Chapter 7-Moving On
Simula nung marinig ko kahapon ang nangyari ay hindi na ako lumalabas ng bahay. Umiiyak lang ako at saka nag-isip isip. Siguro okay lang naman ang umiyak ng isang araw at pagkatapos nun ay wala na akong sasayanging luha nang dahil lang sa kanila. Tapos na akong lumuha para sa kanila. I should stand up and show them that I am not affected pero bago ko magawa yun, I have to move on at para magawa ko yun kailangan ko munang lumayo sa kanila. Alam ko naman na hindi madaling lumimot lalo na't mahal ko si Eunice at pinakamalapit na tao si Aleck sa buhay ko kaya sobrang sakit ang naramdaman ko ngayon. Napahinto ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng unit ko. Kahit na pagod ang pakiramdam ko ay binuksan ko yun at si Kuya Alex ang nasa harapan ko ngayon.
"Napadaan ka..anong atin?" pilit na ngumiting wika ko. Napabuntong-hininga ito.
"Papasukin mo muna ako." wika nito. Niluwagan ko ang pinto at saka pumasok ito at nagtuloy-tuloy sa sofa. Buti na lang well-arranged ang mga gamit ko dahil kung hindi baka asarin na naman ako nito.
"How's your feeling?" tanong nito. Of course masakit pa rin pero hindi ko sasabihin dahil ayaw kong sobra silang mag-alala sa akin.
"Anong gusto mo?Juice, coffee or softdrinks?ipaghahanda kita." wika ko. I may looked so pathetic pero I am just trying to lighten up the moment. Napalingon ito sa akin.
"Juice na lang.." wika nito. Ngumiti ako dito at nagpunta na sa kusina at naghanda ng maiinom niya at pagkatapos ay bumalik sa sofa at ibinigay ang inihanda ko.
"Thank You.." wika nito. Kuya Alex is my second sibling. Mula pa nung mga bata pa kami ay lagi niya akong inaaway at inaasar pero mabait naman talaga ito. Twenty-eight na ito ngayon pero kailanman ay wala itong ipinakilalang babae sa amin because he is too tough.
"I'm so sorry for what had happened." wika nito. Napakunot-noo akong napatingin sa kanya dahil naninibago talaga ako sa mga kilos nito. Hindi nito ugaling magsorry lalo na't alam nitong wala itong kasalanan. Napatawa ako.
"Ikaw ba talaga yan?" tanong ko dito na tumatawa. Napakunot-noo ito.
"I was never a good brother to you.." wika nito na ikinatahimik ko. He's is serious dahil sa ekspresyon ng mukha nito.
"Bakit mo naman nasabi yan?nakakabading ka!yuck" wika ko dito para matawa naman ito pero nanatili itong seryoso.
"Nung mga bata pa tayo ay laging kitang inaasar at inaaway kaya hindi na ako magtataka kung bakit malayo ang loob mo sa akin at si Aleck ang nakagaanan mo ng loob..Sana tayo ang naging malapit para hindi ka masaktan ng husto dahil sa walang-hiyang lalaking yun..ngayon sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nangyari sayo ang mga bagay na to..If I am a good brother to you sana hindi ito nangyari sayo at naprotektahan kita..I am so sorry.." wika nito. Kahit papano ay na-touch ako sa sinabi nito. Hinampas ko ito sa balilkat.
"Ano ka ba!.its my choice kuya..lahat ng ginagawa natin sa buhay ay choice natin kung bakit iyon nangyayari at kaya hindi ka naging malapit sa akin dahil choice mong awayin ako at choice kong maging malapit kay Aleck dahil lagi itong nandyan para sa akin pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kita mahal..mahal na mahal kita Kuya kaya wag mong sisihin ang iyong sarili sa nangyari sa akin.." wika ko dito. Nanatili itong seryoso.
"Kung choice ang nangyari eh di sana ikaw ang naging choice ko..I'm sorry bunso..pero hayaan mong punan ko ang pagkukulang ko sayo bilang kapatid mo.." wika nito. Napangiti ako kahit sa sakit na pinagdaraanan ko ngayon.
"Ang pagiging kapatid mo sa akin ay enough na para makabawi ka sa akin..at yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay lilipas din..time heal wounds naman diba?kaya darating din ang araw na maghihilom ang sugat ko at gusto ko nandyan ka para sa akin Kuya." wika ko. Napangiti ito kahit papano at ginulo ang buhok ko.
"Ano ang plano mo ngayong ikakasal na sina Aleck?" mula sa narinig ko ay nabitin ang pagngiti ko at saka napailing.
"Ikakasal na pala sila?Kailan daw?" pilit na ngumiting wika ko.
"Next week ang napag-usapan dahil ayaw ng mga magulang ni Eunice ng matagalan pa dahil nabuntis na nga raw ito." wika nito na tintitigan ako na tila ba sinusuri ang nararamdaman ko.
"Mabuti naman kung ganun..mabuti na yung nakakasiguro na pananagutan talaga ni Aleck si Eunice dahil kawawa naman ang magiging anak nila." wika ko.
"O-okay lang sayo?" tila ba nagtatakang tanong nito. Ngumiti ako.
"Alam kong masakit pero kuya hahayaan ko bang makita si Eunice na malungkot dahil walang magiging ama ang anak niya?Hindi ko yun kaya kuya..I want her to be happy at kaya kong magparaya.." wika ko.
"Napakabait mo bunso..hindi ko akalain na ganyan ka kung mag-isip..Your matured enough na natanggap mo ang iyong pagkatalo.." wika nito.
"Ganun yata yung tinatawag na totoong pagmamahal Kuya..walang imposible at handa kang magsakripisyo...Kuya, gusto kong humingi ng pabor.." wika ko. Buo na ang desisyon ko.
"Ano yun?" wika nito.----------------------------
One Year had passed..
Nandito ako sa Singapore nagpapahilom ng sugat na dulot ni Eunice at Aleck sa akin. Masaya na ako kung anong meron ako ngayon. Ito yung hiningi kong pabor kay Kuya Alex nung huli naming pag-uusap sa personal. I said to him na gusto kung lumayo at tulungan niya ako. Dahil gusto niyang makabawi sa akin ay gumawa siyang paraan. Dito ko gustong pumunta ng Singapore dahil malayo pero kahit ganun ay kinokontak ko naman ang pamilya ko at kinukumusta sila pero pagdating kay Aleck at Eunice ay iniiwasan ko na magkwento sila tungkol dito. Ayaw ko kasing marinig kung ano ang nangyari sa kanila. Maybe I am bitter for what had happened one year ago pero hindi ko naman sinisisi ang sarili ko kung bakit bitter pa ako dahil I know kahit one year na ang nakaraan ay fresh pa rin yung sakit and I know din na someday magiging handa na akong marinig ang tungkol sa kanila. Naiintindihan naman nila Ate kung bakit yun ang naging desisyon ko kaya pumayag silang lumayo ako and before the wedding of Aleck ay umalis na ako nang hindi niya alam. Ayoko kasing magmukhang tanga dun sa kasal nila.
"Is there any problem Ali?" wika ng naging malapit kong kaibigan na si Kristyl. Siya ang naging bestfriend ko at kasamahan na rin sa trabaho. Yes, I worked here in Singapore as a Supervisor of Filipino workers sa isang Ship and Cruise Company. Masaya na ako at saka kontento sa kung ano ako ngayon. Nagkaroon din ako ng boyfriend na half Singaporian-half American. Yes! naging tunay na babae na ako and I am so happy right now dahil nahanap ko na ang sarili ko. Hindi ko lang alam kung bakit masakit pa rin sa akin ang nangyari nung pagtaksil ni Aleck at Eunice sa akin gayong isa na akong ganap na babae.
"Nope..I just remembered someone in the past.." sagot ko kay Kristyl. She's half Singaporian and half Filipina kaya nakakaintindi siya ng konting tagalog.
"Someone in the past?..is that Aleck or Eunice?" biglang tanong nito. Basta ba past ang tinutukoy ko ay si Aleck at Eunice ang pumapasok sa utak nito. Were on our way to the parking lot para umuwi.
"I just wondered why is that the pain was still here?..Why is it so hard to forget?I mean..I am a lady now and I don't love Eunice anymore.." tanong ko. She stopped and looked at me in the eye.
"And now you can ask to yourself of which of the two reasons why the pain is there!.one reason is that, because you didn't forgive them and you didn't talk to them..and second reason is that, maybe you are in love with your fake brother Aleck.!" wika pa nito. Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinasabi.
"Of course not!.never in my wildest dream to fall in love with Aleck!!." napataas ang boses na wika ko. Nanlaki din ang mga mata nito.
"Okay fine..then what do you think is the reason Ali?try to think about it..It is you who can answer to your question." wika nito na napailing at saka naglakad ulit nang makita namin ang boyfriend kong si Harry Muller. Harry is a good, handsome and rich man pero napakasimple at napakabait kaya ko siya nagustuhan.
"Oh dear, your boyfriend is here.I have to go..bye bye." wika nito at saka lumayo na. Ngumiti ako kay Harry at pagkalapit ay ginawaran niya ako ng halik sa labi. Ganito kasi ito kung bumabati pero hanggang kiss at saka holding hands lang kami at nirerespeto naman niya ako.
"Hi babe..how's your day?" tanong nito. Maalalahanin kasi ito at saka malambing.
"Great!.my day is great babe because I see you.." wika ko at napatawa. Binobola ko na naman ito pero yun naman talaga ang nararamdaman ko. Ngumiti ito at saka piningot ang ilong ko.
"You make me bola huh?" wika pa nito. Tinuruan ko rin kasi ito ng konting tagalog at natutuwa ako dahil kahit wrong grammar at magkasamid-samid ang dila ay makikita mo talaga na nag-eeffort siya para sa akin.
"No..it is not a bola..it's true..I miss u babe." wika ko. He hugged me and after that he hold my hand.
"Let's go for a dinner date babe.." wika nito. Tumango ako.
"Oh yeah sure..let's go." wika ko. Ilang sandali pa lang ay nagbyahe na kami.
"Where do you want to eat babe?" maya-maya pa ay tanong nito. Inihilig ko ang aking ulo sa balikat niya.
"Anywhere you want babe." wika ko. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko at saka hinagkan ito.
"I love you babe..."and again napatanga na naman ako. Everytime he says I love you ay napapatanga ako.
"I-I ..I love you too." wika ko na lang.
"I know someday you will say that word with all your heart babe and I will wait for that moment." wika nito. Naguilty ako dahil sa sinabi nito. Alam ko na nararamdaman niya ang kakulangan ko sa pagmamahal dito dahil hindi ito manhid sa nararamdaman ko.
"I really love you babe..I love you so much." wika ko dahil hindi ko maipagkaila na minahal ko siya at gusto kong mamahalin pa siya hangang kaya ko. Ito yung pinangarap kong lalaki na magmamahal sa akin ng lubos at kaya akong tanggapin kahit ano pa ako.
BINABASA MO ANG
Take Me Now
RomancePaano ka ba huhusga ng isang tao lalo na kung isang bakla or tomboy? Si Alison ay isang tomboy at palaging nasasaktan sa pag-ibig pero palaging nandiyan ay Kuya Aleck niya na nakikinig at nakakaintindi sa kanya.. Pero paano kung paglaruan siya ng ta...