Antok na talaga ako! Pagod pa dahil sa laro namin kaninang umaga sa basketball! sarap pa matulog dahil umuulan.
Tapos yung bigla- bigla nakarinig kame ni Dan ng sigaw sa labas. Di nga pinansin agad ni Dan 'yun.
Tapos si Janna pala 'yun!
Hindi talaga kami makapaniwala. Akalain mo 'yun kalaro lang namin sa basketball kanina tapos ngayon 'sing lamig na ng simoy ng hangin si Jeffrey. Nakakakilabot!
"Ah eh! Kutob ko lang! Baket!? Di ba pwede mangyari yun?" katwiran pa ni Dan.
Pang-asar pa 'to! Alam na ngang seryoso ang sitwasyon. Hindi tinatalinuhan ang sinasabi. Baka siya pa maging suspek sa krimen 'pag nagkataon.
Pinag-iingat kami ni Officer ngayong gabi dahil malaki ang posibilidad na andito lang ang salarin.
"Baka naman yung dalawa ang suspek. Haha! " bulong sa akin ni Dan habang pamanhik kami sa taas.
Binatukan ko nga!
Nagawa pang magbiro. Eh kabado nga ako baka mamaya may mangyari ulit sa isa sa amin.
Masaya kaming magbabarkada. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon masasabi kong masaya nga kami talaga.
Minsan iba ang simoy ng hangin. Minsan mainit, minsan malamig. Minsan malakas, minsan mahina.
Hindi ko akalain sa gitna ng kasiyahan namin may pangyayaring ganito sa dulo... Madugong pangyayari.
May susunod pa kayang mamamatay?
Wala pa din sila Yvonne at Roberto. Ayos lang kaya sila? O sila kaya ang mga gumawa nito kay Jeffrey.
Nasaan kaya ang dalawang 'yun? Mga tanong na naglalaro sa isip ko.
Nawala na din ang antok ko. Halo-halo na din ang pakiramdam ko. Malalim na ang gabi pero parang magiging kwago kami nito. Nag-aya na lang si Dan maglaro. Pampalipas oras na din.
"Tara! Tuloy natin 'yung The Walking Dead." Sabi ko kay Dan.
Patuloy ang malakas na buhos ng ulan. Ano na kaya ang nangyayari sa iba?
"Archie mahirap to! Tipidin mo bala mo! Itak lang gagamitin ko sa mga 'to!" gigil na sabi ni Archie habang papalapit sa'min ang mga zombies!
"Haha yare! Ang dami nito!" Sagot ko.
Di pala kame pwede magsisigaw sa excite baka maistorbo namin sila Janna, Phoebe at Justin sa kabilang unit.

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Mystery / ThrillerIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.