Chapter 2 - One down Upstairs (Officer)

52 3 0
                                    


"Bakit! Anong nangyari!?" Tanong ko kay Janna na nakaluhod na sa sahig at umiiyak na parang nakakita ng multo.

"Sumagot ka Janna! May nangyari ba? May pumasok bang magnanakaw?!" Halos sumisigaw na'ko habang niyuyugyog ko ang mga balikat nya.

Hindi ako nakatanggap ng sagot sa mga tanong ko pero unti-unting itinuro ni Janna ang isang pinto kung saan ko sya naabutang umiiyak.

Tinuro n'ya ang unit na tinutuluyan ni Jeffrey. Bukas na ito.

"Dito ka na lang Janna." Iniwan ko si Janna sa pasilyo para tumungo sa unit ni Jeffrey.

"Bakit?! Bakit?! Huhuhu." Patuloy na hibik ni Janna habang papasok ako sa unit.

Sa unang tingin parang walang nangyari. Maayos ang sala. Una kong makikita ito pagpasok ng pinto. Walang bakas na parang may nakawang naganap o anuman. Paghakbang ko pa para lumapit dun ko napansin sa sahig ang ilang sliced ng pizza na kumalat na at mukhang bagong luto.

Sunod ko nang pinasok ang banyo na bahagyang nakabukas na nasa bandang kaliwa ng kinatatayuan ko. ( Naririnig ko pa din ang mga hibik ni Janna mula sa labas.)

Isang 'di ko inaasahang bagay ang bumungad sa akin.

Nakakakilabot!

"Sinong walang puso ang gagawa nito sa kanya!" Sabi ko sa sarili ko habang nakatakip ng kamay sa bibig.

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon