Chapter 20- Take Me Now-Completed

9.1K 168 13
                                    

Tumakbo ako at kasabay ng paghinto ng putok ay ang pagkahandusay ni Ali na naliligo ng sarili nitong dugo. Nanlaki ang mga mata ko.

"Aaaalllliii!!!" ubod ng lakas na sigaw ko.

Napabangon ako na basang-basa ng pawis ang buong katawan ko. I'm dreaming of her again. Napatayo ako at saka nagbihis ng damit. Pagkatapos magbihis ay napaupo ako ulit sa kama and there inabot ko ang picture niya sa tabi ng kama. She's very beautiful. Paano ko ba siya minahal inspite of those traits she have?I now believe that love has no boundaries. Minahal ko siya kahit na pinalaki kaming tunay na magkapatid. Minahal ko siya kahit na may marami siyang minamahal at hindi ako napapansin. Minahal ko siya kahit na isa siyang lesbian. Hindi kailanman ako sumuko sa pagmamahal ko sa kanya at mas lalong hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya--siya lang at wala na akong ibang mamahalin ng higit pa sa kanya. Ang bilis ng mga panahon. Parang kailan lang nabaril si Ali at Alex--Limang taon na pala ang lumipas at kahit limang taon na ang nakalipas ay dinadalaw pa rin ako ng masamang panaginip na iyon sa buhay ko. Namatay si Harry na may pakana ng lahat ng iyon dahil sa barilan nila ni Alex. Napatawad ko naman si Alex sa lahat ng ginawa niya. Pinatawad ko siya dahil nakikita ko ang pagbabago niya at isa pa ay kapatid pa rin ang turing ko sa kanya. Namatay rin si Tatay Elixer. Naging payapa na rin ito na iwanan kami at naging maluwag naman ang dibdib namin na iwanan kami dahil ayaw rin naming nakikita siyang nahihirapan sa bawat araw na itatagal niya sa mundong ibabaw. Ang dami na palang nangyari sa loob ng limang taon na nakakapagpabago sa bawat buhay namin. Hinalikan ko ang picture at saka ibinalik sa kung saan ito nakalagay.

"I love you baby.." naisambit ko. Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto at saka tumatakbong papalapit sa akin ang dalawang maganda at gwapong bata--my life. Napangiti ako at saka sinalubong sila ng yakap.

"Dad, Mom said that were going to eat breakfast na.." wika ng munting tinig ni Samantha Alexiss --ang panganay na anak ko na apat na taon na. Hinalikan naman ako ng bunso kong si Sammuel Alejandro na tatlong taon na rin.

"I love you Dad.." wika ng malambing nitong tinig. He's a papa's boy kasi.

"Tara! let's eat coz Mom's waiting for us kids.." nakangiting wika ko sa mga ito. Sabay itong tumango at saka humagikhik. They're laughters are music to my ears. Ang pamilya ko ang kumumpleto sa buhay ko and I loved them so much. Pagdating namin sa kusina ay nakita ko ang mahal ko na naghahanda ng pagkain sa mesa. Lumapit ako dito at saka niyakap ko siya sa likod at saka hinalikan.

"Good morning mahal.." wika ko. Ngumiti ito at saka humarap sa akin at inilagay ang dalawa nitong braso sa leeg ko.

"How's my husband?hmm?" malambing na wika nito. Ngumiti ako.

"I'm fine..kaya lang pagkagising ko ay wala ka na sa tabi ko..wala akong makakayakap." kunwa'y tampo ko dito. Piningot niya ako sa ilong.

"Mr. Aleck Sandejas, ang tagal mo kasing gumising at kailangan kong maghanda ng makakain para sa pamilya natin..magugutom ang mga anak natin kapag hindi ko ginawa yun." and she pouted her lips. Muli ko siyang hinalikan.

"That's why I loved you so much..thank you for loving me mahal ko.." wika ko. Ngumisi ito.

"Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin Aleck basta't nandiyan ka lang palagi at ang mga anak natin ay sapat na para sa akin..kayo ang buhay ko..I love you more.." mangiyak-ngiyak na wika nito. I kissed her. Oh how much I love this woman for completing my dreams in life!.

"Iiihh!..Mom and Dad are so sweet Sammuel..I wish I could find true love too!" biglang wika ni Samantha. Napatawa kaming pareho na mag-asawa at nilapitan ang mga anak namin.

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon