Chapter 6-Broken-hearted

6.2K 158 4
                                    

Chapter 6-Broken-hearted

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko ng mga panahong iyon. I grabbed his hand at hindi ko alam kung bakit inilalayo ko siya sa babaeng yun. Dahil ba nasasaktan ako sa paraan ng pagtitig ni Eunice kay Aleck dahil mahal ko pa rin siya o dahil nagagalit ako dahil ayokong  maging malapit si Aleck sa kanya?
"W-what are you doing?" mariing wika ni Aleck at bumitiw ito sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Nasa secret place namin kami ngayon. I rolled my eyes at saka tumingin dito.
"Kung gusto mo talagang magkabati tayo pwes layuan mo si Eunice!" inis na wika ko sa kanya. Napailing ito.
"Kahit kailan talaga ay napaka-childish mo Alison..hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo..so if I were you itigil mo na yan at saka hindi naman naging kami ni Eunice so hindi na kailangang umiwas pa ako sa kanya..." wika nito. Napakunot-noo ako.
"Talaga lang ha?..hindi naging kayo pero may nangyari na sa inyo..ano yun?Joke?and the way Eunice looked at you ay parang may kakaiba sa inyong dalawa..now tell me the truth..ano ba talaga kayo ni Eunice?" pilit na huminahong wika ko. Napalunok itong nakatitig sa akin.
"S-she's my ex-girlfriend..I-I'm sorry.." wika nito. Napanganga ako. I can't believe this!.why he didn't tell me?pinagmukha niya lang pala akong tanga dahil wala man lang itong sinabi nung niligawan ko ang ex niya?
"P-pinagmukha mo akong tanga?..All this time hindi ko alam na nagkagirlfriend ka?at wala ka man lang ginawa nang niligawan ko ang tira-tira mo?!.." napaiyak ako. Bakit ang sakit-sakit ng naramdaman ko ngayon? Napahagolhol ako ng iyak kaya inalo niya ako pero nagpupumiglas ako.
"I'm so sorry..hindi ko na itinuloy na sabihin sayo ang totoo dahil alam kong nahuhulog ka na sa kanya..nakita kong naging masaya ka sa kanya at unti-unti mo ng nakalimutan ang sakit na dulot ni Scarlet sayo..please maniwala ka sa akin.." wika nito. Napahagolhol ako ng iyak kaya inalo niya ako pero nagpupumiglas ako
"Bitiwan mo ako!!ayokong mabahiran ng kulay mo!..at sa tingin mo maniniwala ako sayo?itinuring kitang kakampi, bestfriend at higit sa lahat itinuring kitang tunay na kapatid pero bakit mo to nagawa sa akin?huh?..as far as I could remember I did nothing to you..alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon after what you did?I felt so empty..I felt so betrayed!..ang sakit-sakit dahil tinraydor ako ng pinakamahalagang tao sa buhay ko.!" iyak na wika ko. Nakita kong tumulo ang mga luha nito at akma niya akong yayakapin pero sinalubong ko siya ng malakas na sampal. Sa buong buhay ko ay siya lang yata ang nasampal ko dahil hindi ko gawain ang manampal ng tao lalo na at malapit sa puso ko.
"S-simula ngayon, wala ka ng bestfriend at kapatid.." mariing wika ko at saka agad na tumakbo palayo sa lugar na yun. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako lumingon. I run as fast as I can dahil gusto kong mapagod nang sa ganun ay hindi ko masyadong maisip ang mga nangyari. Ngunit natagpuan ko na lang ang aking sarili na umiiyak sa unit ko. Hindi naman talaga ako iyakin dahil simula pa nung bata pa ako ay matapang ako dahil gusto kong maging lalaki na malakas at marunong lumaban. Tatlo kaming magkakapatid na tunay at ako ang bunso at kahit na hindi ko nakagisnan ang nanay ko dahil namatay ito sa panganganak sa akin ay nandiyan naman ang panganay namin na si ate Alyssa na tumatayong ikalawang magulang ko at gumagabay sa akin. Nandiyan si tatay pero dati rati ay naging masamang ama siya sa amin at nagbago lang ito nung nasaktan si ate dahil sa pagmamahal and the rest was history. Pero kahit ganun ay napalaki nila akong maayos kahit na naging tomboy ako. Tinanggap nila kung ano ako pero nagbago ang lahat simula nung paulit-ulit na lang akong nasasaktan nang dahil sa mga babae at ngayon ang pinakamasakit sa lahat dahil nawala na yung trust ko sa pinakamahalagang tao sa buhay ko.

----------------------------

One month had passed..
Isang buwan akong hindi nagpakita sa pamilya ko dahil gusto kong magpalamig. Nagbakasyon ako sa Boracay ng walang nakakaalam dahil gusto kong mapag-isa. I needed to refresh my mind at saka isa pa ay ayokong nakikita ang mga mukha ng mga taong nagtaksil sa akin. Isang buwan akong nagtatago sa kanila at ni tawag at text hindi ko ginawa sa pamilya ko. Nag-alala sila pero nang minsang sinagot ko ang tawag nila ay sinabi kong busy ako sa negosyo ko at nagbakasyon na rin. Pero kahit na isang buwan na ang nakalipas ay nandun pa rin ang sakit. Mas lalo akong nangungulila sa mga taong nagtaksil sa akin.
Pauwi na ako sa amin galing bakasyon at pagkatapos maihatid ang mga gamit ay nagpunta ako sa bahay nina ate dahil gusto kong makita sila dahil alam ko nag-aalala na sila ng husto para sa akin. Pagkatapos maipark ang sasakyan sa garahe ay agad na akong pumasok sa loob. Nagtataka ako kung bakit tahimik ang bahay. Nasaan sila?
"Beth!" tawag ko sa katulong nina ate. Agad naman itong lumapit sa akin.
"Ma'am Alison?!n-nakabalik na p-pala kayo?" wika nito na parang hindi mapakapaniwala at mapakali. May problema ba?kinakabahan tuloy ako. Parang may naramdaman akong kakaiba.
"Yes..I just got home at nagpunta ako dito dahil gusto ko silang makita..Nasaan ba sila Beth?" tanong ko dito. Hindi ito mapakali at kinakagat-kagat nito ang daliri.
"Ahm..k-kasi Ma'am..n-nandun p-po sila sa garden sa likod b-bahay..s-sa may gazebo po..nandun po silang lahat.." wika nito. Napailing na lang ako sa ginagawa nito.
"Oh sige puntahan ko na lang at ibibigay ko itong pasalubong ko." wika ko at pupunta na sa likod pero hinarang niya ako.
"Ahh..m-ma'am wag na po muna kayong pumunta dun..mamaya na lang..s-seryoso kasi ang pinag-usapan nila." wika nito. Napakunot-noo ako. Somethings wrong!
"Wag mo nga akong harangan Beth!..kung seryoso ang pinag-usapan nila then I have the right too because they are my family!..sabihin mo nga sa akin, may nangyari ba?" inis na wika ko dito. Napaurong ito na tila ba namumutla at nagyuko ng ulo. Napailing na lang ako at saka tinalikuran siya at tinahak ko ang daan patungo sa gazebo. Ilang sandali pa lang ay nakita ko na ang kinaroonan nila. Nagtataka ako kung bakit nandito si Tita Cindy na ina ni Aleck at nandito rin si Eunice at ang buong pamilya ko except for me. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang seryoso nga ang pinag-usapan nila dahil hindi nila naramdaman ang presensiya ko hanggang sa makalapit ako sa kanila.
"W-what's going on here?" kinakabahang tanong ko. Napalingon silang lahat sa akin na tila ba nagulat nang makita ako.
"A-Alison?!." bigla na lang tumulo ang mga luha ni ate Alyssa at agad na yumakap sa akin. Naguguluhan ako at napakunot-noo. Lahat sila malungkot at si Aleck napahilamos ng mukha habang si Eunice ay namumutla. Ano ba ang nangyayari? Gusto kong maiyak. Kumalas ako sa pagkakayakap ni ate sa akin.
"I'm so sorry Ali but we have to do this..I'm sorry..I'm so sorry.." iyak na wika ni ate. Tumayo rin si Aleck at si Tatay and they both say sorry for me. Tumayo rin si Kuya Alex na tila ba gusto ng manuntok ng tao.
"What's going on here!!?ano ba?!pwede ba wag niyo na akong pinapakaba?!wag niyo akong tingnan ng ganyan!" halos maiyak na wika ko. Napaiyak si Aleck at tumayo si Tita Cindy.
"Eunice is pregnant and Aleck was the father!..oh ayan nasabi ko na ang kataksilan ng lalaking yan na itinuring mong kapatid!" galit na wika ni Kuya Alex. I gasped at nanlaki ang mga mata ko at saka napailing. Nagpalipat-lipat ako ng tingin kay Eunice at Aleck. Tumulo ang luha ni Aleck at hindi makatingin si Eunice sa akin. Umiiyak si Ate Alyssa na nakatingin sa akin na inalalayan ni Kuya Cedrick na asawa nito. Si Tatay naman ay namumula na ang mga mata at si tita Cindy ay nakayuko.
"N-no!!.h-hindi totoo yan!hindi totoo yan!" hindi makapaniwalang wika ko. Naramdaman ko na lang na nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
"I'm sorry.." halos pabulong na wika ni Aleck sa akin at tinangka niyang lumapit sa akin ngunit sinalubong ko siya ng malakas na sampal. Hindi ko alam kung ilang sampal na ang ginawa ko sa pagmumukha niya at saka pinagbabayo siya sa dibdib pero hinayaan nila ako.
"Bakit mo to nagawa sa akin?!bakit?!.okay na sana sa akin yung nakita ko pero ito, hindi ko to matatanggap!!.bakit mo nagawang paulit-ulit akong saktan ha?!.ang sakit sakit dahil yung babaeng minahal ko ang inagaw mo!!.you're such a bullshit!bullshit!!I hate you for making me cry!" galit na galit na wika ko. Bakit sa akin pa nangyari to?I am a good person na naghahangad lang na mahalin at tanggapin kung ano ako. Patuloy ko siyang pinagbabayo.
"Alison tama na!!nasasaktan na si Aleck!!..tanggapin mo na!hindi kita kayang mahalin..si Aleck ang mahal ko..tanggapin mo na ang katotohanang hindi ka pwedeng mahalin ng kahit na sinong babae!" awat ni Eunice sa akin. Bigla ko itong sinampal na ikinabigla ng lahat.
"WALA kang Karapatan!!naiintindihan mo?!.I've been good to you tapos ganito yung igaganti mo sa akin?at bakit sa lahat ng lalaki ay si Aleck pa na kapatid ko!?sana maging masaya ka sa ginawa mo!!.kung hindi ako kayang mahalin ng mga babae ay hindi ako natatakot Eunice dahil alam mo kung bakit?dahil kung katulad mo lang din, di bali ng magiging matandang dalaga ako kaysa ang pumatol sa mga babaeng malandi at namimikot!!hindi ka naman kagandahan para magmalaki!" galit na wika ko dito at saka tumakbo ako palayo sa kanila.
"Alison!!" narinig kong tawag ni Ate Alyssa pero wala akong balak na huminto at makisali sa pag-uusapan nila dahil I'm pretty sure ang kasalan ng dalawang taong kinamumuhian ko ang topic. Naririndi ako at nasasaktan ng husto. I'm so broken-hearted right now! I'm shattered into million pieces..ang sakit-sakit.

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon