Chapter 05: Our Moments...

2.2K 47 0
                                    


(Lily's POV)

"Lily!!! Lily!!! Tara na!!!" psh! Sila Nath, pinagmamadali akong mag-bihis, pano nag-aaya na namang mag-shopping. Actually, wala akong ganang mag-shopping pero dahil mapilit ang mga bampira kong kaibigan, I decided to go with them, pero konti lang ang bibilhin ko dahil wala naman talaga ako sa mood ngayon. Pagka-labas ko ng kwarto ay agad nila akong hinila pababa at palabas ng bahay at agad nila akong isinakay sa van.

"Ako ang magda-drive!" pumunta si Alex sa driver seat at si Nath naman sa passenger seat. Syempre, ako na lang ang umpo sa back seat kasi wala naman na akong mauupuan. Buong byahe namin nakikinig lang ako ng music sa ipod ko at nakatingin lang sa bintana, habang sila Alex at Nath ay masayang nag-uusap sa harap, pinag-uusapan siguro kung anu-ano ang mga bibilhin nila.

"Don't go alone...Stay with them..." Huh?...Did I just hear his voice?...

Nang makarating na kami sa mall ay agad kaming pumunta sa mga boutique shop at bumili ng mga dresses, well like I said na wala ako sa mood na mag-shopping konti lang ang binili kong dress. Habang bumibili ang dalawa, may namataan akong umiiyak na batang lalaki na di kalayuan sa labas ng boutique, nagpaalam muna ako sa dalawa at pinuntahan ang bata.

"Mommy!!!Mommy!!!" sigaw nito habang umiiyak, kawawa naman ang bata, ang dami-daming tao dito pero wala man lang silang balak tulungan yung bata. Haay...people these days...Kinalabit ko yung bata at tumingin ito sa akin, buti naman at huminto na ito sa pag-iyak, pinunasan niya ang agad ang kanyang basang-basa na mukha.

"Hey there little boy...are you lost?..." hindi Lily...hindi siya nawawala! Kaya nga umiiyak diba? Haist! Tumango ang bata at hinawakan niya ang kamay ko.

"Ate...help me find my mommy..." aww gosh...ang cute niya...

"Okay, lets go find your mommy..."habang nililibot namin ang mall at habang hinahanap ang mommy niya bigla na lang niya binitawan ang kamay ko at tumakbo papalayo.

"Hey!!! Wait!!!" I followed the boy and he's headed out towards the parking lot.

"Hey! I said wait!" nakita kong lumapit siya sa isang babae at kinalabit ito.

"Mommy!" Haay...salamat naman...lumapit sa akin ang babae at hinawakan ang kamay ko.

"ikaw ba ang tumulong sa anak ko?...Naku...Salamat...Maraming salamat...buti na lang at tinulungan mo ang anak ko, salamat at may mabuting tao na tumulong sa anak ko...kaso...kailangan din nitong mawala..." napatingin ako sa mata ng babae at nakita kong nag-iba ang kulay nito, naging mapula ito na kasing kulay ng dugo at nag-iba din ang kulay ng balat nito na parang  isang bangkay sa sobrang pagkaputla ng balat, mabilis kong itinulak ang babae at tumakbo paalis ng parking lot pero bago pa ako makalayo sa kanila ay nasa harap ko na ang bata kangina pero iba na din ang anyo nito. Ito ba ang sinasabi nilang Krept?...Nakakatakot...

"Wala ka nang kawala mortal!" Naramdaman ko na lang may tumulak sa akin papalapit sa Krept at pumasok sa isip ko na yung batang Krept ang nagtulak sa akin. Agad akong dinamba ng babaeng Krept kaya napahiga ako sa sahig at nasa ibabaw ko siya.

"ALEX!!!! NATH!!!!" naiiyak na sambit ko at pinipilit kong itulak siya paalis sa ibabaw ko pero mas malakas ito sa akin.

"Akin na ang dugo mo!!!" binuka nito ang bibig at kakagatin na ang leeg ko, ipinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na may maramdamang sakit.

"Don't you even dare..." masyadong mabilis ang pangyayari...dumilat ako at...Nakita ko na lang na naging abo ang Krept, pati na din ang bata. Sinubukan kong tumayo pero dahil sa sobrang takot na bumabalot sa katawan ko ay bumigay ang mga paa ko pero bago pa ako bumagsak ulit sa sahig ay may dalawang pares na kamay ang umalalay sa akin.

Lovers Under The Blood Moon |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon