Chapter 13 - Ang nawawala (Janna Santos)

46 4 0
                                    

Masaya akong nakikinig ng kwento ni Justin. Pero sa kabila ng mga ngiti ay pilit na bumabalik sa akin ang nangyari kanina.

Nagaalala na ako kay Roberta. Wala akong balita sa kaniya hanggang ngayon.

Hindi din maalis sa isip ko sa Yvonne na hindi pa din namin nakikita mula kanina.

"Justin may sasabihin ako."

"Oh ano 'yun Janna. Sige ikaw naman mag-kwento." Sagot niya habang kumakain ng cookies.

"Kanina..."

"Kanina? Ano?"

"..."

"Pwede ba huwag na muna natin isipin yan Janna. Bahala na sila officer sa baba. May nagbabantay sa atin."

"Kanina kasama ko pa si Roberto..."

"Oh tapos!? Kamusta s'ya? May alam ba s'ya sa nangyari kay Jeff?"

"Hindi, hindi ko alam..." Pumatak na ang luha ko.

"Di kami natuloy sa lakad namin. Pero nagpaalam siya sa'kin bago umalis. Pero iba pakiramdam ko sa kaniya. Para s'yang may problema na 'di mapakali."

"Anong gusto mong sabihin Janna? Na si Roberta ang..."

"Hindi! Hindi maari! Hindi magagawa ng kaibigan ko 'yun kay Jeffrey!" 'Di ko na tinapos ang sinasabi ni Justin.

"Ayoko ding isipin 'yun Janna. Patawad, alam kong mabuting kaibigan si Roberta." paumanhin ni Justin sa akin.

"Pero may isa pa akong nasa isip Justin..."

"Ano 'yun Janna?"

"'Yung huling sinabi sa'kin ni Yvonne 'nung huli kaming nagka-usap." Pahina na ang boses ko...

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon