Madaling araw na! Ala-una na ng madaling araw pagtingin ko sa wall clock.
"Archie. 'Di ka pa ba inaantok?"
"Hindi pa naman. Saka nag-e-enjoy pa ako maglaro. OK na 'to kaysa matulog baka mamaya pasukin tayo ng killer." Sabi n'ya habang naglalaro ng Play Station.
Napansin ko ang CD na hiniram ko kay Yvonne. Naalala ko si Yvonne.
Kamusta na kaya 'yun? Saan kaya s'ya pumunta?
Naisip ko na puntahan si Yvonne sa unit niya baka sakaling nakabalik na s'ya at wala pa ding kaalam-alam sa nangyari dito sa apartment.
Kinuha ko 'yung hiniram kong CD at iniwan ko si Archie sa nilalaro naming game.
"San ka punta 'tol?" Lingon niya sakin. Habang pumipindot pa din sa controller.
"Bababa lang ako. Baka nandyan na si Yvonne. Walang alam pa sa mga nagyari 'yun. Dapat ma-aware s'ya na may killer dito." Lumabas na ako ng pinto.
Sa kanang hagdan na ako ng 3rd floor dumaan para malapit na lang ako sa unit ni Yvonne sa 2nd floor. Tahimik sa hallway. Madilim, umaasa ako sa liwanag na mula sa Cellphone ko.
Nilagpasan ko ang unit nila Justin na tahimik naman at mukhang OK sila sa loob.
Dahan-dahan na lang din akong bumaba. Para wala ako maistorbo, may kaba 'din sa dibdib ko kahit papaano at baka bigla na lang sumulpot sa harap ko ang killer.
Ganun pa naman sa mga pelikulang napapanood namin.
Tahimik din sa 2nd floor. Patuloy ang buhos ng ulan at may pailan-ilan pang kidlat at kulog na nagpapa-tense lalo sa'kin. Nasa tapat na ako ng unit ni Yvonne.
Napalingon din ako sa unit ni Jeffrey. Makikita ang liwanag sa ilalim ng pintuan niya tanda na may tao sa loob. Sila Marco at Officer. "Ano kaya ginagawa nila ngayon?" Sabi ko na lang sa sarili.
Binaling ko ulit ang paningin sa pinto ng unit ni Yvonne.
Kumatok ako.
Isang katok lang...
Bumulong na lang ako sa pinto.
"Yvonne. Nandito ka na ba?" Alam ko namang 'di ako maririnig sa ganun. At mukhang wala pa 'din talagang tao.
Naisip ko na lang na isauli ang CD. Inilusot ko na lang sa Ilalim ng pinto papasok. Para makita niya agad.
Pero nabasa ang aking kamay.
"Ha? Ano 'to?" May kung anong lumalabas mula sa loob ng unit ni Yvonne.
Binuksan ko ulit ang Cellphone ko para makita nang mas malinaw kung ano ang nahawakan kong basa.
"Dugooo!" Napasigaw ako! sumabay ang malakas na kulog sa sigaw ko!
Tinutok ko ang liwanag ng Cellphone sa pinto ng unit ni Yvonne.
Dugo nga! Unti unting umaagos mula sa loob. Napabangon ako sa pagkakaupo at tinangkang buksan ang pinto!
Naka-lock!!!
"Yvonne!!! Yvonne!!!!! Sumagot kaaa!!! Yvonne!!!!!" Kinakalampag ko na ang pinto.
Unti-unting umaagos ang dugo sa paanan ko.

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Mystery / ThrillerIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.