Chapter 14 - Nice Game (Roberto Lazaro)

25 3 0
                                    

"OK ba 'yung game namin kanina? kung wala ako malamang tambak na naman kame."

Pagyayabang sakin ng echuzerong si Jeffrey. Naku! Kapag nananalo sa laro kala mo kung sinong hari 'tong Jeffrey na 'to. Pag natalo naman ang yabang pa din kesyo dinaya daw ang peg!

"Winnerz ang peg n'yo kanina! Havey! Haha dahil d'yan libre kita ng RC." Puri ko sa kanya habang pinupunasan pa ng tuwalya ang likod.

Sabay na kami umuwi ni Jeffrey sa Apartment. Libangan na ng magbabarkada ang basketball kapag walang mga pasok. Kahit medyo farlalu ang court sa Apartment namin talagang dinadayo ng mga mokong ang venue!

Sasakay pa kami ng tricycle para makarating sa Apartment medyo isolated ang lugar ni aling Maida kala mo naman resort ang peg. Old fashion naman ang Apartment sabagay old fashion na din naman ang may-ari. Quits lang.

"So ano plano mamaya? Jamming ba tayo sa unit ko?" Tanong sa'kin ni Jeffrey.

"Sorry! Hindi us effective later 'coz may rampa kame ni Janna." May kasama pang kumpas ng kamay ang pag-hindi ko kay Jeffrey like Miss U lang ang peg.

"Ah ganun ba? Haha OK ! May request pa naman ako 'dun?" Respond n'ya sa'kin.

"Sorry talaga Jeffrey at mas matimbang ako kaysa sa iyo." Biro ko.

"At remember mo 'yung nangyari last jamming natin? Sa naging pagtatalo ninyo 'dun baka. Wala sa mood mga friendships mag-bonding. Kayabangan mo 'din kasi pinaiiral mo. Ingat ka baka nakakasakit ka na." Pahabol kong explanation kay Jeffrey.

Hindi na lang s'ya kumibo sa sinabi ko at feeling ko na-badtrip pa s'ya.

Nakarating din kami sa Apartment na tinutuluyan namin.

Tumungo na si Jeffrey sa unit n'ya at ako din. Magkatabi lang kami ng unit sa 2nd floor.

Malapit na din mag alas-dose. Sakto para makapaghanda ako ng Tanghalian.

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon