Chapter 2 -Kataksilan
Parang sinaksak ang puso ko nang makita ko si Scarlet na may kasamang lalaki at ang sweet sweet pa nila. Paminsan-minsan pang hinahalikan ng lalaki si Scarlet at ang magaling kong nobya ay tuwang-tuwa naman! Ang sarap patayin ng lalaking yun!..Nakakuyom ang mga palad ko dahil sa nakita ko. Manggagamit talaga!.Pero hindi ko sasayangin ang dignidad at resputasyon ko ng dahil lang sa walang kwentang babae.. Walang lingod-likod na umalis ako sa lugar na yun. Pauwi na sana ako galing trabaho nang makita ko si Scarlet. Nasuntok ko ang manibela ng aking sasakyan. Shit!how dare her to hurt me!..pinaharurot ko ang sasakyan and not in a while later ay nasa harapan na ako ng bahay ng pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Pinapasok naman ako ng katulong.
"Magandang gabi sayo Alison.." bati agad ni Yaya Susan. Ngumiti ako dito kahit na wala ako sa mood ngayon.
"Yaya Susan dalhan mo ako ng alak sa garden. I wanted drink." wika ko. Sumunod naman agad si Yaya. Pumunta na ako sa garden at umupo dun sa table na malapit sa pool. Labas-pasok ako sa bahay na to lalo na kapag may problema o nasasaktan ako. Tulad ngayon..I'm so hurt because of Scarlet. Mahal ko siya..sobrang mahal kaya nga ibinibigay ko ang lahat ng gusto niya dahil gusto kong palagi lang siyang nandiyan para sa akin pero ang saklap dahil piniperahan lang niya ako. Tama si kuya Aleck. Scarlet is not worth it for my love. Porke ba tomboy ako ay niloloko lang ako?Fuck!!. Nasuntok ko ang table at napaiyak ako. Sobrang sakit..ang sakit sakit.
"Alison?i-ito na ang alak mo..m-may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Yaya Susan. Napatingin ako dito.
"Ah..konti lang pero kaya ko naman.." pilit na ngumiti ako dito. Ganun ako sa ibang tao. I used to cry whenever I have problems but not in front of others except lang kay kuya Aleck. Mukhang naintindihan naman ni Yaya Susan na gusto kong mapag-isa kaya inilapag na niya ang alak sa table at saka iniwan na niya ako. Napahilamos ako ng mukha at saka tinungga ang isang bote without any hesitations. Gusto kong maglasing at baka sakaling makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Napaiyak na naman ako at saka nilagok ang isa pang bote.
"Alison stop that!" biglang may umagaw sa akin ng bote. Pilit ko iyong inaabot sa kanya.
"Ano ba?!akin na nga yan!" inis na wika ko dito.
"Are you insane Alison?!.kung may problema ka sabihin mo at hindi yung nilulunod mo yung sarili mo sa alak!" alam ko na galit na ito. Napahagolhol ako ng iyak na parang bata.
"K-Kuya...bakit ang sakit?..ang sakit sakit..hindi ba ako pwedeng sumaya?" nanghihinang wika ko. Napahilamos ng mukha si Kuya Aleck. Hinawakan niya ako.
"W-what happened?" nag-aalalang tanong ni kuya. Tumingin ako dito na may luha sa mga mata.
"Fuck!!..It's Scarlet right?!..putang-ina!sinasabi ko na nga ba eh!..diba I told you na layuan mo ang Scarlet na yan dahil walang magandang maidudulot ang babaeng yun sa buhay mo!?..Yan!..yan ang napapala mo sa katigasan ng ulo mo!..For God's sake Alison look at yourself!.you look so stressed because of that Starlet girl!" inis na wika ni Kuya.
"K-kuya..t-tama ka..piniperahan lang ako ni Scarlet..I-I saw her with a man..they're so sweet and they're kissing..Kuya, kitang-kita ko sa mga mata ko mismo ang kataksilan niya..I love her so much kaya sobra akong nasaktan ngayon..now tell me..pwede pa ba akong sumaya ngayon?" pagtatapat ko dito. Nanlaki ang mga mata nito at maya-maya pa ay napabuntong-hininga ito. He is so worried of about me. Matagal bago nagsalita si Kuya Aleck. I need him right now to comfort me. Napahagolhol ulit ako ng iyak kaya naikumpas ni Kuya ang kanyang mga kamay. Alam ko hindi niya ako matitiis.
"O-of course.. you can be happy..hindi man sa ngayon pero may marami pang panahon na pwede kang sumaya..baby, hindi lang si Scarlet ang babae sa mundo.." wika nito. Napatitig ako dito.
"Tama ka kuya..ang daming babae sa mundo pero paano ako magtitiwala ulit?..ang katulad kong tomboy may seseryoso pa kaya?Kuya bakit ang unfair?" wika ko. He answer me a hug.
"Hush baby..hindi lahat ng babae ay katulad ni Scarlet.. meron ding magmamahal at tatanggap sayo..totoo na mahirap maghanap ng matino at responsableng babae ngayon pero alam kong meron pang mas magandang nakalaan para sayo." wika nito. Somehow, it makes me feel better. Kahit kailan ay hindi ako nabigo na palaging pumunta kay Kuya Aleck tuwing may problema ako. He knows me very well at ako din sa kanya. Siya na yata ang pinakamatalik sa pinakamatalik na kaibigan sa mundo. We shared secrets and our private lives kaya hindi ako nahihiya sa kanya. Kumalas ako dito at saka hinalikan siya sa pisngi. Yes, ganun ako magpakita ng lambing kay Kuya. Hindi ako katulad ng ibang tomboy na nahihiyang humalik sa mga kapatid nila lalo na kung lalaki. Kahit hindi kami tunay na magkapatid ni Kuya Aleck ay minahal ko siya na parang tunay kong kapatid at kahit na may trabaho na ito at busy sa buhay ay may nakalaan na oras ito para sa akin. Twenty four na ako at si kuya naman ay Thirty na, pero kahit ganun ay magkasundo naman kami.
----------------------------
"Alison, pumunta kayo ni Aleck sa birthday party ko sa Saturday huh...maraming chicks dun kaya punta ka talaga.." wika ng kaibigan kong si Jerwin. Dumaan kasi ito sa pwesto ko. Nakangiwi ako. Umaandar na naman ang pagiging playboy nito.
"Oh ano?punta ka na!" pangungumbinse nito.
"Oh sige na..ang kulit mo!..isama ko na si Kuya Aleck." pagpayag ko dito.
"Sige maghintay talaga ako sayo dun,." wika nito. Sumimangot ito at saka nagpaalam na. Bumalik na ako sa ginagawa ko. Nagsisimula pa lang ako sa business ko. Maliit lang ang pwesto ko pero marami naman ang bumibili. Nagbebenta kasi ako ng mga gadgets, cellphones, ipads,tablets na mga branded. Si Hanna lang ang sinuswelduhan ko kaya marami na akong nalikom na pera para magpatayo ng bagong branch. Inaaliw ko ang aking sarili para hindi ko maisip si Scarlet. It's been two weeks had passed nang makita ko ang pagtataksil niya pero sariwa pa rin sa puso ko ang kirot. Parang kahapon pa lang nangyari na kahit anong baling ko ay nasasaktan pa rin ako. Ayaw ko siyang isipin sa ngayon. I have to enjoy my life without her.
BINABASA MO ANG
Take Me Now
RomancePaano ka ba huhusga ng isang tao lalo na kung isang bakla or tomboy? Si Alison ay isang tomboy at palaging nasasaktan sa pag-ibig pero palaging nandiyan ay Kuya Aleck niya na nakikinig at nakakaintindi sa kanya.. Pero paano kung paglaruan siya ng ta...