Chapter 12: Aggressive One. . .

1.3K 26 0
                                    


(Lily's POV)

I woke up feeling comfortable in my bed...wait...in my bed?...Napabalikwas ako ng bangon at lumingon ako sa paligid ng kwarto ko. I slept in my bed...pero...sa pagkakaalala ko sa sahig ako nakatulog...I smiled. It's probably Leo. Si Leo siguro ang naglagay sa akin sa kama. While my mind is occupied the door opened. Laking ngiti akong napatingin sa pinto akala ko siya ang papasok but I was wrong. It was Nate who entered the room.

"Oh, you're awake?...buti naman at gising ka na, akala ko kung ano ang nangyari sa'yo, nakita na lang kasi kitang nakahiga jan sa sahig..haha! nakatulog ka lang pala!" nakita niya akong nakatulog sa sahig?...Ibig sabihin hindi si Leo ang...

"Ikaw ba ang naglipat sa akin sa kama?..."

"Oo, ang bigat mo nga eh! Hahaha!" napayuko na lang ako. Akala ko si Leo ang naglipat sa akin sa kama...Akala ko lang pala...I smiled bitterly...

"Lily?...Hey, are you okay?..." I faked smile at lumingon ako kay Nate.

"Okay lang ako! Tara! Samahan mo ako! Nagugutom na ako eh!" mabilis akong umalis sa kama at dumaretso sa labas ng kwarto. Nagmadali din akong bumaba papunta sa kusina at nakita ko naman doon si Nanay Tere na nagluluto mabilis akong lumapit sa kanya at agad ko siyang niyakap.

"ay kalabaw! Jusko naman Collin! Ginulat mo naman ako!"

"Nag-lalambing lang po ako nanay..." pinatay niya ang kalan at hinarap niya ako at humiwalay na ako sa pagka-kayakap ko sa kanya.

"Tumawag ang kuya mo...sinabi niya sa akin na may sakit ka daw kaya nagmadali akong pumunta dito para tignan ka...pero nandito na pala ang mga kaibigan mo at sinabi sa akin na okay ka naman daw...hay naku..ang kuya mo talaga..." napangiti na lang ako, ayaw din kasi ni Nanay Tere na umiiyak ako eh, kaso pinag-alala naman ni kuya si Nanay. Haay naku si Kuya talaga...

"Okay lang po ako, nagugutom na nga po ako eh!" tumawa siya at binuksan niya ulit ang kalan.

"O siya sige na, mag-hain ka na at tawagin mo na ang mga kaibigan mo malapit ng matapos itong niluluto ko." Ngumiti ako kahit saglit lang...nakalimutan ko ng sandali si Leo...

Naghain na ako ng mga plato at baso pati na din ang mga kutsara at tinidor na gagamitin namin. Pagkatapos kong mag-hain, pumanik ako sa ikalawang palapag ng bahay namin at pinuntahan ko sila sa mga kwarto nila.

"Nath, Alexis, kakain na!" bumukas ang pinto at lumabas na sila Nath at Alexis.

"Lily, buti naman at gising ka na, sarap ng tulog mo sa sahig ah!" sabi ni Alexis.

"Pasalamat ka at nakita ka ni Nate my loves! Kung hindi masakit 'yang likod mo ngayon." Natawa na lang ako pero iniisip ko pa din si Leo. Hindi ko siya nakikita...nasaan na siya?...

"Oo na, sige na tawagin niyo na sila at kakain na tayo sa ibaba." Paalis na sana ako ng biglang nag-salita si Nath.

"Lily, kaka-alis lang ni Nate..."

"Sila Francis at...Leo naman...kangina pa sila umalis, kakadating lang namin dito sa bahay mo biglang nag-aya si Leo na umalis. Sinamahan na lang siya ni Francis..hindi namin alam kung saan sila pumunta eh..." hindi nga si Leo ang naglipat sa akin sa kama...so...kangina pa siya wala?...

"Ahh...ganun ba? Okay lang yun! Ah! Oo nga pala! Samahan niyo ako mamaya ah! Mag-bar ulit tayo! Namimiss ko na din kasi ang tambayan natin doon eh! Tara na! kain na tayo!" Mabilis akong nag-lakad palayo sa kanila bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Lovers Under The Blood Moon |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon