Chapter 8 - One of Us (Phoebe De Guzman)

53 4 0
                                    

Grabe! Di kami makapaniwala ng pinsan kong si Justin sa gabing ito. Si Jeffrey patay na!

Si Jeffrey na nagaaya saming lahat na mag-movie marathon pa sa unit n'ya tuwing weekends.

Galante si Jeffrey. Magaling makipagkaibigan pero mayabang lang sa katawan at feeling makukuha lahat ng gusto. Kaya noong nagka-inuman sila nila Dan,Archie at Marco nauuwi sa pagtatalo sila nila Dan dahil sa lakas ng hangin sa katawan ni Jeffrey. Buti na lang di nagpapang abot sa suntukan dahil napapahinahon pa ni Marco ang sitwasyon.

Kaya di na'ko magtataka kung bakit ganun mag-react si Dan sa sitwasyon ni Jeffrey. May kinalaman kaya si Dan? Baka nayabangan na masyado si Dan kay Jeffrey kaya n'ya to nagawa?

Bakit wala din dito si Roberto? Katabi lang ng unit n'ya si Jeffrey. May kinalaman din ba s'ya?

Si Yvonne din na katabi din ng unit ni Jeffrey. Wala din s'ya sa mga oras na ito? Siya kaya ang killer? Eh patay na patay kay Jeffrey yung maarte na 'yun kaso wala namang pake si Jeffrey sa kaniya.

Kung sino man sa kanila di ko alam. Ang isang bagay na alam ko kailangan namin mag-ingat sa ngayon.

"Kami na muna bahala ni Marco sa unit ni Jeffrey. Sa ngayon bumalik kayo sa inyo-inyong mga unit. Keep safe and be vigilant. Lahat posibleng suspek. Sa ngayon wala pang malinaw na ebidensya ang lahat pero bilang isang dating alagad ng batas at may kaalaman sa mga ganitong sitwasyon magpasakop sana kayong lahat sa'kin." Paliwanag ni Officer  sa'ming lahat sa hallway. Pinipilit n'yang maging kalmado at payapa ang sitwasyon lalo na si Aling Maida na bakas ang takot sa mukha.

Swerte! May nakatira sa apartment na police officer like him. Kaso ang alam ko wala na s'ya sa serbisyo. at di na s'ya konektado pa sa kanyang tungkulin. Ganun pa man. It is good thing na may marunong humawak sa'min ng baril para protektahan kami in-case.

Pinabalik na kami ni officer sa Unit. Inaya ko na muna si Janna na sa amin muna tumuloy para may kasama s'ya lalo need n'ya ng comfort sa nasaksihan n'ya at pag-iingat na din.

May kasama kaming killer sa apartment. Makatulog kaya kami nito?

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon