Malakas ang hangin. Parating na din ang ulan. Narinig ko sa balita na ilang araw din ang gantong panahon. Tahimik lahat sa apartment na tinutuluyan ko. Maaari maagang matutulog ang iba ngayong hapon. Mas gusto ko na 'yung ganito.
Madalas maingay, magulo, masyadong masaya ang mga tenant sa taas. Luma na ang apartment na tinutuluyan ko. Maliit, old style pero simple at syempre mura ang renta.
Matagal-tagal na din akong nangungupahan dito. Kahit na madalas sakit ng ulo ko ang mga ka-tenant ko sa taas dahil sa mga jamming nila kapag nagkaka-ayaang mag-party kahit wala namang may birthday. Mabait naman ang land lady si Aling Maida. May katandaan na din at magisa na lang sa buhay. Kahit na minsan delayed ako sa pagbabayad sa upa, ok lang sa kanya.
"Nako! Basta 'wag ka lang umalis OK lang kahit delay ka magbayad haha." Madalas n'yang sabi sa'kin tuwing kakatok ako sa pinto n'ya para magpaalam.
Malalim na ang gabi malakas na ang ulan. Nilalamig at inaantok na din ako...
Nang biglang may malakas na sigaw akong narinig mula sa taas.
Sigaw ng babae! Si Janna isa sa mga tenant na nangungupahan sa 3rd floor.

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Misterio / SuspensoIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.