Agad akong lumabas ng unit. Hindi na lang si Janna ang nakita ko. Dumating na din ang ibang tenant na nakatira sa 3rd floor. Ang magpinsang sina Justin at Phoebe na inaalalayan si Janna sa pagtayo. Ang magkaibigang Dan at Archie na parang gusto pang pumasok sa loob ng unit ni Jeffrey. Nakita ko din si Aling Maida na nagaalala na nakakapit pa sa suot na t-shirt ni Marco- ang katiwala ni Aling Maida sa Apartment.
Ang tanging tenant na wala sa mga sandaling ito ay sina Roberto at Yvonne. Napagigitnaan ng mga unit nila ang unit ni Jeffrey. Sila ang unang maa-aware sa nagyari bukod kay Janna. Pero wala sila sa mga unit nila.
Hindi ito ordinaryong pagpatay. May nagplano ng lahat. Malakas ang kutob ko na isa sa mga tenant ang may kinalaman. Pero sino?
"Ano ba meron? Bakit? Anong nangyari kay Jeff?" Tanong ni Justin na dumudungaw sa loob ng unit ni Jeffrey.
"Patay na s'ya!" Sigaw ni Janna!
Nagulat ang lahat sa narinig at iba't ibang emosyon ang umusbong.
"Ano!? Eh parang kanina lang kalaro pa namin s'ya sa court ah! Tapos ngayon may pumatay sa kaniya!" Banat ni Dan na sinangayunan naman ni Archie.
"Pumatay? Paano mo nasabing pinatay s'ya? Eh hindi mo naman nakita kung ano nangyari sa loob?" Singit ni Marco na parang naghinala kay Dan.
"Ah eh! Kutob ko lang! Baket!? Di ba pwede mangyari yun?" Maangas na sagot ni Dan na parang napikon kay Marco.
Malaman ang mga binitiwang salita ni Dan. Parang may kinalaman s'ya sa nangyari at parang may nalalaman s'ya sa bagay na ito.
"Tama na yan! Ano ba talaga nangyari Officer. Anong nangyari kay Jeffrey?" Alalang tanong ng matandang si Aling Maida na nahihiwagaan na din sa mga nagyayari.
"Patay na po si Jeffrey. Natagpuan s'ya ni Janna sa CR na duguan, na binigti gamit ang barb wire palibot sa mukha n'ya." paliwanag ko.
Nabalot ng takot at katahimikan ang hallway.
Patuloy ang malakas na buhos ng ulan sa labas.

BINABASA MO ANG
The Killer Next Door
Mystery / ThrillerIngat ka. Baka may masama nang balak sa'yo. Walang lihim na hindi mabubunyag. Sino ang salarin? Sino ang saksi? Sino ang susunod? Sino ang paniniwalaan mo? Lahat may Dahilan. Lahat may Motibo. Lahat may kwento. Lahat Damay.