Chapter 9- I'll be Here

5.9K 155 2
                                    

Chapter 9-I'll be Here

Philippines...

Nagpalinga-linga ako para makita ko si Kuya Alex. Siya ang susundo sa akin ngayon dito sa NAIA airport. Tumawag kasi ako sa kanya kagabi na uuwi ako at masaya si Kuya sa narinig. Huminga ako ng malalim. Muli na naman akong nakatapak sa bayan ko. I missed being here. I missed the memories I have here. Muli akong nagpalinga-linga and finally nakita ko rin si Kuya Alex na nakatayo sa may waiting area at nagpalinga-linga rin ito sa lahat ng bumababa ng airplane na sinasakyan ko. Napangiti akong lumapit dito. I'm pretty sure he didn't recognize me dahil ibang Alison ang inihatid niya noon dito sa airport sa bagong Alison ngayon. Napaka-boyish ko kasi dati. Lalaking-lalaki talaga ang porma ko na kabaliktaran naman ngayon. Naka-three inches red stilleto, skinny jeans and a fitted pink blouse ang suot ko habang nakalugay ang mahaba kong buhok.
"Ehem..excuse me Sir, are you waiting for someone?" nakangiting tanong ko dito nang makalapit ako. Napatingin ito sa akin.
"Oh yeah..I'm looking for my sister.." sagot nito at saka nagpalinga-linga na naman. Gusto ko tuloy bumunghalit ng tawa sa hitsura nito. Ni hindi niya talaga ako mamukhaan.
"Her name is Alison Singson, right?" wika ko at napatingin na naman siya sa akin na nakakunot ang noo.
"Where is she?how did you know my sister?" takang-tanong nito at hindi ko na napigilan ang aking sarili na bumunghalit ng tawa dahil sa reactions nito.
"H-hey!why are you laughing?" wika pa ni Kuya. Maluha-luha na talaga ako sa pagtawa.
"Because you didn't recognize me..I'm your sister Alison!.yohooo! kuya Alex!" tatawa-tawang wika ko. Tila saglit itong napatitig sa akin at maya-maya pa ay niyakap ko siya.
"Kuya! I missed you." wika ko. Matagal bago ko naramdaman ang yakap niya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kumalas ako sa pagyakap dito at masayang tumingin sa kanya.
"Missed me Kuya?"  wika ko. Napapailing na tumatawa si Kuya.
"You looked..you looked great..Ikaw ba talaga yan?parang hindi eh!" seryosong wika nito kaya binatukan ko ito.
"Aray..what?" wika nito.
"This is me..bakit ayaw mong maniwala?hindi ka ba masaya na ito na ako ngayon?" wika ko dito.
"Of course I'm happy..hindi lang ako makapaniwala that you looked like a beautiful princess na pinangarap namin sayo noon pa..I'm happy to see you like that lalo na ngayon na masaya ka..I'm sure ate and Tatay will be surprise dahil hindi nila alam na darating ka ngayon." masayang wika nito. Napaluha ako at yumakap ulit dito.
"Gusto ko silang makita Kuya..I missed them so much." wika ko. Hinagod niya ang likod ko at maya-maya pa ay hinila na niya ako dala ang mga bagahe ko patungong sasakyan at saka umalis na sa airport at tinatahak na namin ang daan pauwi sa bahay. Habang nagbibiyahe ay nagkwentuhan kami ni Kuya sa mga nangyayari sa loob ng isang taon na pagkawala ko pero naging maingat naman ito pagdating sa mga topics na alam nitong ayaw na ayaw kong pag-usapan hanggang sa dumating na kami sa bahay nina ate Alyssa. Dun kasi tumira si tatay kay Ate. Agad na kaming bumaba at inutusan ni kuya Alex ang mga  katulong na kunin ang mga bagahe ko. Hinawakan na ako ni Kuya sa kamay at saka iginiya sa loob ng bahay.
"Beth!,where's Ate?" tawag ni Kuya sa katulong. Nagmamadali namang lumapit si Beth. Napangiti ako nang mapadako ang tingin nito sa akin.
"Hi Beth!" bati ko dito. Kumunot ang noo nito.

"Ke ganda nito oh!,.Hi po Ma'am!..Sir Alex, ke ganda naman po nitong girlfriend niyo." komento pa ni Beth. Pati rin ito ay hindi ako mamukhaan. Sabay kaming napatawa ni Kuya na ipinagtaka ni Beth.
"Ano ka ba Beth!, hindi mo nakilala  si Alison?" wika ni Kuya. Napatitig si Beth sa akin at maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata nito marahil namukhaan na rin niya ako.
"Diyos ko po!.kayo ba talaga yan Ma'am Alison?Kay ganda-ganda mo naman!malayong-malayo ka na sa tomboy na Alison noon." masayang wika nito. Napangiti ako.
"Oo Beth..pero ako pa rin si Alison..and oh by the way, nasaan si Ate at Tatay?gusto ko silang makita." wika ko.
"Ah..nandun sa kwarto ng tatay niyo si Ma'am Alyssa pero may kasama kasi siya dun eh..dalaw ng tatay mo." wika nito.
"Gusto ko silang puntahan..namimissed ko na sila." wika ko.
"Okay tara na..puntahan na natin sila sa kwarto ni tatay." wika ni Kuya Alex at saka iginiya ako sa taas. Na-eexcite ako at kinakabahan na hindi ko alam. Pagdating namin sa kwarto ay agad na kinatok ni Kuya Alex ang pinto at saka pumasok na kami sa loob. Napalingon silang lahat pagpasok namin at parang nag-slow motion sa akin ang lahat nang mapadako ang tingin ko sa dalaw ni Tatay. Our eyes met. Para akong nababato at binuhusan ng malamig na tubig.
"Alex,.who's she?" narinig kong tanong ni ate at saka tumayo. Napatingin ako dito at maya-maya pa ay napadako ang tingin ko sa nakaratay na si Tatay. Maraming nakakabit sa katawan nito. Napatakip ako sa aking bibig at saka nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Dahan-dahan akong lumapit dito at ginagap ang kamay nito.
"T-tay...Tatay..nandito na ako.." umiiyak na wika ko.
"Ate, si Alison.." narinig kong wika ni Kuya Alex.
"W-what?!" parang hindi makapaniwalang wika ni ate. Tumayo ako at saka niyakap siya.
"Ate..Nandito na ako Ate.." umiiyak pa rin na wika ko. Narinig ko ang paghikbi ni Ate at ginantihan ako ng yakap.
"Bunso..I missed you..I can't believe that your here finally.." wika ni ate. Kumalas ako dito at saka pinahid ang mga luha nito.
"I'm here now..Ate, I'm sorry for what I've done yesterday..mas matimbang kayo sa akin that's why I'm here.." wika ko dito.
"Ehem..E-excuse me..sa labas lang ako Ate." biglang wika ng dalaw ni Tatay. Napatingin kami dito.Tatalikod na ito at saka tinapik sa balikat si Kuya Alex.
"A-Aleck.." tawag ni Ate dito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko when our gaze met. Mas lalo itong naging gwapo at ang tikas ng katawan..nadagdagan ang kagwapohan niya ng maturity nito.
"Yes Ate?" lingong-wika nito.
"Let's talk..sa labas." wika ni Ate. Tumango naman ito.
"Maiwan na muna namin kayo Ali." wika ni Ate. Tumango naman ako. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas at nang tuluyan na silang nakalabas ay napahinga ako ng malalim at saka napapikit.
"Are you okay bunso?" tanong ni kuya Alex. Napamulat ako at saka tumango.
"Yes..I'm okay.." pagsisinungaling ko dito dahil ang totoo ay nanghihina ako nang makita ko siya ulit.
"Are  you sure?" naniniguradong tanong nito. Pilit akong napangiti.
"I'm fine.." wika ko at saka umupo sa tabi ni Tatay. Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Tatay kaya inabot ko yun.
"Alison..hanapin niyo si Alison..hanapin niyo ang bunso ko." mahinang wika nito na nakapikit ang mga mata. Umiyak na naman ako. Naaawa ako kay Tatay. Alam kong nahihirapan siya ngayon.
"Pssshhh..Tay, nandito na ako..I'll be here hanggang sa gumaling ka." wika ko kahit na walang kasiguraduhan ang pag-galing  niya. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"A-anak..n-nandito ka na?" mahinang wika nito at nakita kong may mga luhang lumabas sa mga mata nito.
"Oo tay..nandito lang ako sa tabi mo..kaya magpagaling ka ha." wika ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Patawarin mo ako anak..patawarin mo ako dahil sa isip ko noon ay sinisisi kita sa nangyari sa nanay mo..patawarin mo ako anak." wika nito. Alam ko yun noon pa man pero hindi ko siya sinumbatan kailanman.
"Tay..wag ka ng magsalita..tapos na yun matagal na..wag mo ng isipin dahil kahit na wala kang narinig mula sa akin noon ay matagal na kitang pinatawad.." iyak na wika ko.
"A-anak..salamat..masaya ako na nandito kayong lahat na mga anak ko nang sa ganun kung mawala man ako at magkita kami ng nanay mo ay hindi siya magagalit sa akin dahil kahit sa huling hininga ko ay hindi niyo ako iniwan." wika nito. Napahagolhol ako.
"Tay,.wag kang magsalita ng ganyan dahil matagal pa yun..gusto kong makita mo pa ang mga apo niyo mula sa akin o kay Kuya Alex..maglalaro pa kayo ng mga apo niyo tay just like Alricka and Drick..matagal pa yun tay.." wika ko dito. Lumapit si Kuya Alex upang alalayan ako.
"Tama si Alison Tay..matagal pa yun kaya magpagaling ka." wika ni Kuya.
"Mga anak, hindi natin hawak ang buhay ko..ang Diyos na ang bahala sa akin. Siya lang ang may alam kung kailan niya ako kukunin at walang kahit na sino man ang makakapagpapabago nun..kailangan lang nating ihanda ang ating mga sarili sa maaaring mangyari." wika nito. Wala kaming magawa kung ganun pero gusto ko siyang sumaya sa mga sandaling humihinga pa siya.

----------------------------

Two days na ako dito sa bahay simula nung umuwi ako dito pero ang sabi ng doctor ay unti-unti na raw na nanghihina si tatay. Baka hindi na raw ito makakaabot ng isang buwan at mawawala na ito sa amin. Nalulungkot ako. Sa loob ng mahabang panahon ay naging masama siyang ama sa amin ng mga kapatid ko dahil sa pagkawala ni Nanay. Kahit ayaw nitong sabihin noon ay alam ko naman na ako ang sinisisi niya sa nangyari dahil namatay si Nanay sa panganganak nito sa akin. Pero nagbago si Tatay nung nasaktan si Ate Alyssa. Naging mapagmahal na siya sa amin na ikinatuwa naman namin. Sinubukan nitong maging mabuting ama sa amin at hindi naman ito nabigo. Pero hindi ko akalain na maaaring mawala na siya sa amin.
"Kumusta?" nanigas ang likod ko nang marinig ang boses niya. Matagal ko ng hindi naririnig ang boses niya pero kabisadong-kabisado ko yun kahit na nakapikit pa ako. Kasalukuyan kasi akong nasa gazebo sa likod-bahay. Bumilis ang tibok ng puso ko. Haharapin ko ba siya?handa na ba ako?ano ang mangyayari?

Take Me NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon