(Lily's POV)
"Lily, kumain ka na, huwag kang magpaka-emo jan! babalik din naman yung Kuya mo eh!" sabi sa akin ni Nathalie, Nath for short.
"okay...fine..." napabuntong hininga na lang ako, ang kulit talaga nila. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba sa kitchen para kumuha ng pagkain, hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Nath.
"Friend, gusto mo bang tawagan ko si Alexis?"
"Bahala ka..." walang gana kong sagot. Pag-katapos kong kumuha ng pagkain, pumunta na ako sa dining room at kumain nang may lumapit sa akin na isang katulong at inaabot sa akin ang telepono.
"Ma'am, si Sir Luke po..." agad kong kinuha ang telepono sa kanya at sinagot ko ang tawag.
"Kuya? Kuya, uuwi ka na ba?.." nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya bago siya nag-salita.
"Hey Princess...sabi ko naman sa'yo uuwi kami ni Dad after 3 months...kumakain ka ba ng maayos? Be honest!"
"H-hindi...ikaw naman kasi Kuya eh! Ang lonely ko kaya dito! sabi niyo pupunta sila Lola hindi naman pala! Kaya sila Nath and Alexis ang lagi kong kasama dito!" narinig kong tumawa si Kuya.
"I'm sorry Princess, sabi kasi sa akin ni Dad na hindi makakapunta jan sila Lola kasi busy din sila, oo nga pala, pwede naman na jan mag-istay sila Nathalie and Alexis for 3 months hanggang sa bumalik kami para may kasama ka."
"Nakakainis ka talaga kuya...basta huwag kang uuwi na wala kang pasalubong sa akin ha!" tumawa ulit siya.
"Lily, isang linggo pa lang kami dito, pasalubong na agad yung hinihingi mo, haha...okay fine, basta kumain ka ng marami, huwag kang mag-papalipas ng gutom, papangit yung katawan mo!"
"You're so nakakainis talaga Kuya!"
"O siya, sige na, I have to go now Princess, baka magalit sa akin si Dad, I have a lot of paper works to do.." nakaramdam ulit ako ng lungkot.
"Don't be sad okay? 3 months won't be long."
"Okay, Bye Kuya, say Hi to Dad for me.."
"I will..Take care Princess." At naputol na ang tawag, Si Kuya, kahit mapang-asar siya, mahal ko 'yan, nasanay kasi ako na laging kasama si Kuya, nung bata kasi ako, napaka-over protective niya sa akin kaya ayun na sanay ako pero habang lumalaki ako hindi na siya over-protective sa akin pero lagi niyang tinatanong kung kamusta daw ba ako, may nang-bubully daw ba sa akin sa school. Yes, tinatanong lang niya.
"Hey Sis, ano ok ka na ba?.." napatingin ako kay Nath at ngumiti.
"Nath, call Alexis, dito kayo mag-istay for 3 months.." ngumiti si Nath at niyakap ako.
"Yeess!! Bumalik na ang dating Lily!!! Okay, tatawagan ko si Alexis at sabihin ko na mag-empake na siya ng mga damit niya okay? Babalik ako! Mag-eempake na din ako ng mga damit! Ciao!" tumakbo na siya palabas at sumakay na ng kotse niya at umalis na ito. Kukuha nga daw siya ng mga damit. Pagkatapos kong kumain, umakyat ulit ako sa kwarto ko para maligo, after taking a bath, I wore a pink shirt and short jeans at pumunta ako sa veranda para lumanghap ng hangin. Haay...nakaka-miss si Kuya...
"Missing your brother?..." Nagulat ako sa nag-salita, lumingon ako sa kanan ko and I saw the him na nakasandal sa pader.
"Y-you...H-how did you get in?! G-gua—" mabilis siyang nakalapit sa akin at tinakpan niya ang bibig ko.
BINABASA MO ANG
Lovers Under The Blood Moon |COMPLETE|
Viễn tưởng"Isusumbong kita s-sa..uh..Boyfriend ko!!!" nginisian lang ako ng babae na nagtapon ng juice sa damit ko. Oo, sinadya niya. "Boyfriend? Ikaw may Boyfriend? Kung meron man eh nasaan na yung sinasabi mong Boyfriend?" shit...wala naman talaga akong Bo...