Chapter 19 - Knock knock! (Yvonne Valdez)

41 2 0
                                    

Time check 2:35PM

Sobrang init? Di ako makatulog ngayong tanghali. Hindi ako makapaniwalang may bagyong paparating mamaya ayon sa balita.

Buti na lang at maraming puno sa paligid ng Apartment na ito. Masarap ang simoy ng hangin kaya nakaka-relax na din kahit papaano.

Naghinhintay na lang din ako baka mag-aya si Jeffrey sa kanila at magpakain na naman. Ayoko namang kumatok sa unit nya at sasabihin na naman nun eh masyado akong assuming sa kaniya.

Binuksan ko ang bintana ng kwarto para makapasok ang sariwang hangin. Humiga na lang ako at nag-mumuni-muni habang nagyo-yosi.

Maraming nangyari noong nakaraang araw. 'Yung huling bonding lang naming ditong mga nakatira sa apartment hindi maganda ang ending. Baka nagkaroon pa ng samaan ng loob sa ibang mga kasama.

Maya-maya ay may katok akong narinig.

Agad akong pumunta sa pinto para alamin kung sino.

"Oh kayo pala aling Maida."

"Kamusta naman dito Yvonne?" Tanong N'ya sakin habang nakatakip ang ilong.

"OK naman ako. Pasensya na naabutan mo na naman akong naninigarilyo dito sa loob." Paliwanag ko sa matanda kahit 'di naman niya hinihinhi paliwanag ko.

"Ayos lang. Gusto ko lang din malaman. Kung kailan mo ako mababayaran sa upa mo noong nakaraang buwan."

"Ha? Ano tanda? Eh binayaran na kita laat week ah!" Sagot kong mataray ang dating. Nasabihan ko pa tuloy na tanda si Aling Maida.

Sanay na s'yang kinakausap ko s'ya ng walang po o opo. Pero 'yung masabihan ko s'yang matanda baka na-offend ko naman s'ya.

"Ah ganun ba iha!?" Natawa na lang s'ya bigla.

"Tumatanda na nga ang lola mo. Pasensya na naalala ko na."

Nagkatawanan na lang kaming dalawa. at umalis na din s'ya.

Muli bumalik ako sa kwarto para magpahinga.

Makalipas ang ilang minuto muling na namang may kumatok. si Dan.

"Oh 'tol! Ano satin?" Bungad kong bati sa kanila.

"Hihiramin lang sana namin ni Archie yung CD mo na Zombie Attack. Yung pinanood natin last week." Sabi ni Dan.

Agad ko namang pinapasok si Dan at inabot sa kaniya yung CD na nakapatong sa ibabaw ng TV ko.

"Thanks Yvonne sasauli ko na lang pagkatapos." Sabay labas sa unit ko na excite na excite.

"Wait! Bakit di ka nanghiram kay Jeffrey? Meron naman s'ya nyan original pa?" Pahabol kong tanong.

"Hindi ko na inistorbo 'yun malamang pagod 'yun at natutulog . Nag-basketball kame kanina nila Archie!" Sagot n'ya sakin.

"Ah kaya! Sige ibalik mo din sa'kin 'yan mamayang gabi!" sigaw ko.

"K ! Balik ko din agad!" Tugon n'ya habang taas-taas ang hawak na CD.

Sinara ko na ang pinto.

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon