Matapos magkape nagpaalam sa akin si Officer. Maglilibot lang daw s'ya sa buong apartment para i-check ang buong lugar.
"Dito lang po ba ako?" Tanong ko sa kaniya na natatakot.
"Oo. Kung maaari ay dumito ka na muna. Mabuti nang may tao sa 2nd floor. Para malaman mo din kung may darating pang iba." sagot ni Officer sa akin.
'Di na lang ako kumontra. Ayoko mang may kasama akong bangkay dito eh no choice na lang ako kundi sumunod.
Ni-lock ko na lang mabuti ang mga bintana para di pumasok ang ulan sa loob ng kwarto. Palakas ng palakas ang ulan.
Kailan kaya titila ito.
Bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari noong nakaraang linggo.
'Di ko makalimutan ang lumabas sa bibig ni Jeffrey. Napakawalang galang niya sa babae. Lalo kay Janna.
Dahilan para mainis din sa kaniya si Dan. Kahit ako man 'din mapipikon kaso hindi ako kasing init ng ulo ni Dan. Mas mabuti na lang din na magpigil ng kamay ayoko ding makasakit.
"Tama na yan! Pinapatulan mo pa kasi Dan eh! Hayaan mo na mga biro ni Jeffrey! Lasing na 'yan wala nang sasabihing matino yan!" Habang hawak-hawak ko ang braso ni Dan na susugod na sa lasing na si Jeffrey.
Kayabangan kasi!
Pero yung makita ko ngayong patay na s'ya at nakabalot na ng kumot. May awa akong nararamdaman.
"May inis ako sa'yo Jeffrey pero pilit kong inalis sa isip ko 'yun at mas mabuting magpatawad na lang." Sabi ko sa malamig n'yang bangkay.
Biglang may kumatok.
Pagbukas ko si Nanay.
"Nasaan si Officer,iho?"
"Lumabas po. Maglilibot lang daw s'ya sa paligid para mag-check."
"Sige. Hahanapin ko na lang. Mag-ingat ka anak." Sabay alis ni nanay.
Sana OK lang ang lahat.

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Misterio / SuspensoIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.