Chapter 20 - Last Knock (Yvonne Valdez)

75 2 0
                                    

Dinalaw din ako ng antok.

Ubos na din ang sigarilyong hinihithit ko habang nakahiga.

Buti at tahimik ang hapong ito. At dahil mahangin tanging naririnig ay ang mga dahong sumasabay sa ihip na dahilan para lalo akong maantok.

"Buti at walang pasok ngayong araw. Ang sarap magpahinga..."

'Di ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero nagising ako muli sa isang katok.

Medyo sumakit ang ulo ko dahil bigla akong bumangon.

"Sandali! Papunta na d'yan!" Habang nagpupunas ng mukha at badtrip dahil sa naudlot kong tulog.

"Oh? Kaw pala. Bakit? Natutulog ako eh." napakamot na lang ako ng ulo at napayuko na parang gusto na ulit humiga.

"Pwede ba ko pumasok?"

Hindi na ako sumagot, agad ko na lang s'yang binigyan ng daan papasok. Basta wala ako sa mood mag-entertain ng bisita dahil inaantok ako.

S'ya na din ang nagsara ng pinto at hinawakan pa ang kamay ko papasok sa sala.

"Ba't pala nandito ka na nam.." Hindi ko na natuloy ang sinabi ko.

Ang naramdaman ko na lang isang malakas na hampas sa mukha ko ang gumulat sa akin!

Napaupo ako sa lakas ng hampas ng matigas na bagay na 'yun.

Napaluha ako sabay punas sa bibig kong dumudugo.

'Di ako makapagsalita! Nakatayo lang siya sa harap ko na nagpaplano pang hampasin ako ng hawak n'ya.

"Pasensya na...  Ito na lang ang naiisip ko."

Isang malakas na hampas ng bagay na 'yun ang muling tumama sa aking panga dahilan para tuluyan na akong di makagawa ng ingay.

Gumapang ako papalapit sa pinto pero hinatak n'ya ako palayo.

Natanaw kong tumungo s'ya sa kusina.

Hindi ako makatayo. Hinang-hina ako. Pero pinilit kong maabot ang ballpen na natanaw ko sa ilalim ng upuan.

Pilit kong sinulat ang pangalan niya sa pader pero 'di ko na natapos dahil muli kong naramdamang ang mga kamay niyang hinahatak akong muli.

"Huwag ka nang malungkot. Tatapusin ko na paghihirap mo." habang hawak ang isang kutsilyo na nakatutok sa mukha ko.

Pinilit kong manlaban at tangkaing itusok sa kaniya ang hawak kong ballpen pero dahil nakapatong siya sa katawan ko napigilan niya agad ang mga braso ko.

Wala akong ibang magawa kundi ang umiling ng umiling.

Maawa ka! Bakit? Anong atraso ko sayo? Hindi ko na ito masabi tanging nasa isip ko na lang ang lahat.

Wala na akong magawa.

Isang saksak ang dumating sa aking mukha. Hanggang tumagos sa sahig...

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon