The Half Snake

461 15 4
                                    

Copyright ⓒ2016 eryserene

*****

Isang binata ang isinumpang maging kalahating ahas ng isang babaeng nagkataong isang demon na may matinding obsesyon sa kanya.

Dahil hindi magawa ng babaeng paibigin ang binata, isinumpa siya nito.

"Kung hindi ka mapupunta sa'kin, mas mabuti pang walang makinabang sa'yo." Saad ng demon.

Mula sa kamay niya, may lumabas na itim na usok at pumunta sa puwesto nang lalake. Pumalibot sa katawan nito ang itim na usok at maya-maya'y nakaramdam siya ng tila libu-libong karayom na tumutusok sa binti niya.

Naramdaman ng binata ang matinding pagkapulupot ng usok na para siyang iniipit. Nahihirapan na siyang huminga. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising ang binata. Wala na ang babae. Ngunit laking gulat niya ng makita ang kalahati ng katawan niya ay napalitan ng katawan ng ahas. Isang puting ahas.

Kung dati'y maraming humahanga sa kanya at nagkakagusto sa kanya, ngayon kinakatakutan na siya. Patagu-tago lang ito sa kung saan. Malayo sa mga taong maaari siyang saktan.

Magagawa pa kaya nitong bumalik sa dating anyo at buhay? Paano kaya niya mababali ang sumpa sa kanya?

The Half SnakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon