Chapter 10 - Hard Stage (Dan Dexter)

36 3 0
                                    


Hindi na namin nakita kung ano ba itsura ni Jeffrey sa CR. Di naman din kami pinapasok ni Officer. Nakatayo s'ya sa harap ng pinto. Gusto ko pa naman makita kung gaano kadugo ang nangyari sa taong 'yun.

Napikon pa 'ko kay Marco. Baka mamaya ako pa paghinalaan ni Officer sa krimeng 'to.

Matapos ang lahat. Pinabalik na din kame ni Officer sa mga unit namen para magpahinga.

Naiwan na lang sila ni Marco dun.

"Baka naman 'yung dalawa ang suspek. Haha! " bulong ko kay Archie.
Habang paakyat kami sa 3rd floor.

"Uy! Grabe ka. Huwag kang ganyan. Makapagbintang 'to! Wala kang ebidensya." Banat agad sa'kin ni Archie na binatukan pa ako bigla.

"Nagbibiro lang ako haha! Kay officer wala akong hinala. Pero d'yan sa kaibigan nating si Marco. Nakooooo. May dalang galit din 'yan kay Jeffrey." Sagot ko sa kaniya.

Pagkarating namin ng unit. Dahil nawala na din naman ang antok namin ni Archie, inaya ko na lang s'yang mag Play Station. OK na 'to kaysa isipin pa ang nangyari. I'm sure we are safe here. Pareho kaming lalaki ni Archie mapagtatanggol namin ang mga sarili namin in-case na kami isunod ng killer.

Subukan n'ya lang baka makatikim s'ya ng kamao ko.

Pero may worried din ako kahit papaano lalo sa mga kasama naming babae. buti nasa katabing unit lang namin sila at mukhang nagpapahinga na din. Keep safe nga and be vigilante sabi nga ni Officer.

"Archie mahirap to! Tipidin mo bala mo! Itak lang gagamitin ko sa mga 'to!"

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon