(Leon's POV)
Konti na lang...Konting pagtitiis na lang ang hinihintay ko, lalabas na ulit ang Red Blood Moon. At sa paglabas ng Red Blood Moon ang siya ring pagbangon ng isang Red PureBlood Moon Royalty. At sa pagbangon ng isang Royalty ay kasabay rin nun ang pagbagsak nito. Kukunin ko...Kukunin ko ang kapangyarihan ng isang Royalty at sasakupin ko ang buong mundo.
Oo nga at isa akong Prinsipe pero hindi kami natatawag na Royalty dahil ang tawag sa amin ay High Rank Vampires, Pureblood Vampires na walang kapangyarihan ng Blood Moon at ang pinakamataas ay ang Royalty na may kapangyarihan na Blood Moon.
High Rank nga kami pero sa bloodline ng pamilya namin ay mayroon kaming Black Blood. Kaya mas lalo akong lalakas kapag napatay ko ang Royalty sa pagdating ng Red Blood Moon. mapapasa-akin ang kapangyarihan ng Blood Moon.
"Mukhang malalim ang nasa isip mo, a penny for your thoughts?" tanong ni Blaire na kasalukuyang katabi ko ngayon sa aking kama.
"The Red Blood Moon" ilang sandali lang at nabalot ng katahimikan ang kwarto.
"Itutuloy mo ba talaga ang pagpatay sa kanya?" Napangisi ako, bumangon ako at nanatiling nakahiga si Blaire.
"Lumalambot na ba ang puso mo? Nahihibang ka na, Kung gusto mong bumalik sa kanya makakaalis ka na." Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin mula sa aking likuran.
"Hindi, Hindi kita iiwan. Utang ko sayo ang buhay ko." I faced her and I held her shoulders as I slowly lie her down in the bed.
"Then, give me your blood..." she smiled viciously as she wrap her arms around my neck.
"All yours..." I smiled wickedly as I punctured my fangs to her neck.
(Leo's POV)
"Kumain ka na ba Cross?" tanong sa akin ni Grandpa na kangina pa nakamasid sa akin habang inaayos ko ang mga papeles na ibinigay sa akin nila Francis.
"Hindi pa Grandpa, wala akong gana." dalawang linggo...two weeks of not seeing her is a 2 weeks of hell for me. Kasalanan ko rin naman dahil masyado kong tinutukan ang trabaho ko na tungkol sa Red Blood Moon.
"Sige, ipadadala ko na lang ang makakain mo." Dinig kong sabi ni Grandpa at lumabas na siya ng kwarto ko.
Ilang linggo na lang rin ang natitira at lalabas na ang nasasabing Red Blood Moon. Wala pang nakakaalam sa amin kung ano ang mangyayari. Kasalukuyan kong pinababantayan si Lilac sa mga Naiper, sinabi ko sa kanila na ibalita agad sa akin kung mayroon mang impormasyon na sasabihin si Lilac.
"Red Blood Moon..." Kung hindi natuloy ang paglabas ng Blood Moon noong mga nakaraang taon...Ano ang dahilan?...Sila lang ang makakasagot nito. Inayos ko ang mga papeles at nagmadali akong pumunta kung saan naroroon sila Grandma at Grandpa.
Mukha namang naramdaman nila ang presensya ko dahil sabay silang napatingin sa akin. At ang tingin nila ay may bahid ng pagtataka na rumehistro sa mga mukha nila.
"Ikwento niyo sa akin kung ano ang nangyari sa Red Blood Moon at kung bakit hindi ito lumabas sa mga lumipas na taon." Base sa nakikita kong ekspresyon ng mga mukha nila, alam ko na inaasahan nila na darating ang pagkakataon na ito.
"Halika at maupo ka rito Cross." Lumapit ako kay Grandpa at umupo ako sa tabi niya. Nagkatinginan muna silang dalawa ni Grandma, sinubukan kong gamitin ang mind reading ability ko sa kanila ngunit hindi ito gumana.
"Makinig ka sa Grandma mo at may kukunin lang ako." tumayo si Grandpa at saka siya mabilis na nakaalis, itinuon ko naman ang atensyon ko kay Grandma.
BINABASA MO ANG
Lovers Under The Blood Moon |COMPLETE|
Fantasy"Isusumbong kita s-sa..uh..Boyfriend ko!!!" nginisian lang ako ng babae na nagtapon ng juice sa damit ko. Oo, sinadya niya. "Boyfriend? Ikaw may Boyfriend? Kung meron man eh nasaan na yung sinasabi mong Boyfriend?" shit...wala naman talaga akong Bo...