko dito. Napailing ito.
"Magkaiba yun Alison..Kahit na masasaktan ka sa lalaki ay meron pa rin tao na tatanggap at magmamahal sayo bilang isang babae at hindi yung nagiging tomboy ka..sa tingin mo may seseryoso pa sayo?" wika nito. Tumulo ang mga luha ko. Bakit ganun na lang nagbago si ate sa akin?Ayaw niya na ba akong suportahan sa gusto ko?
"All this time pala ay hindi mo ako tanggap?sa loob ng mahabang panahon ay pinaniwala mo ako na tanggap mo ang pagiging tomboy ko?" hindi ko mapigilan ang sumbatan si ate. This is me! mahirap bang tanggapin yun? Umiling ito at saka hinawakan ang kamay ko.
"No, its not like that..ayaw kong nasasaktan ka..please open your eyes Alison..there's a lot of things that explains about it at sana makita mo ang reyalidad ng buhay mo..I don't want to see hurt lalo na kung dahil sa kapwa mo babae." wika nito. Napailing ako sa tinuran nito kaya binawi ko ang aking mga kamay na hinawakan niya.
"I'm sorry ate but you can't change me as what you want..hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan,.Please wag ka ng magtangkang baguhin because I will make sure that it won't happened. Masaya ako ngayon lalo na ng dumating si Eunice sa buhay ko. Ngayon mo pa ba ako babaguhin kung kailan nagmahal na ako ulit?" wika ko. Kumunot-noo ito.
"M-may iba ka na namang--" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil tumalikod na ako.
"Alison!!Alison!!hindi pa tayo tapos!" narinig kong sigaw nito sa akin pero hindi na ako lumingon at nagmamadali na akong umalis ng bahay. Masamang-masama ang loob ko ngayon. It can't be! ayokong maging babae!..
BINABASA MO ANG
Take Me Now
RomancePaano ka ba huhusga ng isang tao lalo na kung isang bakla or tomboy? Si Alison ay isang tomboy at palaging nasasaktan sa pag-ibig pero palaging nandiyan ay Kuya Aleck niya na nakikinig at nakakaintindi sa kanya.. Pero paano kung paglaruan siya ng ta...