Chapter 3 - Special Request (Janna Santos)

53 4 0
                                    


Hays! Boring di makalabas ng bahay. Gusto ko gumala eh. Tapos may paparating na naman palang bagyo. Kaya pala ang lakas ng hangin.

Cancel na din lakad namin ni Roberta. Ililibre pa naman daw n'ya ko ng paborito kong lasagna sa SM. Siguro nawalan na din ng gana mag-aya yung baklang yun dahil sa panahon ngayon.

By the way OK lang kasi nagkaroon naman ako ng time para mag-asikaso ng special request. Naghihintay na lang ako ng oras para sa ginawa kong home-made pizza. Request kasi 'to ni Jeffrey eh. Bibigyan ko na din si Roberta, t'yak magugustuhan nila 'to.

Kapag gantong malamig at tagulan ang sarap magmuni-muni sa bintana ng kwarto ko. Maganda at nasa 3rd floor ako ng apartment kaya mas tanaw ko ang mga puno sa likod ng gusali.

Payapa din ang paligid at walang maingay sa katabi kong unit. Minsan di ako makatulog sa lakas ng tugtugan ng mag-tropang sila Dan at Archie. Pasalamat sila mabait pa 'ko, pero 'dun sa katabing unit nila kung saan nakatira sila Justin at Phoebe, naku away na naman pag nagkataong wala sa mood 'yung mag-pinsan. Pero pag magkakasundo silang lahat, nako! Napipilitan talaga 'ko mag-stay sa 2nd floor sa unit ni Roberto este Roberta my friend.

Bigla akong nagulat ng may biglang kumatok!

"Friendship!" Tinig mula sa labas. Kilala ko na kung sino.

"Sabi na nga ba eh! Oh ano? Ba't kapa umakyat dito? Natanggap ko text mo. Di na tayo tuloy diba? Saka nireplayan pala kita sabi ko dadalhan kita pizza mamaya." Sunod sunod kong sabi. Sabay hatak sa braso niya papasok pero kinontra n'ya din.

"Oo friend, ahh ganun ba? Ah basta o sige sige! Ah wag na lang pala." Magulong n'yang sagot na parang nagmamadali na ewan.

"Ha? Ano? Umayos ka nga! Ba't parang di ka mapalagay?" Sagot kong natatawa pa dahil sa itsura n'yang parang ewan.

"Ahh i mean girl ok na! kahit 'wag ka na tumuloy sa unit ko, aalis din ako eh. May pupuntahan lang aketch! Then babalik din naman, a-aura lang ang lola mo haha. By the way don't worry kain tayo mamaya ng pizza mo." Madali n'yang sabi.

Bumaba na din s'ya agad. Napansin kong may suot s'yang maliit na bagpack na parang 'di naman sa kaniya lalo't mukhang pang-constraction worker sa dumi nito.

"Hello kitty na pink ang shoulder bag nun ah? kelan pa naging pahinante 'yun?" Biro ko na lang sa sarili ko na natatawa.

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon