Chapter 7 - Ang Apartment ko (Maida)

38 3 0
                                    

Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa taas! Sigaw ng babae!

Nawala ang antok ko. Oras na ng pahinga. Nag-aalala ako at baka may maistorbo na naman na ikainis ng ibang tenant.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at tumungo sa unit ni Marco para magpasama umakyat sa 2nd floor.

"Marco! Marco!" Kinakatok ko ang pintuan n'ya gamit ang tungkod na hawak ko.

Matagal bago s'ya lumabas at mukhang naistorbo ko pa sa pagkakatulog ang binatang ito.

"Nay! Ano po 'yun? Gabi na po ahh ano po ba kailangan ninyo?" Maamo n'yang tanong sa'kin.

"Halika at pumanhik tayo sa taas. May kung anong nangyari at may babaeng sumigaw 'dun. Baka nakakita ng magnanakaw!"

Agad naman akong inalalayan ni Marco patungo sa 2nd floor.

Nakita namin sa pasilyo si Janna na umiiyak. kasama ng kaniyang mga kaibigan.

"Anong nagyayari dito!?" Galit kong sabi.

"Naku po! Hindi pa namin alam basta po si Janna narinig na lang namin na sumisigaw." Sagot ni Phoebe habang inaalalayan ang kaibigan.

Bigla naman ding lumabas mula sa unit ni Jeffrey si Officer.

Tinanong ng pinsan ni Phoebe na si Justin si Officer kung ano ang nangyari at nagulat ako sa aking narinig.

Sumigaw si Janna. "Patay na s'ya!"

Hindi ako makapaniwala!

Humantong na sa puntong pati ang mga nangungupahan sa akin ay may mga takot at hinala na...

Ipinaliwanag ni Officer ang kanyang nakita.

Nakakakilabot...

"Paano na officer!? Sino dito ang gagawa ng bagay na 'yan? Natatakot ako na baka nandito pa ang salarin. At baka may kung ano pang gawin sa iba sa'tin." sabi ko.

Sa kalagayan ko bilang matanda, ang mga ganitong pangyayari ang lalong nagpapahina sa akin. Ang Apartment na ito na lang ang aking ikinabubuhay ...

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon