Chapter 12 - Matamis na Ala-ala (Justin De Guzman)

38 4 0
                                    

Sa nangyari ngayong gabi. Mahirap maging kalmado ang lahat. Sinama na muna namin si Janna sa unit namin ni Phoebe para may kasama s'ya ngayong gabi.

Nauna samin yung dalawang mokong na sila Dan at Archie pumanhik at 'di din nagtagal umakyat na din kaming tatlo habang inaalalayan si Janna na hinang-hina pa din sa nasaksihan n'ya.

Agad naming inasikaso ni Phoebe si Janna, kumuha si Phoebe ng Damit para palitan ang suot ni Janna na basang basa ng luha kakaiyak.

"Salamat, salamat sa inyo." Sabi ni Janna habang hawak-hawak ang blouse na bigay ni Phoebe.

"Sige na. Pumunta ka muna sa CR. Para magpalit ng damit." Aya ko kay Janna.

"Ayoko! Please lang pwede ba sa kwarto n'yo na lang?" Takot na sagot ni Janna.

Nagkatinginan na lang kami ni Phoebe. Naiintindihan namin yung pakiramdam ni Janna. Hindi pa s'ya maka move-on sa CR kung saan n'ya natagpuan si Jeff.

"Sige, sige Janna. Walang problema sa Kwarto ka na magpalit." Maamo kong sagot.

Masakit para kay Janna ang nangyari. Malapit sa puso ni Janna si Jeffrey. Malapit na malapit.

Naalala ko noong last week na nagkaayaan kila Jeffrey para mag-bonding. Nandun kami lahat. Si Janna ang nag-prepare ng pagkain namin habang nanonood kami ng Movie.

"Janna! Matagal ka pa ba d'yan!? Ang ganda ng movie nakakatakot sayang di mo napapanood oh!" Nasa likod ako ni Janna.

"Ah! Oo eto nga at naghuhugas na lang ako ng kamay, katatapos ko lang maluto yung spaghetti eh. Mahilig si Jeffrey sa Cheese kaya dinamihan ko at sinarapan hehehe." Kilig n'yang sabi.

May gusto si Janna kay Jeffrey.
Pero hindi ko alam kung may pagtingin ba si Jeffrey sa kaniya.

Ang isang bagay na sigurado may nagkakagusto kay Janna.

Pero hindi si Jeffrey 'yun.

"Sakto sa'yo Janna!" Banggit ni Phoebe nang makita si Janna paglabas ng kwarto.

Ngiti ang sinagot ni Janna sa amin na mukhang mas ayos na ang pakiramdam kaysa sa kanina.

Dahil sa nawala na ang antok naming lahat. Nagpasya na lang muna kami mag mid-night snack sa kitchen. Madami kaming chocolates and cookies ni Phoebe dahil favorite namin ito.

Patuloy ang buhos ng ulan sa labas.
Tuloy lang din kami sa kwentuhan mga bagay na pang good vibes sa gabing kakila-kilabot.

"Wait lang. CR lang ako. Tinatawag ako ni mother earth!" wika ni Phoebe na biglang napatayo sa kinauupuan.

Natawa na lang kami ni Janna. At hinayaang umalis si Phoebe.

"Oh? Tapos? Ano nangyari dun sa pinsan mong nasa ilog, Justin?" Sabik na sabi ni Janna sa'kin na gustong ituloy ang kinu-kwento ko.

Hindi alam ni Janna na si Phoebe yung tinutukoy kong pinsan na nadulas sa ilog na may mga naliligong kalabaw.

Alam ni Phoebe 'yun. Feeling ko nahihiya si Phoebe na malaman ni Janna na s'ya pala yung bida sa kwento ko.

The Killer Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon