Matapos ang lahat. Pinabalik ni Officer ang mga tenant sa kani-kanilang unit. Humingi ng tulong sa akin si Officer para ayusin ang bangkay ni Jeffrey. Hinatid ko muna si nanay sa baba para siguraduhing safe s'ya. Agad din akong pumanhik muli sa 2nd floor para balikan si officer.
"Mag-ingat tayo. Nandito lang ang salarin... Isa sa mga nakatira dito." Bulong niya sa akin diretso pasok sa unit ni Jeffrey.
Kinakabahan ako... Ayokong may mangyaring masama sa taong mahal ko.
Pumasok kami ni officer sa CR ng unit ni Jeffrey para asikasuhin ang bangkay n'ya.
Naglabas ng phone si Officer at kinunan ng picture ang bangkay ni Jeffrey.
"Officer, saan n'yo po gagamitin ang larawan?" Tanong ko sa kaniya.
"Isa ito sa mga ginagawa ko noon tuwing may crime scene. Ang kuhaan ang lagay ng biktima kung ano ang itsura nito bilang ebidensya na 'din." Paliwanag n'ya.
Ganun pala yun. Wala akong alam sa mga bagay na ganito. Wala naman din akong pinag-aralang mataas. Hamak lang akong graduate ng High School.
At salamat na lang talaga at may Aling Maida na kumupkop sa akin na tinuturing akong parang anak. Kaya nasanay na din akong tawagin s'yang nanay.
Matapos kuhaan ng picture ni officer ang bangkay ni Jeffrey pinagtulungan na namin s'yang alisin sa pagkakabigti n'ya sa shower.
Inalis din ni officer ang nakapalupot na barb wire sa mukha ni Jeffrey. Dahan-dahang nahuhugot ang mga nakabaong tinik ng wire sa mukha n'ya hanggang leeg.
"Matinding galit ang nakabaon sa puso ng taong gumawa nito." Sabi n'ya habang maingat na tinatanggal ang wire.
"Sabi na nga ba aabot sa ganito ang lahat." Sabi kong nakayuko.
"Anong ibig mong sabihin Marco?" Tanong ni Officer sa akin.
"Ahhh. Ibig ko lang po sabihin eh baka may hindi na nakatiis sa ugali n'ya." Sagot ko.
Totoo naman, minsan nagsumbong sa akin si Yvonne sa ginawa ni Jeffrey na pambabastos kay Phoebe. Hindi gusto ni Phoebe ang ugali ni Jeffrey lalo kapag lasing ito.
Kahit yung magbarkadang si Dan at Archie pikon din sa kaniya minsan.
Oo, malapit kami lahat kay Jeffrey pero malayo ang loob ng marami sa Kaniya.
Binuhat namin ni Officer ang bangkay ni Jeffrey at dinala sa sala at dun namin siya binalutan ng kumot.
Matapos nito. Inaya ako ni officer magkape.
Tumungo s'ya sa kusina ni Jeffrey at naghanap ng matitimplang kape. May nakita s'yang 3-in-1 coffee at 'yun ang aming ininom.
Parang wala lang ang lahat.
Nagkakape kami.
Nasa harap namin ang bangkay ni Jeffrey na nakakumot.
Malakas ang ulan sa labas.
Malamig ang simoy ng hangin.
Mainit ang kape.
Nakatitig lang sa bangkay si Officer.
Nakatitig lang ako sa kaniya.
Kinakabahan ako...

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Mystery / ThrillerIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.