Chapter 4 - Pizza Delivery! (Janna Santos)

45 3 0
                                    


Times up! Sa wakas luto na ang special Janna's Home made pizza ko!

Grabe! Anong oras na! Ba't kasi late na'ko nagprepare. By the way malamang gising pa naman 'yun si Jeffrey.

Mabilis kong hinanda sa plato yung tatlong pirasong malalaking sliced ng pizza para sa kaniya. Minsan ko na s'yang nadalhan nito at talagang nagustuhan niya lalo't madaming bacon at cheese 'to. Favorite n'ya daw sa pizza 'yun.

Malakas na din ang ulan. Tahimik sa buong apartment. Kahit sa hallway pababa wala din masyadong dumadaan. Patay na din ang ilaw sa ibang part ng hallway ng 2nd floor pero sa tapat ng unit ni Jeffrey may liwanag pa galing sa maliit na space sa ilalim ng pintuan n'ya.

"Gising pa nga si Jeff. Excited na 'yun sa pizza n'ya" Sabi ko habang naglalakad papalapit.

Nilagpasan ko na ang unit ni Roberta dahil katabi ito ng unit ni Jeffrey dito sa 2nd floor. Wala naman din s'ya dun dahil nagpaalam s'ya sakin kanina.

"Jeffrey. Si Janna 'to. Yung request mo palang pizza heto na." habang kumakatok ng marahan.

Walang sumasagot...

Kumatok ulit ako pero parang walang tao.

Tinangka ko nang buksan ang doorknob baka sakaling di naman naka-lock at makapasok ako. Hindi naman din bago kay Jeffrey yun dahil sanay naman 'din kami nila Roberta sa unit n'ya kapag nag-aaya s'ya manood ng movies.

Pumasok na ko sa loob. Wala akong Jeffrey na natatanaw, kundi ang sala nyang may mga books at DVD pa sa lamesita na madalas n'yang pagka abalahan.

Walang TV na nakabukas o anumang sound system na gumagana. Parang wala ngang tao. Uupo lang muna sana ako baka sakaling may binili lang sa labas kaya wala s'ya. Nang natuon ang pansin ko sa pinto ng CR. Bukas ito nang bahagya, naiilang man ako lumapit pero baka sakaling nandun s'ya sa loob.

"Jeffrey? Nand'yan ka ba sa loob?" Papalapit ako sa CR.

"Heto na 'yung pizza mo oh. Mainit pa 'to" Nasa tapat na ko ng pinto pero walang sumasagot.

Feeling ko may tao eh, pero ewan ko ba bakit pa'ko tuluyang sumilip at nagtangkang pumasok sa loob. Kinakabahan tuloy ako na nagba-blush dahil baka kung ano ang makita ko at nakakahiya sa kanya.

Pero iba ang bumungad sa'kin!

Napalitan lahat ng kaba ko ng ibang kaba! Bigla kong nakita si Jeffrey.

Naliligo sa dugo si Jeffrey! Nakalambitin ang leeg sa shower ng alambre. Hindi lang basta alambre! Barb wire na tumutusok sa buong leeg n'ya at palibot sa mukha!

Hindi ko kinaya ang nakita ko! Nabitawan ko ang hawak kong plato sa kilabot at nagsisigaw!

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Nakakakilabot! Tumakbo ako palabas ng unit at napaluhod na lang sa nasaksihan ko. Humahagulgol ako sa iyak! Di maalis sa isip ko ang mukha ni Jeffrey na nakadilat pa habang napapalibutan ang duguang mukha n'ya ng bagay na 'yun.

"Bakit!? Anong nangyari!?" Biglang may dumating na hindi ko na tinignan kung sino basta isa sa mga nakatira sa apartment.

Niyugyog na niya ako para sumagot sa mga sinasabi niya pero patuloy ako sa pagiyak sa tindi ng takot ko. Nanginginig ang mga labi ko, basang basa na ng luha ang aking mga kamay. Ang tangi ko na lang magawa ay ituro ang unit ni Jeffrey.

"Bakit?! Bakit?!... Hindi n'ya magagawa to!" Sabi ko na nangangatal. Maraming tumatakbo sa isip ko, maraming pumapasok sa isip ko, marami... Marami.

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon