Matapos mag-tanghalian agad akong tumungo sa kwarto para magpahinga. I need beauty rest para mamayang hapon ay blooming ako sa lakad namin ni Janna.
1:35PM na din nakaka-antok na oras. Ang init pa sa labas. Humiga na lang ako ako sa kama at nagmuni-muni.
Bigla pumasok sa isip ko ang mga nangyari noong nakaraan.
Baka dahil sa mga pangyayaring 'yun unti-unting magkalamat ang friendship ng mga nakatira sa apartment na ito.
Napahiya talaga si Janna. Nainis din ako sa asal ni Jeffrey nun. Hindi porke gusto s'ya ng babae eh ganun-ganun na lang n'ya paglaruan ang damdamin nito.
Sobra na 'din kasi ata kami mag-jamming at masyado nang napapalagay ang isa't-isa sa isa. Baka nagiging insensitive na din kami minsan sa nararamdaman ng iba.
By the way lahat naman may mga attitude, kala mo kung sinong malilinis. Hay nako!Magkakasakitan pa sila ni Dan kung 'di lang maaawat ni Marco.
Nag walk-out na lang si Marco that time dahil ayaw n'ya na 'din sumali pa sa gulo.
Bumaba ako sa 1st floor para ayain pabalik si Marco sa unit ni Jeffrey para makipag-ayos at maging happy naman kami lahat.
Naabutan ko si Marco sa tabi ng puno ng mangga kasama si aling Maida na may hawak pang dustpan sa kanang kamay at tungkod niya sa kaliwa na ginagawang walis sa mga tuyong dahon.
"Marco baby. Gora na ulit. Waiting ang mga dabarkads sa taas oh!" Lambing ko kay Marco.
"Nagka-initan na naman daw kayo dun kila Jeff! Kayo talagang mga bata kayo oo! 'Di ko kayo mawari!" Sabat ni Aling Maida.
"Pasensya na madir ganun talaga minsan pero maayos din yan. Maliit na bagay." paliwanag ko na may kembot pa para di naman nila masyado seryosihin.
"Kayo na lang! Baka kung ano pa magawa ko sa Jeffrey na 'yan kapag di ako nakapagtimpi. Baka sa kayabangan n'ya paliguan ko s'ya ng dugo eh." Sabay suntok sa puno ng mangga.
'Di na lang kami kumibo ni Aling Maida.
"Hayaan mo na iha!" Pinabalik na lang ako ni Aling Maida sa jamming namin. At pinakalma na lang si Marco.
So shut up na lang me.
Bumangon ulit ako sa kama at tumungo sa kitchen para uminom ng malamig na tubig. Sobrang init natawa ako nung narinig ko sa balita na may bagyo paparating mamaya.
"Pak! Bagyo pa more kahit tusta na ang byuti ko sa araw!" Rampa ko.Habang hawak ang isang basong tubig na may yelo.
Napansin ko sa upuan ang tuwalya ni Jeffrey.
Hindi ko pala nasauli kanina nung pinunasan ko s'ya.
Maibalik nga.

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Mystery / ThrillerIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.